Prologue

24.1K 538 61
                                    

I woke up with a smile on my face. Yesterday I got a call inviting me for an interview. Isa iyon sa mga kompanyang gusto kong pasukan kaya halos hindi ako makatulog sa excitement.

Pinaghalong excitement at kaba. Ito siguro ang nararamdaman ng lahat ng fresh graduates. Facing a new career isn't a piece of chicken. Kailangan ng confidence which I usually lack pero dahil dito nakasalalay ang pangarap kong maging parte ng Alcantara Industries, I can do this!

After I took a bath I face the mirror. I pony-tailed my hair.  Fixed my thick eyeglasses and put a little powder. Yep! I know I look plain. Wala naman kasi akong alam sa pagmemake-up. Being a certified geek cannot fix my lack of sophistication.

I am not like other girls well, ladies I should say, na marunong magpaganda at magsuot ng sexy. Late bloomer siguro talaga ako sa mga ganoong bagay.

I am just 20 years old and a fresh graduate. Maybe I can do something about my looks kapag handa na talaga ako.

This is maybe a disadvantage of having no mother around. Walang nakakapagturo sa akin ng mga girly stuffs. Ang ending, I am just the prim and proper. 

I sighed. I stared at a frame beside my bed. It is a photo of my mom and dad. Pareho na silang yumao. Two years ago, they had an accident. Namatay sila sa isang plane crash.

"I miss you mama, I miss you papa. Please guide me with my adventure today. Love you."  I silently whispered while touching the photo.

Nakarinig ako ng sunud-sunod na pagkatok kasabay noon ay ang pagtawag ni Kuya Theo sa akin.

"Bunso, are you awake? Kuya Steven is waiting for us downstairs. Baka magwala yun pag wala ka pa sa dining."

"Susunod po ako Kuya Theo!" I answered back.

Kuya Theo is my second brother. Kuya Steven is our eldest.

Pagbaba ko ay nakita kong nagbabasa ng dyaryo si Kuya Steven. He's sipping his coffee well. Naalala ko pa noong bago mamatay sila mama, sakit ito sa ulo ng mga magulang namin but looking at him now, he changed a lot.

Minsan nga ay nakakaramdam ako ng awa dahil pakiramdam ko ay sa amin ng magkakapatid ibinuhos ni kuya ang oras niya. He is actually working on a firm that our dad left us to manage. Nagkataon naman na siya lang ang engineer sa amin, kaya siya narin ang namamahala.

"Good morning kuya!" Bati ko dito. I kissed him on his cheek. He looked at me ftom head to toe.

"Bakit kasi hindi ka nalang sa firm magtrabaho?" He asked. Naupo na ako sa dining. I fixed my eyeglasses.

"Kuya. Akala ko payag ka na? Besides, okay naman sa Alcantara Industries ah. Nasaan sila Kuya Riley? " I asked about my 3rd brother and 4th brother.

Yes, lima kaming magkakapatid. I have 4 brothers. Ako ang bunso. I have mentioned about Kuya Steve already. Si Kuya Theo naman ay isang chef. Siya ang madalas magluto dito sa amin. Madalas itong lumabas ng bansa dahil sa demand ng trabaho nito.

Kuya Riley is my third kuya. He's into race tracks kaya naman lagi itong napagsasabihan ni Kuya Steve dahil dangerous ang ginagawa nito.  Well, Kuya Riley has already invested for a car shop na siyang minamanage nito.

"Good morning primcess!" I frowned the moment I heard Kuya Riley's voice.
He used to call me prim-as in primcess.

"Saan punta mo?" Tanong nito. Naupo ito sa tabi ko. I saw Kuya Theo entering the room with a new dish.

"Nice! Thanks chef! Dapat talaga cook ka nalang dito eh. Mas nabubusog ako kaysa sa luto ni Kuya Ste--" he stopped because Kuya Steven glared at him.

PBS3: Thaddeus AlcantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon