DRE,
Sana hindi kita iniwan. Kung kumapit pa ako kahit ilang saglit noon, baka hindi nangyari ang mga nararanasan ko ngayon. Sana ipinaglaban ko kung anong mayro'n tayo. Sana nagpakatatag ako. Sana...
Naalala ko pa rin ang lahat ng nangyari. Kung paano ako nasaktan dahil sa 'yo. Kung paano mo ako niloko. Kung paano ako paulit-ulit na naging tanga. Pero bakit?!
We had that love. Yung love na alam mong magdadala sa 'yo sa 'till death will do us apart' vows. Pero, sinira mo yung tiwala ko. Nakita kita. May kasama ka. Ayokong mag-assume pero. . .maiiwasan mo bang hindi magselos ng ganun? Naging praning ako sa 'yo. Sobra kasi kitang mahal. Sobra. Kaya naging selfish ako. Oo, selfish ako dahil sa 'yo.
Nung una, syempre martyr pa ako kahit nakikita kitang may kasamang babae—oh, rephrase that—may mga kasamang babae sa mga bars, restaurants, sa mga may street food stands at sa mga karinderya. Sinundan kita nun, kasi praning ako.
Syempre, mabait ako kaya tanging ang ginawa ko na lang ay tumahimik at magtiwala na lang sa 'yo. Kahit masakit, pinilit kong huwag itanong sa 'yo kung bakit mo 'yun ginagawa. Kapag tinatanong naman kita kung bakit hindi mo agad masagot ang mga text at mga tawag ko sa 'yo, ang sabi mo, busy ka. Busy ka sa babae mo nun. Kitang-kita kita nung minsan sa isang cafe sinundan kita, ini-ignore mo lahat ng tawag ko sa 'yo kasi nga busy ka.
Hinintay kitang magtapat sa akin. Nagpakatanga ako, nagpakasasa ako sa 'yo. Pero anong ginawa mo?
Niloko mo 'ko.
Nung minsang nakita kita sa mall may kasama ka na namang ibang babae. Buti na lang hindi kayo magka-holding hands dahil kung hindi baka nasa kulungan na ako ngayon. Pero alam ko sa sarili kong may mali, na ginagago mo ako. Pumasok kayo sa sinehan. Sinundan ko kayo kahit na horror film yun at ayokong ng mga ganun. Mag-isa ako nun at takot na takot, tapos kapit tuko naman yung kasama mo.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko: galit? takot? lungkot?
Sabay-sabay kasing dumagan. Sabay-sabay na bumagsak sa akin. Pagkatapos ng movie, sinadya kong magpakita sa iyo tapos sabay karipas ng takbo. Tiningnan kita sa mga mata nang mga kalahating segundo, at alam mo na ang ibig sabihin nun - break na tayo.
Ang 4-years na pagasasama, naglahong parang bula.
Kinabukasan, umalis na ako sa bahay nang maaga matapos ang nangyari kahapon. Pinaagahan ko ang flight ko, mga alas kuwatro ng madaling araw para hindi ko na makita ang pagmumukha mo. I left you without explaining yourself.
Hindi ko na kasi kaya. Paulit-ulit na. Alam mo ba 'yun?
Pero ang masaklap, isang taon akong hindi natahimik. Gulong-gulo ang isip ko. That is when I decided to go back to the Philippines para linawin ang lahat. I don't want my past to linger over and over. Maybe I'm seeking for the so-called closure. Syempre masakit pa rin kahit sabihin pa nilang 'time heals almost everything' dahil nga may scars pa ring natira.
Pero 'yung mga what ifs? Hindi ko matiis 'yun. Alam kong kailangan ko ng nga sagot sa mga tanong ko.
What if I let you explain? What if I forgave you? What if it's not a date? What if you doesn't mean it? What if I became stronger? What if I talked to you? What if it's already too late? What if you're already married? What if. . .
Pagkarating ko sa bahay mo, bumalik lahat ng ala-ala — masaya man o hindi. Kinakabahan ako. Matagal bago ako tuluyang bumaba mula sa kotse na kinasasakyan ko. Ayaw ko nang gulo. Gusto ko nang tapusin ang lahat. Lahat ng ugnayan. Lahat ng tanong. Hahayaan na kitang i-explain ang lahat kung niloko mo ba talaga ako or kung ano pa man iyan.
BINABASA MO ANG
Dear Regretted Ex
Short Story"What regret do you regret the most?" If you ask her, this would it be.