Natuwa kasi ako eh, ung pinost ko kasi kagabi 29 reads tas 50+ na agad. :) sabi nga dun sa theme song ng bagong teleserye ng KN, 'got to believe in magic!'. Though konti palang reads last chappie. :> at wala man lang comment. :( haist, okay lang ba kung maglagay ako na quota? 5 votes and 5 comments? ♡
~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx~xx
Kathryn’s POV
Gising na ako, pero ayoko pang dumilat dahil alam kong tatadtarin ako ng mga tanong. Okay na ako, dba sabi ko tulog lang? Haha, pero… Nakita na rin nila Seth ung gamot ko dun sa c.r. Nakalimutan ko kasing itago uli, tapos nakita pa nila ung secret compartment na puno ng gamot ko. Paano ko nalaman? Narinig ko kasi kanina ung pinaguusapan nila. Ayoko ng dumilat, takot ako…
“Bunso, alam naming gising ka na.” Sabi ni Albie. Shh, Kath! Pikit lang, di nila mahahalata.
Tahimik lang sila, feeling ko nakapalibot sila sa bed na hinihigaan ko. Lalala, tulog pa ako kaya hindi ako babagon!
Kainis, talagang hinihintay nila akong dumilat! Well I won’t. Nagulat ako ng may biglang bumulong si Chumi…
“Halikan kita dyan kapag di ka bumangon, eh!” Pagbabanta niya, ulul! Asa namang gagawin niya un. Pikit lang Kathryn!
Parang may bigla akong nararamdamang hininga sa may pisngi ko! Napamulat ako at lumayo sa mukha niya.
“OO NA, GISING AKO! PARANG AWA WAG MO AKONG HALIKAN! TOOTHBRUSH KA MUNA! HUHUHU” Tapos nagtakip ako ng mukha ko. Sumisilip ako ng konti at nakita kong nagtatawanan lang sila at nasa kwarto pala kami ni Chumi. Umupo ako sa bed tapos tinanggal ko ung kamay ko sa mukha ko at nilagay sa both ears ko.
“Katsumi, okay lang pala kay bunso na halikan mo siya basta magtoothbrush ka daw!” Sabi ni Lester tapos humalaklak sila. Biglang nilapit uli ni Katsumi mukha niya tapos parang naka-pout na ewan.
“O dali kiss na! Nagtoothbrush naman ako ngayon eh!” Tinulak ko palayo mukha niya at natawa nalang. Tumayo ako at palabas ng kwarto ng bigla hilahin ako ni Chumi ng payakap. Nagtaka naman ako sa kilos niya.
“O-oyy! Ano ba ‘yan, bumitaw k-ka nga, Chumi!” Sabi ko, mas hinigpitan niya naman ung yakap. Ganun na ba ngayon? Kapag sinabing bitaw mas hihigpitan?
“Joke lang naman ung kiss eh, kaya ko namang maghintay ng tamang pana—“ Bigla ko siyang binatukan ayun rin naman ginawa ni Seth sakanya.
“Lul, anong kiss-kiss ka dyan? Gusto mo bang kiss-kissin kita sa sandpaper? Umayos ka nga, kukuha lang ako ng pagkain sa kusina. Gutom ako.” Tapos tumingin lang sila sakin habang palabas ng kwarto.
Bago ako bumababa sa kusina nagpunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit, naka-uniform parin kasi ako eh. Nagshorts lang ako at sinuot ung t-shirt ni Seth. Oops, walang malisya! Lahat sila kinuhaan ko ng t-shirt. 5 t-shirt sa isa. Actually, parang halos lahat ng pambahay ko damit nila. Kaya lagi silang bumibili ng damit, haha!
Bumababa ako sa kusina para kumuha ng… cheesecakeeeeeeeee! My favorite! Dejk, lahat ng sweets, favorite ko. Kumuha na rin ako ng cheetos, ung flamin’ hot at baso saka pitsel. Matamis at maanghang kakainin ko, mahirap na kung makulangan!
Napag-pasyahan kong di na pumasok dun sa kwarto ni Chumi uli at sa kwarto ko nalang ako kakain. Pero pagkabukas ko ng pinto… BOOM! ANG KALAT, LECHE! Tapos si Chumi? Suot ung favorite headband ko at ung mga jewerlies ko! Buti pa si Seth nakaupo lang sa bean bag ko!