"Sayang"
Isang salita na madalas nating nasasabi sa tuwing di nating nakakamit ang ganito, natatapos ang ganito o kaya tinatapon na lang nang basta ang ganito.
Tulad ng pagkain na hindi mo na kayang ubusin. Sayang..
Tulad ng isang pagsusuri na hindi mo natapos sagutan. Sayang..
Tulad ng ikaw at ako..
Sayang..
-----------------
Hi, ako nga pala si Lee Ching. Oo as in parang name ni Bruce Lee. Babae ako. Hahahaha. Minsan napagkakamalang lalaki ako dahil sa pangalan ko. May lahi kasi ako, Chinese. Kaya ayun. Trip ng parents ko na ito ang ibigay nilang pangalan.
Ako ay isang normal na 3rd year highschool student, na graduating na rin soon. Simple lang. Yun na yun.
Syempre, hindi mawawala ang crush life. Hahaha. Wala pa akong boyfriend or mu, dahil nakatutok lang ako sa isang lalaki, at iyon ay si Bruce Coronado. Galing diba? Hahahahaha. Bruce Lee. Since Grade 7 ko pa siya naging crush, kaklase ko these straight three years, kaso hindi kami close. Hindi kami nagpapansinan. Siguro tuwing group projects lang kami nagkakasama at nagkakausap. Tapos yun na yun, hindi na ulit magpapansinan.
Gwapo siya, so gwapo tapos mabait, actually ideal boy siya. Matalino pa 'yan. Sporty. Active and all! May respeto pa yan sa mga tao. Mahilig kumanta at mag gitara. Everything a girl wishes for. Hindi rin 'yan nagsisigarilyo at umiinom ng alak. He is everything.
Pasukan na namin, 3rd year na kami. And few days na lang birthday ko na. Nakasabay ko mga friends ko, sila Dani at Ann. At sakto, kasabay ko si crush.
"Huy ayun crush mo oh." Dani.
"Manahimik kayo." Ako.
As much as possible hindi ko rin pinapahalata sa kanya. Kasi ayoko naman ng ganun, pangit tignan.
Guess what. Magkaklase nanaman kami! Swerte ko talaga. Hihihi.
Pero hindi pa rin kami naguusap.
Habang naglalakad sa hallway, tinulak ako ni Ann kaya jusko, di ko namalayan
Natapilok na pala ako sa harap ni Bruce.
Saktong sinalo ako ni Bruce. *insert slow motion effect* nagtinginan ang aming mga mata, parang huminto ng sandali ang mundo ko. Dahil sinalo ako ni crush! Kinikilig akooo.
"Ay sorry." Sabi ko na lang sakanya at naglakad na agad ako ng palayo. Iniwan ako nila Dani. Jusko po.
"Lee!" Kilala niya akoooo. Syempre naman Lee jusko kaklase mo siya noh.
"Ay, haha, bakit?"
"Umm, gusto mo sabay na tayo? Magkaklase naman tayo eh."
FOR REAL BA 'TO?!?!?!
"Sige." Sabi ko casually, para hindi mahalata yung kilig.
Oo nga pala, hindi ko kaklase sila Dani at Ann. Nahiwalay ako sa kanila. Pero oks lang, may mga kaclose naman akong iba sa klase ko, at sana maging kaclose ko na rin si crush. :)
BINABASA MO ANG
One Shots (Tagalog)
Romanceenjoy these one shot stories! some are ideas of others so creds to them.