NaFall

105 4 1
                                    

NaFall ka nanaman. Dun pa sa taong alam mong madaling makuha pero may iba na. Ok na sana. Hindi sikat, pero mabait. Trashtalker pero gentleman. Pandak pero gwapo. NagdoDota pero matalino.

Pwede ng ideal man yan ng mga babae. Pero malas mo. May iba na siyang gusto. Handa siyang saluhin ka pero may mas nauna siyang nakilala kesa sayo.

Pwede pa siyang umatras dun sa isa, pero pati ikaw umaatras na rin. Umaatras ka na sa pagasang magiging kayo. Natatakot ka na. Nasasaktan ka. Akala mo, ikaw na. Akala mo siya na. Pero hindi pa pala.

Kasi may mas nauna sayo. Nahuli ka. Hindi naman paunahan ang pagibig. Pero minsan kailangang maniwala sa First love never dies. Pangalawa ka lang sa puso niya.

Ayos na sana kasi may inspirasyon ka na ulit. Pero dahil sa natuklasan mo, babagsak ka nanaman sa quiz niyo. Ang aga mong pumapasok nung hindi mo pa nalaman ang totoo. Pero ngayong alam mo na, ano? Late ka na lagi.

Kung noon, lagi kang nakangiti, ngayon aso mo nalang nagpapasaya sayo. Kilig to the cells ka lang noon, pero wala na. Noon lang yon. Kasi umasa ka.

Umasa ka sa mga pangaasar sa inyo. Mga smile at tawa niya tuwing nagkakasalubong kayo. Pero baka kasi hindi ikaw yung iniisip niya kapag masaya siya.

Siguro pwedeng masaya siya kasi meron siyang napagmumukhang tanga. Pero kung matibay ka talaga, umaasa kang ikaw ang kaligayahan niya.

Ang tapang mo rin eh. Pero hindi parin yan sapat. Masasaktan ka lang. Nasaktan ka lang. Pinaasa mo lang ang sarili mo.

Kung sinabi niyang, may pagasa ka, pero may iba naman pala. Edi two timer siya. Kahit hindi pa sila nung nililigawan niya. Kasi kung gusto talaga niya yung nililigawan niya, hindi ka niya ieentertain. Ganon din sayo. Kung gusto ka talaga niya, titigil siya sa panliligaw dun sa isa.

Pero paano naman kung hindi naman pala totoo yung nalaman mo? Na wala pala siyang nililigawan at ikaw ang gusto niya? Aasa ka nanaman ba? Ikaw bahala. May pagasa ka naman eh.

Kaso ang masakit, 2 weeks palang kayong may Mutual Understanding pero bigla nalang siyang lumalayo. Yung kunwari, kinantahan ka lang niya bago matulog or nag goodnight siya sayo nung isang araw. Pero after 4 days, umiiyak ka na. Hindi ka na niya kinakausap ng maayos. Umiiwas na siya.

Lumalayo nang hindi mo alam ang dahilan. Kapag nagtatampo, kailangan bang lumayo agad? Diba dapat kausapin mo muna ng maayos at ipaliwanag ng mabuti sakanya ang mga nangyayari?

Kung ano man ang naging kasalanan niya sayo, or naging kasalanan mo sa kanya, diba dapat ipinapaintindi? Bakit kailangang umiwas? So ano, pati na rin ba Mutual Understanding may expiration date? Sabi na nga at wala talagang forever eh!

Pero ang mas masakit, yung nagkabati na kayo sa away na pareho nyong hindi alam. NagLQ agad kayo eh hindi pa naman kayo Lovers. Nagsorry sa isa't isa kahit wala namang kasalanan. Nagiiwasan dahil sa malabong usapan.

Tapos bigla nalang umiwas ulit. Hindi lang pala umiwas. Lumayo. Lumayo na siya at di mo nanaman alam ang dahilan. Tapos nalaman mo pang, hindi ka niya mahal. Hindi minahal. At hindi kailanman mamahalin. Masakit.

Gravity pulls you down. NaFall ka. Dahil walang katapusan ang universe, walang sasalo sayo. Yan yung nahulog ka sakanya ng sobra tapos hanggang paramdam lang siya. Di ka pala talaga niya sasaluhin.

Nalaman niya kung ano yung pangarap mong panliligaw, bigla nalang siyang nawala. Naduwag siya. Natakot siya, kaya siguro nya sinasabing hindi ka niya mahal, minahal, at mamahalin.

Ayaw na nya sayo? Wag kang umiyak. Oo maraming lalake sa mundo, marami pang iba jan. Minamahal mo man siya, makakamove on ka parin. Magsasawa ka ding umasa at masaktan. Mapapagod ka kaya mawawala din yan.

