[Khym Andrea Cassidy]
Isang linggo na ang nakakaraan simula nung first day of school. Masaya naman. Marami na akong kaibigan, sa kabutihang palad e wala akong teacher na laging HB pag nakikita section namin. Ay hindi, meron pala. Si Mam Pacenciana Sampaguita, Physics teacher namin na nuknukan ng sungit pag nagkaklase samin. Sabi niya ayaw niya daw sa section namin kasi sugurado raw siya na puro mayayabang at di naman daw talaga matatalino ang nasa section namin. Opinion niya yun wala akong magagawa. Wag kayo magpapauto sa pangalan niyan kasi kung ano kinabango ng pangalan e yun din namang kinabaho ng ugali. Nakers nakers langs talagas.
Bat ko nga ba nasabi 'to? Wala lang. Physics namin ngayon e. Inaantok na talaga akoooo. Ayoko talaga sa Physics. Yun ang pinakakinaiinisan kong aspect of Science. Puro add add e may math naman! Paki ko ba sa trough, displacement, distance o kahit ano pa man yan.
"Pst, Kimmydora." Ito pa isa sa pinakamalas na bagay na nangyari sa tanang buhay ko, ang makatabi ang lecheng impaktitong lalaking 'to. Wala nang ginawa kundi guluhin buong buhay ko e! Minsan ang sarap ng ipatapon nireng Hiro na ito sa dagat e!
Ulitin mo man yang pag-sutsot mo sa'kin sa ika-anim na pagkakataon, Hindi kita papansinin. Manigas kang bwisit ka.
"Ano?!" Rinding rindi na talaga ako sa kaka-sutsot niya kaya nilingon ko na siya. Pigilan niyo ako mga kapatid, maipapatapon ko 'to sa Sahara Desert. Buti nalang na-control ko pa sarili ko sa kabila ng pagkabwisit ko. Nakuuuuu sarap ibaon sa lupa nitong feeler na 'to."Kimmydora, diba matalino ka? Ano nga raw English ng 'Ayoko sa Physics' oh!" Sabi ni Akihiro habang nakangiti. Iba talaga nararamdaman ko sa ngiti nireng mokong na ito e. Parang may binabalak na ewan na di ko malaan.
"I hate Physics, bakit ba? And puhlease... Stop calling ne Kimmydora, it's Khym and kamukha ko ba si Eugene Domingo? Oopps! Wag mo ng sagutin yan, alam ko naman na sagot mong epal ka e." Wao haba ng litanya ko. Salamat Author sa pagbibigay sakin ng oportunidad na makapagsalita ng mahaba. Flattered akez. Hihihi. Pero back to the topic, ang mokong e tatawa-tawa lang! May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakahithit na ata itong lalaking to mga kababayan.
"Ano nga ulit English nun?" Bingi ba 'to? Bat ba ulit-ulit?"I hate physics nga." Pag-uulit ko naman. Hindi ko alam kung bat ko ba sinusunod utos nito!
"Hindi ko talaga marinig e!" Letse kang kupal ka. Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon at pag di mo pa to natandaan e P.I mo!
"I hate physics. Ulitin mo pa ha?" At ang mokong sumunod, umulit nga!
Hindi ko alam kung bakit, pinaghaling inis at antok at bagot ata, Kaya ako napasigaw ng pagkalakas lakas na...
"I HATE PHYSICS NGA! BINGI!"
Nang tignan ko ang mokong, natatawa lang siya habang nakatingin sakin. Argh! Thus kid REALLY annoys me!
And with that, I got their attention. All eyes on me, and Mam Sampaguita's signature breath-taking look.
Lupa kainin mo na ako please!
BINABASA MO ANG
That Conceited Guy
Teen FictionDear Hiro, Crush kita e! Crush na crush! Pero naiinis ako sayo! Gusto kong mag higanti sayo pero laging nabubulilyaso pag nakikita kitang nakangiti. Knowing na mawawala yang ngiti mo na yan pag ininis kita! Pero wala na akong pake. Desperada na ako...