Kelly's POV
Ngayon kalimutan muna natin ang alter ego ko.
Kasi may malaki akong problema na ang mga girl friends ko lang ang makakatulong sa akin. Ikakamatay ko ata 'to kung hindi ko nagawan ng paraan.
Bagong school year na naman kasi...
...at WALA PA AKONG MGA BAGONG DAMIT! Sounds OA pero it's a real problem in girl world. Real girl world probs also if we're 'hot on the dot' if you know what I mean.
Kaya naman tinawagan ko na ang dalawang bitchesa kong mga matatalik na kaibigan. Ung isa tunay na babae, ung isa tunay nga namang paminta.
Agad na akong dumeretso sa mall at dun na lang kami magmemeet. Halos sabay lang kami dumating. Excited na rin siguro ung dalawa hihi.
"Hi K! Omg, I came here as soon as I can! You know how I love to do this ever since what, grade school days?", excited na sabi ni Penne.
Penne, pronounced like the pasta penne, is my oldest and longest running friend ever. Grade school pa nun nung naging bffs kami and we just get along so well. Kaya naman hanggang ngayong walang iwanan. Besides, Japoy and Jabs, sya lang ang nakakaalam ng trabaho ko. She never judged me for it.
Tingin nya sa akin, isang badass superhero, parang si Black Widow, kasi daw tinutulungan ko daw ung victims ko in a way. She thinks of it that way, I think of it as I just really don't want to kill and have my hands responsible for it.
Ay. Anong nangyari sa kalimutan ang alter ego.
Punta naman tayo kay paminta. It's not herhis' name.
"Pumunta ako para lang makaiwas sa gulo sa bahay," walang buhay na sinabi ni Sand.
Sand sa umaga, Sandy sa gabi. Kaya ata ganun ung pangalan nya kasi nasa buhanginan sila nung ginagawa siya ahaha.
Nakilala ko naman sya nung highschool na so matagal tagal na rin kaming friends. Sobrang saya pa dahil magkakauniversity kaming tatlo. Bagong school pero at least magkakasama kaming tatahak sa college.
"Asus, if I know, nagdidiwang ka sa loob loob mo kasi magshoshopping tayo! Alam mo namang tanggap ka namin diba?" ,sabi ko.
"Push mo yan 'te", sabi ni Sand.
"CONFIRMED!!!! HAHAHAHA," sabay pa naming sigaw ni P.
Medyo hindi pa expressive si Sand sa kanyang pagkababae pero ramdam ko naman. I have this sorta espn or something. My boobs can tell when it's raining.
Hahaha! Sorry kakanuod lang namin ng Mean Girls. Pero totoo, malakas kutob ko sa mga bagay na yan.
"Tch, halika na nga mga bruha.", aya ni Sand. Aba si bruha tinawag kaming bruha.
Nagsimula na kami na maglibot. Store per store at dapat walang kaligtaan para na rin mas madaming mabili. The more chances of winning!!!
Sa unang store pa nga lang mga sampu na nabili ko na damit, si P lima lang kasi di nya type ung store. Girly girl kasi style nya. Ako pede naman sa lahat. Bagay kahit ano eh! Si Sand, 2 lang.
Nako, matatalo na naman 'to.
May game kasi kami. Tradisyon na tong larong to samin. Pag may shopping na ganto, paramihan ng bili. Kung sino pinakakaunti nakuha, sya manglilibre ng food sa huli. Fair naman un kasi ung pinakawalang nagastos ung gagastos ng pangkain sa gabi.
At sa huli natalo nga siya. Palagi naman eh. Wala pa ring tatalo sa kapangyarihan ng mga babae sa ganitong larangan.
As usual, sa mamahaling place ung pinili naming kainan. Ung lugar na kung ako magbabayad, hindi ko kakainan kasi hindi ko itatapon pera ko para sa pagkaing maarte lang ang tawag.
Italian resto sya. Nag rock paper scissors kami ni P at kung sino manalo sya ung mamimili ng kainan. No choice. Natalo ako. It's unfortunate I'm not fond of italian cooking. Di ko type masyado pag maasim ung pasta. One of the few little things na hindi namin napagkakasunduan ni P.
We got a table for 3 already and looked at the menu.
500 pesos for a pasta? See, this is what I mean. Lol, not my problem. I ordered one and isang whole pizza for me. Yes, akin lang un. Hahah kung di ko maubos, then take out!
I called the waiter and said our orders.
Inulit nya ung orders para sure na walang nakalimutan. Medyo madami dami din un. Sorry Sand, high maintenance kaming mga friends mo hahaha.
Sabi 30 minutes daw waiting time.
Umalis na muna ako at pumunta sa ladies room. I did my thing and went back as soon as I can 'cause the food might be there already. Gutom na ako! Buong araw din kami naglalakad.
As I was walking, a man bumped into me I almost tripped. I got myself together.
"Sorry. Nakatingin kasi ako sa malayo."
Nakayuko ako at inaayos damit ko, baka nadumihan. Buti wala syang pagkain na dala kundi lagot sya sakin. Favorite shirt ko to eh.
"It's okay. No harm done.", I said.
Nung nakita na nya mukha ko, kumunot ang noo nya. I was also shocked to see his face pero hindi ko un pinakita,
"Have we met, miss? " tanong nya.
"I don't think so. If you excuse me, I have to go.".
Umalis na ako agad at umupo sa amin.
Kinabahan ako at for a moment tumigil puso ko.
"Sino yun, kell?", tanong sakin ni P.
"Wala lang un... Ang tagal naman ng food!", reklamo ko. I had to change the topic quick.
"Oo nga eh. Wait, I'll follow up our order.", P said.
Tumayo sya at naglakad papunta sa counter.
At ako naman, sinusubukang hindi magpaapekto sa nangyari.
"Okay ka lang?", tanong sa akin ni Sand
Tumango na lang ako pero sa totoo nabagabag talaga ako sa nakabangga ko kanina.
Sino un? Exlover? Ex best friend? Nawawalang tatay? Highschool crush?
Nah.
Nothing related to Kelly. But to AOD, kinda.
Talaga nga namang hindi mapaghihiwalay ang dalawang side ng buhay ko. Palaging pinapaalala sa akin na hindi lang ako basta basta isang normal na tao.
---------------------------------------------------------------
My last update was October 2013.
9 months after...
Parang nabuntis lang hahaha omg.
Hopefully ganahan akong magsulat before end ng summer ko.
Hah, wala pa rin akong pasok. Tuyong tuyo na utak ko lol.
Anyway siaao
BINABASA MO ANG
It's a deal
Teen Fiction"You can kill me, but I have to kill you first" A kick-ass story about a normal girl... who is an assassin.