Masama ba akong tao?
Ano ba yung ginawa kong mali para maramdaman ko lahat ng to?
Nagkulang ba ako?
Hindi pa ba sapat yung lahat ng ginawa ko para ipagpalit niya ako?
Ang daming tanong sa isipan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan, pero sa lahat ng mga tanong na yan? Isang tanong lang ang bumabagabag sa isip ko.
Talaga bang minahal niya ako?
Kasi kung totoong mahal niya ako hindi siya gagawa ng isang bagay na alam niyang masasaktan ako. Hanggang ngayon naaalala ko pa din yung pagtataksil na ginawa niya sakin.
At hanggang ngayon masakit pa din.
~
‘Hey babe, punta ka sa likod ng school building’
Yan yung text message niya sakin nung araw na yun, nagtaka pa nga ako kasi hindi naman siya nagtetext ng ganyan.
Excited akong pumunta sa likod ng school building, baka kasi may supresa lang siya sakin kaya niya ako pina-papunta dun.
Pero siguro nga tama sila na kapag umasa ka sa una madidismya ka sa huli, pagdating ko dun naabutan ko siyang may kahalikang babae.
Ang ganda naman ng supresa niya sakin, sa sobrang ganda ang sakit na sa mata. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, pero bakit ko pa ba sinasaktan yung sarili ko kung pwede naman akong tumakbo? Pero ang tanga ko lang talaga kasi pinapanuod ko pa din sila kahit na nasasaktan na ako.
Hindi lang isang beses yun nangyari at sa tuwing nakikita ko sila? Hinahayaan ko lang, pero dumating na yung araw na kinatatakutan ko, yung araw na nakipag-hiwalay siya sakin.
‘Let's break up. Nagsawa na ako sa relationship na to, nagsawa na ako sayo. Tapusin na natin to, hindi na kita mahal’
Hanggang ngayon naaalala ko pa din yung mga salitang yun, hanggang ngayon naririnig ko pa din yung boses niya habang sinasabi yun. Siguro tumatak na sa puso't isipan ko yung binitawan niyang salita nung huli kami nagka-usap.
Ganun nalang yun? Porket nakahanap na siya ng iba, ipagpapalit niya na agad ako? Siguro nga hindi niya talaga ako minahal.
Hindi ko na kinaya lahat ng mga nangyari, habang naglalakad ako biglang bumuhos ang malakas na ulan mukhang nakikiramay rin sa sakit na nararamdam ko.
Umiyak lang ako ng umiyak hindi naman mapapansin ng mga taong dumadaan dahil basa na ako sa ulan. Napatigil ako sa isang tulay, naisipan kong tumalon dun at dahil sa dakila akong tanga gagawin ko nga.
At nung malapit na akong tumalon biglang may humila sakin pabalik.
‘Shit! Talaga bang tatapusin mo yung buhay mo para lang sa walang kwentang lalaking yun?! Hindi lang siya yung nag-iisang lalaki sa mundo Sophie! Hindi lang siya! Nandito pa ako, yung bestfriend mo’
Dumating siya para lang iligtas ako, hindi lang sa binabalak ko pati na din sa sakit na nararamdaman ko.
-
The end.
BINABASA MO ANG
He Save Me
Short Story(One shot story) Prologue: Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka-hina ko, naiinis ako kasi hindi ko magawang maging matapang, naiinis ako kasi hindi ko kayang lumaban, naiinis ako kasi wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak kapag nasasaktan ako...