Finished: November 21, 2015
Published under Sky Fiction.Sandra's POV.
"Babe mahal mo pa ba ako?"Tanong ko kay Jake, Tumingin siyang may halong pagtataka.
"Ano bang tanong yan Sandra? Shempre naman no."
"I love you babe." Sabay halik ko sa pisngi niya.
"Why so sweet babe?Mahal din kita baby ko." Tapos medyo lumapit siya ng upo sakin, He keeps on calling me baby di kona lang pinansin.
"Hmm.. Babe mga isang linggo akong mawawala, Sana behave ka lang." Habang sinasabi ko sakanya yun nakatingin lang ako sa mga batang nag lalaro sa park. Hindi ko matanggap na isang linggo ko siyang hindi makakasama pero pipilitin ko para sakanya din naman to e.
"Yes naman, I understand."
Lumipas yung isang linggo na hindi kami nagkakasama, I really miss him.
"Jericho nakita mo ba si Jake?"Masayang tanong ko kay Jericho nong makasalubong ko siya sa corridor.
"Ang paalam niya kasi sakin sa coffee shop daw siya pupunta." Coffee shop ano naman gagawin niya don?
"Saang coffee shop?"Tanong ko pa.
"Di ko din alam eh, Uy nga pala goodluck." Nag kibit balikat lang ako tapos nag smile.
"Ah sige thank you." Lumabas agad ako ng school para hanapin si Jake, Hindi kasi siya nag attend ng class kanina.
Nag punta ako sa pinakamalapit na coffee shop sa school kaso wala siya kaya pumunta ako sa starbucks since coffee shop din naman yun, kaso wala pa rin siya. Naka ilang coffee shop na ako pero hindi ko parin siya nakikita kaya tinawagan ko na si Sean.
"Oh hello Sandra, nakita mo na ba si Jake?"
"Kaya nga ako tumawag para sana itanong kung nandyan na siya eh. Maayos pa ba yung mga gamit dyan?"
"Oo kami na bahala dito, goodluck Sandra."
"Thank you Sean." Nanlambot ako, feeling ko hindi ko na siya makikita eh. Nag lalakad ako pabalik ng school nang may nahagip yung mata ko dun sa coffee shop na pinuntahan ko kanina, si Jake may kasamang babae, baka pinsan niya siguro o kaya naman bagong kaibigan.
Tinext ko siya, tinanong ko kung nasaan siya. Umupo muna ako sa waiting shed na malapit sa coffee shop na sakto lang para makita ko kung anong ginagawa niya.
Nakita kong hinawakan niya yung cellphone niya pero binaba niya rin sa table. Naisipan kong tawagan siya. Nung nakatatlong ring na hinawakan niya yung cellphone niya pero hindi niya sinasagot, napansin ko tumingin siya sa babae tapos bahagyang tumango yung babae.
"Hello," Ang lungkot ng boses niya.
"I miss you babe, san ka ngayon?" Nakakatangang tanong ko.
"Nasa room ko lang nilalagnat ako eh kaya hindi ako naka attend ng class." Liar, you should say I miss you too.
"Ganun ba?Pagaling ka, gusto mo puntahan kita?"
"Ahh-eh.Wag na."Ofcourse wala ka naman talagang lagnat eh. I'm mad, yeah. Pero walang mangyayari kung sasabayan ko siya kaya kinalma ko lang sarili ko.
"Okay then, I love you." Then I just found my tears falling through my face.
"Okay bye." Then he hanged up.
Hindi ako umalis sa kinauupuan ko, Umiyak lang ako ng umiyak. Masakit pero ayokong masira 'tong araw na to. Baka misunderstanding lang. Tumingin ako sa wrist watch ko 05:15 pm, mamayang 06:00 pm papupuntahin ko siya sa school.