Sabi nila, marami daw ang namamatay sa maling akala…
Sabi ko naman..
Weh? Totoo baaa?! Parang di naman!
Edi sana matagal na kong patay nun pa! Konyatan ko nagsabi nun eh! Dahil ang buhay ko, punong puno ng maling akala. O diba? Matagal tagal na pala sana akong tigok!
Hay ewan ko ba..
After HS dahan dahan na ata akong nagbabago.. Bakit ganto! Parang yun yung nafifeel ko eh. Man hater talaga ako simula pa lang.. Lalo na’t kinalakihan ko ang samahan ng puro babae.. Pero as times goes by.. Unti-unti akong nagiging man lover! Hayayay! Mahalay! Di bagay! Ano ba yan! Napapano na ba ko? Nakakalito na talaga… Ano ba tong akala ko na to?..
Ayun. Minsan kelangan isampal nalang sakin ng mga girlfriends ko na lagi nalang daw ako assumera.. Ba’t ba? Masama bang managinip ng gising? Kaya lang naman ako nag-aassume kasi malay ba nila kung magkatotoo!
Kaya siguro nga walang masama sa puro akala..
Yun nga lang.. Kapag nasobrahan, hindi ka naman mamatay kaya wag ka magalala, yun nga lang.. Ang feelings mo ang pwedeng malagay sa panganib..
--------------
“Oy bebang! Gumising ka na nga! Pang ilang late mo nanaman sa eskwelahan mo ah! Naku pag tumawag nanaman yang si Mrs. Dolores sakin at masuspend ka nanaman! Ilang lingo na lang yang school mo masusupend ka pa! Hay nako kukurutin na talaga kita sa singit!”
Hay.. Gising nanaman si mama. Ano ba yan! Umagang umaga sumasabog na eardrums ko kakadakdadk ng nanay ko -_____-
“Opo Ma! Gigising na! 5 minutes na lang!”
Makaiglip nga ulit..
Teka…
Kaso…
Baka tumawag nga talaga si Mrs. Kilabot kay Mama.. Ay si Mrs. Dolores pala…
Hay buhay magabangon na nga!!
Hello dur. Ako si Kate. Kate Dela Rosa. 17 years old. Senior year ko na sa HS. Exclusive for girls ang school na pinapasukan ko. May exclusive for boys kaming katabing school. In fact, dalawa pa nga eh! Ang St. Thomas School at John the Baptist High. Grabe daming pogi pag dismissal time. Dalawang boy's school ba naman e! Lalo na yung mga tumatambay sa harap ng school! Yun nga lang, may mga girlpren usually schoolmates ko. Hay.. Wala lang share lang. Kaya ayun. Pero sa school namin, araw araw puro chicks kasama ko. Minsan nakakasawa na nga eh. Wala man lang akong kaibigang boys.. Kaya ayun certified man hater na ata ako. Pero minsan, gusto ko na maging lalaki eh! Ang dami kasing kesho kesho sa katawan kapag babae. Nakakasawa kaya mag-ayos!
“Kate Dela Rosa! Gumising ka na sabi eh! Maligo ka na nga kung hindi ako lalapit sayo na may dalang balde na may tubig at ako ang magpapaligo sayo! Dalian mo na!”
“Opo ma naliligo na ko ito na o nasa cr na!” Hay nako minsan nakakainis na tong si Mama! Minsan akala niya bata pa ko eh! I’m a big girl now! Haha chos..
Pagkatapos maligo, nagbihis na ko ng uniform at nagprepare na para pumasok. Nakakatamad! Walang kasawa sawang whole day graduation practice nanaman! Pero natutuwa ako kasi onti nalang kolehiyo na kami. Pero nalulungkot din kasi iiwan ko na tong school ko na to. Nakalakihan ko na kasi dito eh. Nursery pa nga lang ako dito na ko nagaaral. Buti na lang kasi may reason ako para umakyat sa stage… Dahil may Loyalty award ako! Hay.. Pero mamimiss ko to.. Mamimiss kong puro babae kasama ko.. Hello boys na ko! Come to mama! Hahaha uy joke lang medyo mahalay yun..
“Hay nakong bata ka! Napakatagal mo talagang kumilos! Dalian mo na pumara ka na ng tricycle at pumasok na! Alis na!”
Malapit lang ang school ko sa bahay kaya tinatricycle ko na lang ito. J
BINABASA MO ANG
Maling Akala
HumorMinsan nakakainis maging babae. Ang daming arte eh! Suklay dito, suklay don. Make up dito, make up don. Hay jusko wala pa man din akong kaselan selan sa katawan.. Hanggang sa nameet ko si.. Uyyy! Lumalovelife ako.. Yak di bagay sakin! Nagmamaganda n...