Mamaw spix 11 ~

18K 391 23
                                    

Prue's POV

WHAT THE?! Totoo ba itong narinig ko mula kay mamaw?! Susme! Hindi pa nga ako nakaka get over sa mga pangyayari buong gabi at heto sya'y dinagdagan pa ng another shocking revealation.

I was caught off guard. Hindi ko alam ang sasabihin ko,at hindi ko alam kung maniniwala ako,panong hindi? Eh halos magdadalawang linggo pa lang kaming magkakilala tas magsasabi sya ng ganyan? Sungalngalin ko sya eh! >_

But on the other hand,nakaramdam ako ng mga mumunting kiliti sa kaibuturan ng napaka dalisay kong puso,in my 17 years of living in this pulloted world ay ngayon lang may lalaking nagpakita ng interes sa akin aside from Popoy,well Popoy is an excemption,kababata ko sya,normal lang na mag care sya sa akin,dahil kung hindi ipapalapa ko sya sa mga buwaya sa Manila Zoo! Chos lang! ^_^V

Pero itong si Mamaw este Kreyd pala ay kakaiba huh? Malakas ang loob,nakakabilib ang fighting spirit nya huh?

"Dalawang minuto ka ng nakatulala,ganyan ka na lang ba hanggang sa paglabas dito?" sabi ni Kreyd na nagpabalik ng kaluluwa ko sa aking katawang lupa.

"Hmp! Dyan ka na nga!" sabi ko ng makabawi at akmang lalabas na sa CR ng magsalita sya.

"Ganon lang yon? Okay lang,basta tandaan mo Prudencio,hindi mo ako matatakasan" sabi nya and before I knew it mabilis nya akong hinalikan sa kaliwang pisngi.

"Pangatlo na yan diba? Dont worry refundable yan,pwede mong ibalik" naka ngisi nitong sabi at iniwan ako.

GGGGGGGRRRRR! >.

First,second at third kiss ko sa kanya lahat napuntaaaaaa!! Mamaw ka talagaaaaa! =__=

Bago pa ako tuluyang magwala sa CR ay lumabas na din ako,kinalma ko ang aking sarili at bumalik na sa mga kasama,nandun na si mamaw at todo ang ngiti.

Mamaw! Humanda ka sakin! At tiningnan ko sya ng masama,kung may lazer power lang ako kanina pa tunaw ang mamaw na to.

"Friend akala ko na flush ka na sa toilet bowl" ani Paige.

"O baka naman may ginawang milagro si insan" dagdag pa ni Janssen.

"Tantanan nyo akong dalawa ah? Pagbuhulin ko kayo" sagot ko at humagikgik lang ang mga animal. Sige lang,huling hagikgik nyo na yan hahaha!

Masaya naman ang party,nakakatuwa at madali silang nakagaanan ng loob,who would have thought na magkaka dugtong ang kwento ng mga buhay namin.

Hindi namin masyado naka usap ang triplets dahil busy din sila sa pakikipag daldalan sa mga kasama namin. Ang dami ko nalaman at natutunan. Medyo nainggit pa nga ako dun kina Kevin at Arvin kahit mukhang nasa mid 30's na eh sila pa din hanggang ngayon,at ang gwapo nila huh? Sayang ang lahi, pati dun sa Prinz at Pipay,bagay na bagay sila, kahit dun kina kuya Kurt at Eiko,Kuya Gelo at Yuri,ang pinaka kumuha ng atensyon ko eh sina kuya Argel at Yuweh,interesting ang lovelife nila,sina Kuya Ian at Page din nakaka inggit,ipinakilala pa nila kami sa pinaka ugat daw ng lahat ng pagkaka ugnay namin, sina Tito Paul at ang lifetime partner nito na beki din, si Tzekai o Te'khai kung tawagin nila,matatanda na pero bakas sa mga mukha ng mga ito ang kaligayahan at kakontentohan sa buhay,nakaka inggit diba? Sana ako din umabot sa ganung punto.

-----

Hahay! Monday na naman! Second subject na namin,nothing special bukod sa dito kami sa may pool area at kasama ang mga Architecture students,basically ang department nina Kreyd,ewan dito sa Prof namin,basta ang sabi nya madami daw syang hinahabol na lessons kaya pinag sabay na nya,bakit nga ba kasama sa subjects ng mga Architecture students ang swimming? Eh kami namang Com.Eng eh wala,kaya lang kami nandito ay dahil nga sa walang kapararakang rason ng prof namin,baka bet din nya makilangoy kami sa mga Architecture students? XD

Ang Mamaw Sa Laboratory [boyxboy] #Completed!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon