CRUSH RIN KITA. MATAGAL NA
"Kara!" Sigaw ni Devone sa kabilang linya. Letchugas! Ang aga-aga nambubwisit
"Tara na. Zumba tayo!" Sigaw ulit nya
"Pwedi ba Devone!" Naiinis 'kong sigaw sa kanya. Natutulog ako dito ng payapa tapos gigisingin nya lang ako para mag-zumba. Alam naman nyang hindi ako nahilig sa ganyan.
"Gaga! CAS DAY ngayon bruha! Required tayong magzumba. Dali na!" Ay oo nga pala! Tangina naman oh. Bakit kasi kailangan pa ng ganyan?
"O sige na! Sunduin mo 'ko dito" natatamad 'kong sabi at pagkatapos ay bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Sige nalang para sa attendance. Huhu
"Walang paa?" Pagbabara nya sa akin
"Ikaw 'tong nagyayaya tapos hindi mo 'ko susunduin. Sige na! Maghihilamos pa ako"
Narinig 'kong napamura naman sya sa kabilang linya "oo na! Papunta na!"
***
Sa Gym ng University ginanap ang zumba. Grabeng tagatak ng pawis 'ko paano ba naman itong si Devone kailangan todo hataw daw para worthed ang ng maaga"O eto" sabay hagis sa akin ng tshirt. Eto yung gagamitin namin na tshirt mamaya
"Salamat"
"Anong salamat? May bayad yan 'no?" Pamemewang nya "libre mo 'kong kape"
At dahil mabait at mapagbigay akong kaibigan, linibre ko si Devone ng kape sa tindahan kung saan malapit lang sa amin
"Guys! Mukhang dadaan dito crush natin" malakas at kinikilig na sabi ng babaeng nasa kabilang table. Nagzumba rin sila. Halata sa mga itsura nila
"Andyan na" kinikilig na sabi rin nung isa
Sa sobrang ingay nila at dahil narin nacurious rin kami ni Devone kung sino ang tinutukoy nila, napatingin kami dun sa sinasabi nila
"Kaya naman pala" tangong bulong ni Devone habang nakatingin sa direksyon na yun "pinagkakaguluhan na naman ang crush mo" sabay higop sa kape nya
"Wag ka ngang maingay, Vone!" Siko ko sa kanya na dahilan para mabuhos ang iniinom nya
Oo. Crush ko si Ivan pero hindi ko talaga pinapangalandakan na may gusto ako sa kanya. Si Devone lang ang nakakaalam. Wala lang. Masyado kasi syang well-known dito sa college kaya maraming katulad ko sa kanya
Bukod kasi sa gwapo na matalino pa. Habang ako isanh simpleng estudyante sa college na 'to. Hindi kilala, hindi napapansin. Kaya bakit 'ko pa ipapangalandakan na crush ko sya? Hindi rin nya naman ako mapapansin. Tss. Suntok sa buwan.
"Aray --" !#$a$+d*! Ang hilig talagang magmura nang babaeng 'to
"Kumpleto na ang araw 'ko" sabi nung babae nang makadaan na si Iva
"Gwapo talaga! Bagay kami" dagdag nung isa. Duh! Mas bagay kami!
Nang matapos na si Devone lintanya ay umuwi narin kami para makapagpalit at makapag-ayos
Masasabi 'ko rin na worthed ang paggising 'ko ng maaga dahil sa kanya. Haaaay, buhay crush.
***
8:00 a.m narin ng bumalik akong school. Marami nang tao ng makabalik ako. Pagbaba ko ng tricycle ay agad 'kong hinanap ang mga classmate ko
"Oy, Kar!" Nakita ko naman kung sino ang tumawag sa akin kaya lumapit agad ako sa Class Mayor namin
"Balloon mo oh" sabay bigay sa akin ng balloon na color blue na may sulat na CAS FOUNDATION DAY 2k15
"pakibigay nalang rin neto kay Devone" sabay isa pang balloon