"Ate Ria, gising na! Diba pupunta ka pa sa Ospital?"
Oonga pala, sobrang iyak ko kagabi. Alas kwatro nako nakatulog.
Buti pinaalala sakin ni Khalil, kapatid ko nga palang lalaki.
Bunso si Khalil, ako panganay. Dalawa lang kaming magkapatid.
Si Mommy may business. So laging busy. Minsan di na nakakauwi.
Si Daddy, nasa Canada. Dun siya nagw-work.
Hay oonga! Pupunta pakong Ospital!!
Nagtaxi agad ako para makapuntang St. Lukes, pumunta agad ako sa room kung nasan siya.
Si Deej.
*tok tok*
"Sige pasok"
"Hello po tita, eto po pala fresh fruits"
Kinuha ni tita karla yung basket ng fruits. Mommy siya ni Deej. Close sila ng Mom ko since college, pareho dilang course ni Mommy tas solid na magbabarkada sila.
"Salamat hija, buti andito ka na ulit. Osha, uwi muna ko saglit para magpalit. Okay lang sayo ikaw muna magbantay dito?"
"Onaman tita! Sige po ako ng bahala."
Niyakap ako ni tita ng mahigpit.
"Salamat Ria, lahat lahat"
"Wala po yun tita."
Paglabas ni tita ng kwarto alam ko umiiyak siya.
Ayan nanaman nakakainis. Tumulo nanaman luha ko.
Sunod sunod. Di ko na mapigilan.
Andito ko ngayon, nakayuko. Sa tabi ng kama ni Deej. Masakit makita siyang ganun ngayon.
"R-ria?" Mahinang sabi ni Deej.
"Uyuy! Yun gising ka na pala! Ayos! Hahahaha gusto kumain? Inumin?"
"Umiiyak ka."
Hindi siya nagtatanong, nagdedeclare siya.
"Hahaha, anoba Deej hindi ah. Sinisipon lang ako no"
"Sinisipon? May luha?"
Pinipilit kong maging masaya. Pinipilit kong ngumiti. Pinipilit ko.
"Onga hahahaha ewan ko bat sa mata ko lumalabas yung sipon. Hahahaha kadiri ang weird no"
"Ria, masaya akong nakikita kang masaya. Mahal na mahal kita. Sobra as in solid na solid"
'Masaya kong nakikita kang masaya'
Hay Deej.
Kung alam mo lang para kong binubuhusan ng napakalamig na tubig tuwing pinipilit kong maging masaya. Tuwing nagpapanggap akong okay.
Umupo si Deej.
Yakap niya ko ngayon.
Yakap ako ng Deej ngayon. Sobrang higpit yung parang ayaw niya ko pakawalan. Gusto ko yung feeling na ganito. Yung alam kong di siya mawawala.
Niyakap ko siya pabalik. Ayoko siyang mawala sakin. Hindi ko kaya, hindi ko matatanggap....ayoko. Ayoko.
---------------------------------------------
Lame ba ng update? Hahahaha corny ba? Huhu suggest kayo please :) Pretty pleaseeee :)
YOU ARE READING
KathNiel | Loving You No Matter What
Fanfiction"Sabi ko pangingitiin at patatawanin ko siya, para maging masaya siya. Pero bakit ganun? Tuwing ngumingiti at tumatawa siya. Ako yung nahihirapan? I mean mas lalo akong nasasaktan..." -Ria❤