Ituon mo nalang sa pag-aaral mo lahat ng sakit. Sa mga essay, dun mo ilabas mga hinanakit mo. Dun ka maglabas ng sama ng loob. Gawin mong rebound ang pag-aaral.

Sana nung masaya ka pang nakakausap siya, sinulit mo na. Hinanda mo na sana ang sarili mong masaktan ng sobra. Kasi sabi dun sa nabasa ko, After every bit of Happiness, comes Sadness. Dapat ready ka sa lahat ng mangyayari. Wag mong pangunahan, pero maghanda kang masaktan.

Yan ang problema sa mga taong madaling maFall. Ang bilis bilis mainlove. Ang bilis magmahal. Pero hirap na hirap bumangon. Hirap na hirap bumalik sa dati.

Tapos nakita mo pang may ABS siya. Bumalik agad yung feelings mong malapit na sanang mawala. ABS lang yun pero ang laki na ng impact sayo. Di ka rin talaga tanga no? Pinangarap mo pang balang araw makikita mo yung ABS niya ng malapitan. Eh ni hindi ka nga niya tinitignan, nilalapitan, nginingitian, matutupad pa ba yang pangarap mo? Hindi na!

Nalulungkot ka pa kasi hanggang tingin ka nalang. Hanggang pictures ka na lang. Wala ng progreso sa inyong dalawa. Pero hanggang ngayon umaasa ka. Umaasa ka na babalik ulit kayo sa dati. Kasi nga nakita mo yung ABS nya!

Ang isang katulad nya ay isang malaking tanga. Imbis sana na mas kilalanin ka niya para marealize niya kung ano yung totoo niyang nararamdaman, pero wala talaga. Ayaw na nya edi umayaw ka na rin.

Pero kung mahal mo, hayaan mo lang na tumibok ang puso mo para sa kanya. Kahit na ayaw nya sayo kasi hindi mo namamalayan, yang nararamdaman mo, unti unti na palang nawawala.

Ang hirap kasi yung ang saya nyo lang kagabi na naguusap, puro tawanan. Puro HAHAHAHAHAHA PAKINGSHET HAHAHAHAHAHA pero kinabukasan bigla nalang naging Putang ina bakit di na nya ako nirereplayan. Isa yan sa mga rason kung bakit ang hirap magtiwala eh. Kung bakit natatakot tayong magkaroon ng commitment sa taong mahal naman natin.

Baka kasi masasaktan ka lang kasi nagassume ka lang naman. Or pwede ring baka forever na kayo pero naunahan ka ng takot mo. Pero pwede parin naman na akala mo seryoso talaga siya, pero pinaglalaruan ka lang pala.

Ang pagmamahal ay isang napakahirap na sugal. Hindi mo alam kung panalo ka sa puso niya. Kaso baka sa umpisa lang. Beginner's Luck kumbaga. After ng napakaraming panalo, bigla bigla ka nalang palang matatalo.

Pero sugal nga eh! Tanggapin mo nalang kung anong magiging resulta. Kasi unang una, tumaya ka ng hindi mo namamalayan. Tumaya ka kahit alam mong may mga times na ikaw ay masasaktan. Pero dahil mahal mo, ayun bahala na kung talo! At least sinubukan mo, tinapangan mo!

Magwish ka nalang para sa birthday mo, or sa pasko. Na sana kahit papano eh may magandang mangyari sa lovelife mo. Na sana kahit saglit lang eh magkausap kayo ng taong mahal mo. Na sana kahit minsan, naranasan mong sumaya kasama siya.

Di ko na to papaabutin ng birthday ko. Kasi hanggang ngayon umaasa parin ako. Bahala na sa kung anong mangyari. Yun ang binigay ni Lord edi tanggapin nalang natin. Wala naman tayong magagawa dun eh. Hayaan nalang natin, may dahilan naman lahat.

Kaya sa mga naFall, paFall, malapit ng maFall, sa mga hindi sinalo, natakot, nasaktan, binitawan at iniwan. Matakot ka pero wag mong lubusin. Lahat may hangganan. Lahat may katapusan. Hindi masamang magmahal, basta lagi kang handang masaktan at iwan.

MAY FOREVER. Sa wakas naniniwala na si Lorz sa forever kahit hanggang ngayon eh pinapaasa parin siya. Nasasabi lang naman ata talaga natin na Walang Forever kasi umasa tayo, pinaasa, nasaktan, nagsawa, napagod, iniwan, pinakawalan, at dahil NBSB/NGSB.

So let's end this, wag muna nating madaliin, may oras para sa lahat. May tamang panahon, tamang tao, at tamang desisyon.

❤️

NaFall,
Lorraine

NaFallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon