Parti nang pagiging OFW ay ang malayo ka sa mahal mo . Ang storyang ito ay storya ni Mitch.
Almost 3 years na sina Mitch at John. Magkasama sa trabaho kaya halos araw-araw ay magkasama silang dalawa. Makikita mong mahal na mahal nila ang isat-isat. Nang sabihin ni Mitch kay John ang plano niyang mag abroad ay sinuportahan naman siya nito.
Mitch: Pero dapat araw-araw parin tayo mag-uusap ha!
John: Ou naman, kahit oras-oras pa. :)
Mitch: Hindi ka maghahanap nang iba? 3 taon lang babe, kaya naman natin yon diba?
John: Ano kaba? Syempre hinding-hindi ako maghahanap nang iba. Kakayanin natin yang 3 taon na yan babe. Kahit 10 taon pah.
Kaya kampanti ang loob ni Mitch na umalis nang bansa. Halos araw-araw sila kung mag usap, pagkatapos nang trabaho , buong araw kapag walang pasok , pero hanggang sa.....
John: Mas mabuti siguro kung mag cool off nalang muna tayo.
Mitch: huh? Bakit? Anong problema? May nagawa bah ako?
John: Naisip ko lang mas mabuti narin ang ganito. Mahirap kasi na palagi ka nalang nagse- selos nang walang dahilan, nag aaway tayo at hindi kita nasusuyo gaya nang dati kasi malayo ka.
Mitch: Bat ang dami mong dahilan? Diba dapat pag mahal mo ang isang tao hindi mo siya susukoan?
Ganon paman, nauwi nga sila sa hiwalayan. Ilang buwan ding iniyakan ni Mitch si John. Hanggang sa dumating din ang araw na natuto na siyang maging masaya kahit wala na ito sa buhay niya. Mas nabigyan niya nang pansin ang mga tao sa paligid niya. Mas nagkaroon siya nang maraming oras na makausap ang pamilya niya, na dati halos kay John niya binabaling lahat.
Makalipas ang 3 taon, bumalik na si Mitch nang bansa ... At Muli silang nang-kita
John: Alam kong hanggang ngayon masama parin ang loob mo sa akin pero sana dumating ang araw na maintindihan mo kung bakit ko ginawa yon at mapatawad mo ako.
Mitch: Bakit nga ba John? Kasi, kahit anong rason mo, kung mahal mo talaga ako hinding-hindi ka bibitaw. Napatawad na kita at salamat din kasi dahil sa ginawa mo mas nakita ko kung sino ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Sana lang dumating ang araw na maging masaya tayong dalawa kahit hindi sa piling nang isa't-isa
Hindi sa lahat nang pagkakataon, naaayon ang lahat sa gusto nating mangyari. Minsan may mga nangyayaring kabaliktaran nang mga inaasahan natin dahil gustong subukin nang tadhana kung hanggang saan lang natin kayang lumaban at mag sakripisyo para sa mga mahal natin.
BINABASA MO ANG
Buhay OFW (short story)
Short StoryO.F.W ... Iba't-ibang karanasan, iba't-ibang storya..