PROLOGUE

86.5K 1.5K 38
                                    


♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢

PROLOGUE

︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎

Pagbukas ko nang pinto papasok sa bahay ay nagulat ako sa nakita.

Bakit gulo gulo dito sa bahay? yung mga upuan ay nakataob pati narin yung lamesa at iba pang mga gamit. nagkalat naman sa sahig yung mga basag na vase. anong nangyari? pero isa lang ang nasa isip ko..

"Mommy!" tawag ko kay mommy. pumunta ako sa kusina at mga basag na plato at baso lang ang nakita ko. Parang dinaanan ng Bagyo. Wala sya dito, nasan sya? agad akong nagtungo sa hagdan at umakyat, magulo din dito sa Corridor. yung mga nakasabit na pictures ay nasa sahig at worse ay basag at warak yung mga Frame. mas lalo akong kinabahan.

Ng nasa tapat na ako ng kwarto ni Mommy ay dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Pagpasok ko ay nakapatay ang ilaw. kinapa-kapa ko yung switch at nang bumukas na yung ilaw ay ginala ko ang paningin sa loob ng kwarto ni mommy at hindi magulo dito sa loob. naglakad ako papunta sa kama nya at may nakita akong envelope na itim.

kahit natatakot ako ay kinuha ko ito. pagtingin ko dito ay isa lang itong plain na itim na envelope. binuksan ko ito at may papel na nasa loob.

"If you don't go here. Your mom will die, Zurie."

Tinignan ko yung likod ng papel at may picture doon ni Mommy na naka-blind fold at nakahiga sa isang kama na maraming kandila at red roses sa paligid.

"Mommy.." Nagulat ako nang makita ang picture nya. Asan sya? Sino kumuha kay Mommy?! anong nangyayari? "Where should i go..?" bulong ko. nanlalabo na yung paningin ko. si mommy.. sya na lang yung natitirang pamilya ko.

May isa pang papel na nakaipit at tinignan ko ito.

"Vampire Academy?" Basa ko dito

Nag-Flashback sa utak ko yung librong naiwan ni Mommy last time sa table sa living room at sa sobrang curious ko non ay binasa ko ito. tungkol ito sa mga Vampire. baka nakasulat din duon kung pano makapunta sa dito.

humarap ako sa mga libro ni mommy at ini-scan yung mga libro pero wala ito dito. nasan? san yun nilagay ni mommy? Damn!

napatingin ako sa drawer katabi ng kama ni mommy. binuksan ko iyon at nakita ang libro. kulay silver itong parang kupas at may mga roses na design ito sa gilid. Huminga muna ako ng malalim tsaka kinuha ang libro

"Wait for me, mom."

I'm Zurie Belladona Angeni Achyls and now.. i'm going to the Vampire's World, to save my mom.

♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢

  END
Next: Alvah University

︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎

WARNINGGGGG!!!:

Matagal ko na po ito sinulat at di pa ako nun gaano ka-ayos (Sira po kase ako dati, HAHAHA) kaya Di ko pa po sya nae-edit so.. sorry po kung may mga maling grammar and Spelling. maybe i'll edit it pag nagka-free time po ako :)

Vampire Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon