"Magbrebreak din kayo, walang forever"
"ano ka ba ampalaya?? masyado kang bitter"
"tse! hindi ako bitter noh!"
naglalakad si Rose at ang kanyang kaibigan nasi Alice patungo sa kanilang silid Aralan ng makasalubong nila ang dalawang couple na sobrang sweet...
"kung hindi ka bitter bakit kung makatingin sa kanila parang gusto mong kainin ng buhay ??"
"nakakaasar lang kasi kay aga aga landian ng landian."
" ate nasa paaralan po kayo wala sa park." wika ni Rose sa couple tiningnan lang sya ng mga ito at saka umalis
"ano ka ba! masyado mong pinahahalata na bitter ka ei. hindi ba pwedeng itago mo na lang yang pagiging bitter mo ha??"
"ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga ako bitter"
"Oh sya hindi na. Pumasok na nga baka abutan pa tayo Mrs.S (Mrs.Sungit) at masermonan pa tayo..."
"mabuti pa nga.."
Makalipas ang nakakatamad na araw para kay rose umuwi na sila ni Alice
Rose pov.
"Rose! ui Rose!"
"Ha.?"
"Ayan! tulala ka na naman.. hmmmm, ano ba iniisip mo??"
"ah.ei wala tara na uwi na tayo madilim na, malayo pa tayo"
pagpapalusot ko kay alice.. kanina pa kasi ako di mapakali parang may nakatingin sakin kanina pa simula ng lumabas kami ng classroom..
"rose, kanina pa kita kinakausap. tulala ka na naman.."
"ah.ei ano un??"
"andito na tayo sa harap ng bahay namin papasok na ko.."
"ay.. ou nga noh.. hahaha cge pasok ka na bye"
"hatid na kaya kita?? "
"loka. wag na ok lang ako, cge na bye na "
"ok..sure ka ah, ingat, txt ka pag nakauwi ka na."
"cge.. bye"
naglalakad ako ngaun mag isa mejo malayo din kasi pagitan ng bahay namin nila alice dalawang kanto pa dadaanan ko bago makarating sa bahay..
patuloy lang ako sa paglalakad ng may mapansin ako na parang may tao sa gate ng simbahan na madadaanan ko...
patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na ko ng simbahan, hindi lang isang tao may kasama itong babae at parang may ginagawa ung lalaki sa kanya di ko na masyado pinansin ung ginagawa nila kaya naglakad na ko
malapit na sana ko makadaan sa kanila ng biglang magring phone ko napatigil ung lalaki sa ginagawa nya at napatingin sa sakin,
laking gulat ko ng makita ko ung lalaki kulay pula ang mga nito at .
.
.
.
at may . May pulang likido ito sa mga labi na mejo umaagos pa napatingin naman ako sa babae ,
nakakahindik ang nangyari sa kanya, nakahandusay ito at may umaagos na dugo na makikita sa bandang leeg nito ,, naiiyak na ko sa sobrang takot, ung puso ko parang may mga nagkakarerang kabayo sa sobrang bilis, nanginginig rin ang buo kong katawan...
unti unting lumalapit sakin ung lalaki na namumula pa rin ang mga mata nito at maaaninag dito ang nakakatakot na ngiti na lalong nagpakabog sa aking dibdib...
napahawak na lang ako ulo ko ng bigla na lang ito sumakit at may biglang lumabas na maliwag sa aking katawan, at ang sumunod na pangyayari ay di ko na nakita bigla na lang ako nawalan ng malay..