Me Myself & I (at ang maikling kwento kung paano ako nakarating rito...)

1.7K 12 23
                                    

Hi! Hello! How are you? I'm fine thank you. (weh? ang korni naman ng simula mo!)

OUCH! ako na. ako na korni sorry nemen my dear thoughts. (anu sabi mo thoughts? wuahahaha. hay nako bahala ka na nga hindi na ako mag-saside comment. tatawa na lang ako. xDDD)

Mabuti pa nga. AY teka, in the first place bakit ka ba nagsaside comment ha? hindi naman kailangan ng side comment mo dito eh. wag kang epal. nagtatayp ako ng masasabi ko dito tapos bigla kang sisingit diyan? makibasa ka na lang. :P (Ganun? kpayn talo na akez. wititit na me masey. gorabels na!)

AYAN. SA WAKAS! natapos din ang maikling argumento namin ng aking sarili. hay. sorry po sadyang baliw lang ako. i know! i know! iniisip niyo "anu ba tong babaeng to? parang ewan lang. nakikipag-usap sa sarili niya, ayaw pa tayong diretsuhin sa sasabihin niya tungkol sa sarili niya. nakoo. makalayas na nga!" (as if naman may magbabasa nito. ASA ka pa! >:P)

:( Sama mo talaga!. TEKA NGA! tama na ang mahabang segway at kailangan ng simulan ang gusto kong ipahiwatig dito. GAME! seryoso na!

Ako nga po pala si Desiree Mariscal Solomon Dolong Arenas. wuahahaaha haba ba ng name ko well? wala lang pinahaba ko lang yan actually ako ay ipinanganak sa mundo at pinagalanang Desiree Arenas. wala lang yung iba. hehe. V^_^V

Isang nakababata sa kolehiyo. (nyahahaha natawa ako dun ah. nakababata. amp xD. pa-explain nga babaeng nagtatayp!, ay teka don't mind ako na lang. Kung naguguluhan kayo i-suggest try to use google translate and try to translate the word "nakababata" to english. -okaay na ba? Let's continue..) Dahil nga sa ako'y Junior na sa college ako ay labing walong taong gulang na. Opo alam ko legal na. yung tipong pwede na makulong, pwede na mag-bar hopping, pwede ng late umuwi. pwede na magpakasal. pero hep hep hep! wala akong balak gawin lahat ng mga pwede na yan. Ang sa akin lang, well, i'm just saying na yun ang mga maaari ng gawin ng isang 18 yrs. old above. (anubeyen, bakit ang hilig mo mag-explain?)

Well, para malinawan naman sila sa mga kaeklatang pinagsasabi ko diba. I HOPE? teka nga diba dapat quiet ka muna? SSSSHHHH. CHUPI muna! (okay. okay. tatahimik na ulit.)

GOOD. Lagyan kita ng duct tape ng matahimik ka na talaga eh. >:)

As i was saying, ayuun in my 18 years of existence here, i am never really a fan of reading any books either online books or published ones except when needed like for book reports or book reviews etc. Ang forte ko talaga ay ang paggamit ng mga social networking sites, pakikinig sa music, panunuod ng tv/anime, pagbabasa ng manga at pagkanta sa banyo tuwing naliligo at tuwing alam niyo na yun. *blush* *hiya mode* changed topic na. uhmm. so ayuuun nga hindi nga ako mahilig sa pagbabasa until na-curious ako sa isang series na book nung highschool ako 4th year. TWILIGHT SAGA. yep nag-enjoy akong basahin yun. (sorry sa mga anti-twilight pero i'm just expressing myself and in my own POV maganda naman siya.) Natapos ko ang series na yun. Isang napakalaking accomplishment nun para sa akin.! yey me! \(^_^)/

Okay tama na ang selebrasyon. After kong kiligin sa tambalang edward anthony masen culllen at isabella marie swan. ( ay. talagang COMPLETE NAME? ) Oh yes. complete name may angal? ( sabi ko nga shattap na ako eh. -_- ) Eh mejo matagal tagal bago ako nakarecover agad sa nabasa kong yun. Matagal ang lumipas na panahon bago ako bumalik sa pagbabasa ko, ang mga nabasa ko naman ay yung kay BOB ONG gaya ng KAPITAN SINO, ABNKKBSNPLAKO, ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS, BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO AT MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN. (Dito lang ako aamin huh? quiet lang kayo ha? maganda ang mga aklat ni BOB ONG kaso ewaan ko ba sa aking sarili pero ambilis kong nakalimutan ang mga nabasa kong iyon. hehehehe. *peace tayo BOB ONG* ^_^V)

Too make the LONG STORY SHORTer ng Onti... nitong February 25, 201* ( Wow kung hindi complete names Exact date? imba ka rin eh noh? ) well, hindi ko naman talaga alam nung una yung date naalala ko lang na sa facebook kami nag-uusap ni LHARABEBE kaya naalala ko pa. As i was saying a while ago, ayuun nacurious ako sa status sa FB ni Lhara na naisipan kong mag-comment at yuun may ni-recommend siya na basahin ko. ( nasa side yung screen shots ng pag-uusap namin ni Lhara.)

Me Myself & I (at ang maikling kwento kung paano ako nakarating rito...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon