Heto ako, nakaupo lang at nakatanaw sa malayo. Nakakapagod na rin kasing maglaro, kumain, matulog at magpahinga. Wala naman akong magawa dito sa bahay. Hindi rin naman ako inuutusan sa paggawa ng mga gawaing bahay ng mga kasama ko. Kumakain naman ako ng sapat. Yun nga lang, hindi ako sumasabay sa kanila. Ako lang mag-isa ang kumakain pagkatapos nila. Nakasanayan na namin ang ganoon.
Ang tawag nila sa akin ay Chi-chi. Ang magkapatid na sina Henry at Bert naman ang kasama ko sa bahay. Highschool pa lang and dalawa ay magkakaibigan na kami. Kadalasan ay masaya naman kami araw-araw. Sila ang tangi kong mga kaibigan. Mahal ko sila at walang makakapaghiwalay sa amin kahit kailan.
Pero narealize ko na wala pa lang nagtatagal ng panghabang-buhay. Natapos ang masasayang sandali namin nina Henry at Bert nang makahanap ng mapapangasawa si Henry at doon niya pinatira ang asawa niya sa aming bahay. Wala namang nagbago sa pakikitungo sa akin nina Henry at Bert. Ang problema ko ay ang asawa nitong si Klarissa. Maganda ang pinapakita niyang ugali sa mga kaibigan ko kapag kaharap siya ng mga ito pero kapag kaming dalawa na lang ang nasa bahay ay lumalabas ang masamang ugali nito.
“Umalis ka nga sa harap ko! Nagtitimpi lang ako sa iyo dahil alam kong mahalaga ka sa asawa ko at kay Bert pero tayong dalawa lang ang narito kaya ako ang masusunod. Naiintindihan mo?” singhal nito sa akin.
Hindi ako nakasagot. Para saan pa? Alam kong mag-aaway lang kami at hindi ko rin naman ugali ang lumaban. Tahimik lang ako palagi pero hindi ko na natiis ang lahat nang sinipa niya ako at pinalabas ng bahay.
Nasaktan ako. Ikaw ba naman ang sipain sa katawan tapos ay palabasin ay tiyak maiinis ka din. Dahil doon ay gumanti din ako sa kanya. Kinagat ko ang kamay niya. Gusto kong itama ang mga mali niya. Gusto ko siyang turuan ng tamang asal. Pakiramdam ko ay responsibilidad kong ayusin ang ugali niya. Hindi ko alam pero gusto kong malaman niyang mali ang ginagawa niya at may masamang mangyayari sa kanya pag ipinilit pa rin niya ang gusto niya. Sumigaw siya at naginarte. Tila ay may tinignan ito mula sa aking likuran. Pinakawalan ko ang kamay niya upang tingnan kung sino ang nasa likod ko. Si Henry.
Gusto kong ipaliwanag sa kanya na mali ang iniisip niya. Hindi ako ang naunang manakit. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko mula sa maldita nitong asawa pero naunahan ako ni Klarissa.
“Honey, look! Nagdudugo ang kamay ko. Nakita mo ba ang ginawa sa akin ni Chi-Chi? Nakita mo ba kung paano ako kagatin ng aso mo? Papakainin ko lang naman siya dito pero bigla na lang niya akong kinagat.” Nagiinarteng iyak nito kay Henry.
Tama siya. Isa lang akong aso. Pero maipagmamalaki kong may breed naman ako at marami akong alam na tricks. Marami nang naituro sa akin sina Henry at Bert. Isa akong Pomeranian. Brown ang kulay ng balahibo ko. Malamig ang panahon ngayon kaya mas mukhang makapal ang mga ito. Marami ang nagkukumahog na mahawakan ako at mayakap. Nakakapagtaka lang talaga kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Klarissa. Hindi ko naman siya kinukulit at mas madalas pa nga ay naroon lang ako sa kwarto ko (may nakasulat pa nga na DOGHOUSE doon at sabi ni Bert ay iyon daw ang kwarto ko). Hindi ko kailanman inistorbo si Klarissa sa kahit anong ginagawa nito pero tila galit talaga ito sa akin.
Galit na galit sa akin si Klarissa. Tinawag pa nga niya akong “little monster”. Matagal silang nagusap ni Henry hanggang sa dalhin na nito ang asawa sa hospital para ipagamot ang sugat nito. Ayoko na sana siyang pansinin pero parang may nagsasabi sa akin na dapat itama ko ang ugali niya. Siguro ay dahil ayokong mapunta sa masamang babae ang kaibigan ko.
Makalipas lang ng ilang oras ay dumating si Bert. Nakatingin ito sa akin. Yumuko ako at nahihiyang nagpakita sa kanya.
“Chi, come here.” Tawag niya sa akin. Lumapit naman ako. Automatic na kasi akong lumalapit sa kanila pag tinatawag nila ako.
BINABASA MO ANG
Third Chance
Short StoryChiChi, Henry and Bert grew up together. they were living in the same roof until Henry got married. Henry's wife, Klarisse, hated ChiChi. but why? what could be the possible reason why Klarisse despises ChiChi so much?