Napuyat ng gabing iyon si Racquel pero may naisip siyang solusyon ngunit ang buhay niya ang pwedeng kapalit para matapos ang kasamaan ni Aling Belinda
Habang naglalakad si Racquel para bumili ng pandesal.
"Graveh na talaga kasamaan ng matandang mangkululam na iyon. Alam mo bang namatay kaninang madaling araw si Wilfredo dahil nung umaga daw sinigawan nito si Aling Belinda na salot sa ating lugar." nanginginig na sabi ni Angie.
"Totoo ba yan Angie? Samantalang nakita ko pa kahapon si Wilfredo ang saya saya habang kainuman ang asawa ko. Naku po wag naman sanang isunod ang aking asawa." nagsign of the cross si Sseth. Sa takot na ang asawa nito ang isunod.
Dinig na dinig naman ni Racquel ang pag-uusap ng dalawa sa tapat ng tindahan na pagbibilhan sana niya ng pandesal. Ngunit imbis na bibili ay tinarak nito ang daan papunta sa bahay ni Aling Belinda.
"Ito na ang tamang panahon. Hindi mo pwedeng isunod ang mga inosenteng tao na walang kalaban-laban sayo!" galit na bulong sa sarili ni Racquel.
Nakita niyang papalabas ng bahay si Aling Belinda. Kaya naman madali siyang nagtago sa puno.
Maliit lamang ang bahay nito. Kaya naman napakabaho sa paligid nito...
Parang nakaramdam ng panganib si Racquel.
"My gosh, wag naman sana akong mahuli na wala akong nagagawang aksyon.Tulungan po ninyo akong maisakatuparan ang misyon ko." Taimtim na dasal niya.
Umiikot ang mata sa paligid si Aling Belinda. Sinisigurado nito na walang tao sa paligid niya. Ngunit nakaramdam siya ng kaluskos malapit sa pinagtataguan ni Racquel.
Naglakad ito papalapit dito.
Hindi na makahinga si Racquel sa takot.
Mabuti na lang biglang lumabas ang malaking daga.
"Hayup kang daga ka!!!!! Tinakot mo pa ako ng dahil dyan. Mamatay ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ni aling Belinda at talagang halos mabasag ang eardrum niya sa lakas ng sigaw niya.
Ngunit kitang-kita niya kung paano nagkikisay ang daga. Hindi nga siya nagkamali isang sabi lang nito talagang mamatay ang isusumpa nito.
Nagmamadali naming tumakbo sa likod bahay si Aling Belinda.
Kaya naman nakahinga na ng maluwag si Racquel....
Mga 5minuto ito nagtagal sa likod bahay at umalis na ng bahay papunta sa kakahuyan....
Nagmadali naming pinuntahn ni Racquel ang pinanggalingan nito.
Halos masuka-suka siya sa amoy.
"Hayup na matanda na ito pamatay sa baho ang dumi. Humanda ka sa gagawin ko."
Takip ang ilong at diring diri na dinampot nito ang mabahong dumi ni Aling Belinda.
"EEEEEEEEEEEEEEiwwww kakadiri. Mabilis na inilagay ni Racquel ang tae ni Aling Belinda sa pintuan nito. Nang madinig niya ang kaluskos ng paa ni Aling Belinda nagmadali siya magtago.
Dinig na dinig niya ang galit nito ng makarating sa bahay niya.
Nahawakan niya ang sariling tae ng buksan ang pinto niya.
"Kung sino man ang may-ari ng tae na ito. Ma-ma-tay na ngayon din." Sigaw ng malakas ni Aling Belinda sabay buhos ng malakas na ulan at isang malakas na kidlat na noon lamang nakita ni Racquel
Biglang sinilip ni Racquel ang kinaroroonan ni Aling Belinda nakita niyang nagkikikisay ito.
Kitang-kita ni Racquel na nagkikisay ito at maya-maya lang ay binawian na ng buhay.
Bigla naman nagdatingan ang taong-bayan at may pangontra ang mga ito. Isang magaling na pari mula sa kabilang baryo.Ngunit ng dinatnan ng mga tao ang kinaroroonan nito ay wala ng buhay ang matanda. Araw ng Miyerkules nila sinakatuparan ang misyon dahil alam nilang mahina ang kapangyarihan ng matanda ngunit hindi na nila nagawa pa ang ritwal.
"Wala ng buhay ang matandang ito. Tinamaan ng kidlat. Sunog ang kalahating pisngi." sigaw ng isang lalaki.
Masaya si Racquel na natapos na ang kasamaan sa kanilang lugar.
Ibinalita sa Nanay niya ang nangyari sa matanda. Ngunit nanatiling lihim sa kanya ang kanyang ginawa. Hinayaan niya na paniwalaan ng taong bayan na kidlat ang ikinamatay nito.
Niyakap niya ng mahigpit ang Nanay niya at di niya napigilan maiyak. Dahil kung ang Nanay niya ang mabibiktima ni Aling Belinda hindi niya kakayaning mawala ito.
Pinunasan ang luha.
"Ewwwwwwwwwwwwwww....ang baho." Diring diri na tumakbo sa banyo si Racquel para maligo dahil nakalimutan niya maghugas ng kamay.
"Racquel,, lintik kang bata ka. Saan mo ba inihawak ang kamay mo at pati ako dinamay mo pa. Amoy tae ako." Diring diri na sabi ng Nanay nito.
The End.....
BINABASA MO ANG
Curse
SpiritualCurse Writen by: Shockira Complete story (8-26-15) TEASER: Kinatatakutan sa bayan ng Bulacan si Belinda Polintan. Isa siyang mambabarang at halos lahat ng tao sa paligid niya ay takot na makasalubungan ang kanyang mata dahil paniguradong ito an...