My First

87 3 0
                                    

Nung una kitang nakita, akala ko, masungit ka, salbahe ka, at higit sa lahat, manloloko ka. Pero sa mga oras na nakikita mo akong mag isa, kusa kang lumalapit sa akin. I spent most of my time alone, akala mo depressed ako. Okay lang sa akin ang walang kaibigan, basta huwag lang mawalan ng music sa aking mga tenga.

"Mukhang malungkot ka ha?" sabi mo sa akin, sa canteen ng ating school. Dinedma kita, di kita kinausap, pinabayaan kitang magsalita diyan. Pero kahit na ginagawa ko sa iyo iyon, di ka pa rin umiiwas sa akin.

You were my first friend.

Sa mga araw na yun, kinausap na kita, ang kulit mo kasi eh. Kaya nakakainis. Dahil sa mga araw na yun, palagi mo na akong sinasamahan. Palagi ka nandyan. Palagi mo akong pinapangiti. Lagi mo akong pinpatawa. Lagi mo akong tinuturuan. Lagi mo akong ginagabayan. Lahat na lang, ginawa mo. Hinangaan na kita nun. At yun na nga, nag upgrade tayo.

You were my first boy best friend.

Ngayon na nasa high school na tayo, lagi mo naman akong pinoprotektahan. High school life nga naman, puno ng sakit. Sa tuwing bumabagsak ako sa test, pinapagalitan mo naman ako, kaya tinuturuan mo ako. Bakit ganun? Ang saya mong kasama. Lahat na lang. Di mo ako talaga iniwan. Hanggang sa na realise ko.

You were my first crush.

Ngayong 3rd year high school na tayo, di ko pa rin kayang aminin. Nasasaktan kasi ako sa tuwing pinag uusapan natin ang taong gusto mo. Nanghihingi ka pa ng advice. Di mo ba ako nakikitang nasasaktan? Kaya paminsan, napag iisip ako. Paano kaya kung aminin ko sayo tong nararamdaman ko? Magkakagusto ka rin kaya sa akin? O hahayaan mo lang akong ma fall? Sana hindi. Sana sagipin mo ako. Di ko na kayang itago ito sayo eh.

You were my first fear.

Natatakot na ako. Palagi kong pinag iisipan na baka masaktan lang ako sayo. Masasaktan nga ba ako? Masaya ako na binibigyan mo ako ng mga bulaklak, tsokalate at kung ano ano pa. Pero, nagtatanong ka pa rin sa akin kung paano mo siya liligawan. Masakit pa rin. Bakit nga ba ako nasasaktan? Dun ko na realise.

You were my first love.

Ngayong prom, ako ang niyaya mong isayaw. Ako ang muse mo. Bakit hindi yung babaeng gusto mo? Ginagamit mo ba ako? Wow, ang sarap naman sa pakiramdam. Hindi porke best friend mo ako, ganun ka na. You are going to use me as if I am just a material. Pero, inaccept ko na lang, ganun kita kamahal eh. Babae pa ang nanghahabol. Grabe.

At dahil nga sa nakita ng babaeng nais mo, yung babaeng binibigyan mo ng lahat, nagselos na siya. Dun ka naman nagkaroon ng hope sa kanya. Kaya pagkatapos ng prom, ako naman ay iyong iniwan. Niligawan mo na siya. Hindi mo na ako kinakamusta. Hindi mo na ako kinakausap. Hindi mo na ako pinoprotektahan. Hinayaan mo na akong masaktan. Hinayaan mo na ako sa tabi. Hinayaan mo na talaga ako. Iniwan mo na ako.

You were my first heartbreak.

Sinubukan kong tanggapin. Sinubukan kong mag let go. Sinubukan kong kalimutan ka. Kayo na kasi ng babaeng nais mo. Bakit mo ba akong ginawang kaibigan? Bakit mo ba ako nilapitan noong una? Bakit mo ba ako pinrotektahan? Bakit mo ba ako sinasaktan? Ayoko na.

Two years na kayo. Lumalapit ka sa akin kasi nasasaktan ka na. Palagi ka niyang inaaway. Palagi ka niyang sinisira. Bakit hindi na lang ako? Sinsabi mong wala nang nagmamahal sa iyo, kaya ayaw mong bumitaw. Eh ako? Hello? Minamahal kita oh! Pansinin mo naman.

"Carlos, kung inaaway ka naman ng babaeng yan, sinasaktan ka lang, bakit hindi mo na lang hiwalayan yun?"

"....."

"Hahaha. Sorry at nasabi ko yun. Nagbibiro-"

"Sino ka ba para sabihin yun? Masyado ka namang selfish. Sabihin mo, sino ka ba para sabihin yun?"

"Friend? Hahaha sige, sorry. May kailangan pa akong puntahan. Paalam." tumayo ako, naglakad palayo sayo. Iniiwasan kong iyakan ang taong katulad mo.

Carlos, best friend kita, kapatid kita. Mahal na mahal kita. Sobra. Nasasaktan na nga ako eh. Nakalimutan mo na ba na best friend mo ako? Na ikaw ang unang lumapit sa akin? Na ikaw ang nakipagkaibigan sa akin? Multo na lang ba ang turing mo sa akin? Wala ka bang naramdaman para sa akin? Kahit konti lang? Hahahaha, oo nga naman, sino nga ba ako para sayo noh? Sorry kung naging kaibigan kita. Sorry kung kinukulit kita. Sorry sa lahat. Akala ko kasi, special ako sayo dahil ginawa mo akong best friend. Pero hindi pala. Mahal kita Carlos, sobra. Pero, kailangan na kitang bitawan. Mahal kita. Paalam.

One Shots (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon