V.

41 1 0
                                    


A/n

May Bedscene sila later hahaha warning ! Warning!

Rated SPG AH.

RATED R! ..





~ ° ~ ° ~ ° ~


Alex's

"Ihja.." malambing na tawag nito

" po?"


" saan kayo nagka kilala nang anak ko?"



" ahh..ako po ang nagsundo sa kanya dahil naging part po yun ng trabaho ko bilang tour guide."


" ahh. Gaano katagal na kayo magkakilala?"


" may isang bwan na din po."


" saan sya naka tira?"

Hala. Sasabihin ko ba? Eehh.. Di bale na. Malinis naman kunsensya ko.


" nasa iisang bubong lang po kami para mas makatipid po sya dahil galing po syang London sa Uk."



" napakabait mo naman. Dahil hindi mo kilala ang anak ko pero nagawa mo syang patuloyin.."


" mabait din'g po'ng tao si tonie.."


"bukod sa mabait, para sayo.. Ano si tonie sa buhay mo?"


Hindi agad ako nakasagot..kase ako man napaisip ako habang minamasdan syang nalalasing kasama ng asawa ni aling cecilia at kumpares nito..

Napangiti ako..



" mahalaga po si tonie sakin. Sa loob ng isang bwan nagkaroon ako ng tatay, kuya, bespren at kapatid sa katauhan nya. Naging tagapagtanggol ko at tagapag patawa.. Maasikaso din sya at masaya ako pag nandyan sya.. Tulad ngaun, masaya sya kaya masaya din ako.."



" mahal mo sya?"



" mahal ko sya--ay! Este"

Nakitang natawa ang mama nya. Nakakahiya naman! Nagaya ko pa ung sinabi nya..


" anak, alam mo nakikita ko sayo..mahal mo sya.. Ramdam ko din na espesyal ka para sa kanya kase nakikita ko iyon sa mga titig nya sayo.."



" sa tingin nyo po?"



" aba! Anak ko yan eh. Di man sya lumaki sakin pero ramdam ko.."



Hindi nako sumagot. Iniwan nya ko para ayusin yung kwartong tutulugan namin nagpasya nakong mahiga na kase busy pa naman sya dun kaka inom.



***



Tonie's

Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Alam ko ang nangyayare pero wala akong lakas.. Ang alam ko madaling araw na kami natapos at hindi ko alam kung si mama ba ang naghatid sakin sa kwarto.

Isang katawan ang naramdaman kong nakahiga sa kabilang dulo ng kama..



" omg tonie !"


Si...alex.


Nakapikit ako pero ramdam ko na may ginagawa sya.. Ilang sandali pa nakaramdam ako nang kung anong malamig na pumupunas sakin..

Ramdam ko din na hinubad nya ang tshirt at sapatos ko..


Amoy na amoy ko sya...


Written Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon