Naranasan niyo na bang mag pakatanga sa pag-ibig? Kung oo, hindi pala ako nag iisa.
Ako si Nicolah Miraine Gabriel. Isang simpleng dalaga na naghahangad na mamahalin ng isang taong mahal na mahal niya.
Hindi ako maganda, hindi rin ako pangit parang 50-50 lang ang labanan ng itsura ko. Nasa middle class ang estado ko sa buhay. Saktong tatlong beses kumakain araw-araw at maayos namang natutugunan ng mga magulang ko ang aking pangangailangan. Matalino ako at proud akong ipag malaki iyon.
Ngunit, kumpara sa dalawa kong kuya ay para silang mga modelo. Talino lang yata ang nakuha ko kila mama at papa.
May nakilala akong lalaki sa skul. Si Aaron Ramos, sa unang beses niya akong kinausap ay nahulog na agad ang loob ko sa kanya. Naging malapit ako sa kanya ganun din siya aking mga kuya. Kala ko ay may gusto siya sakin ngunit ako pala ay nagkamali. Ginagamit niya lang ako. Sa mga kuya ko para mapadali ang kanyang pagsikat sa skul. Ang talino at sipag ko para mapadali ang mga assignment at project niya. At ako mismo para makasama niya ang bestfriend ko.
Masakit ngunit mas gugustuhin ko nang ganito kaysa mawala siya sakin. Tanga na kung tanga.
Pero...
Hanggang kailan ko ba kakayaning magpakatanga?
Paano ba ako matututong mag mahal ng iba at limutin siya?
Kailan kaya ako magsasawang saktan ang sarili ko para sa kasiyahan niya?
Titigil na ba ako sa pagluha?
BINABASA MO ANG
One Last Cry
HumorBabaeng naghahangad lang ng pag-ibig, tulad ng iba nagpakatanga. Nasaktan. Naloko. At ito ang kanyang kwento....