Dear JP,
Ang sakit na. Ang sakit sakit makita na nakakasama ka niya, nakakatawanan, nakakakwentuhan, pero ako, ni matignan hindi mo magawa. Pero sino ba naman ako para magselos diba? Eh hindi mo nga siguro ako kilala kahit sa mukha lang eh. Di mo rin siguro alam na may Shai na nag-eexist sa mundo mo. Shai na nagsstalk sayo Shai na baliw na baliw sa'yo . Shai na nasasaktan ng dahil sayo. At Shai na mahal na mahal ka.
Pero ano namang laban ko sa mga babae mo? Magaganda sila pero ako simple lang. Isang commoner. Atsaka di ako nababagay sa isang lalaking tulad mo na maraming babae ang nagkandarapa, maabot ka lang. Kumbaga, langit ka, lupa naman ako. Hinding-hindi tayo kailanman magtatagpo .
Sige, Magandang Araw. This is a letter for you JP.
Mahal na mahal kita. Sana mapansin mo rin ako.- Shai