"angelo! kakasimula mo pa lang ng trabaho mo ang bagal bagal mo na!" sigaw nung boss ko na nagchecheck saminnandito ako sa sm taguig janitor ako dito, ako nga pala si angelo phillips. Mahirap lang ako kaya nagtratrabaho ako at para rin sa isa kong kapatid na babae, patay na nanay at tatay ko eh
first day ko dito dahil gusto kong itry na magtrabaho dito sa mall, 8,000 per month bayad samin! ang liit nga eh kaso pwede na rin kesa naman walang makain diba?
walking distance lang ung apartment na tinitirhan namin dito sa sm, 8am - 8pm kaming mga janitor dito tapos sabado at linggo day off namin kasi may pumapalit samin para di kami araw-araw daw.
first day na first day napagalitan na agad ako ng boss namin hay, may 2 akong kasama na janitor na sila alexander at dominic, 7 pm na at malapit na matapos ang paglilinis namin dito sa SM, bibili pa ako sa tindahan ng ulam naming magkapatid wushuu
nung 8pm na ay kanya-kanya na kaming umuwi, dumaan muna ako sa tindahan sa labas ng sm at naglakad patungo sa apartment na tinutuloyan namin ni lia, ang babaeng kapatid ko na 13 years old at ako ay 20 years old
pinag aaral ko siya kasi ako huminto na kasi wala naman kaming pera eh wala ding pamilya
Nasa visayas ung mga tito at tita ko eh dito ko nadala si lia sa manila kasi maraming trabaho na pwede kong pasukan dito.
pag uwi ko ay agad kong nakita si lia na natutulog sa sofa na, hay pagod to oh may libro pa na hawak haha gutom na rin to for sure
kinalabit ko siya upang kami ay kumain na..
"lia, may dala akong ulam tara kain na" tumayo naman siya at pumunta na sa lamesa
"kuya sabado bukas! libot naman tayo diyan sa sm!" pagmamakawa na tingin ng kapatid ko hahah cute
"sige sige kumain na tayo at matulog kana malapit na mag 9 oh gabi na" sabi ko at kumain namin siya at natulog na sa kama namin na maliit
umupo muna ako sa sofa at tinignan ang wallet ko, may 500 pesos ako? bumyahe pa kasi kami dito ni lia, hirap ng buhay oh! pero may ipon ako kaso di ko ginagastos kasi para sa tuition ni lia yon
naglinis na ako ng katawan at tumabi na rin sa kapatid ko para matulog, grabe kapagod maglinis zzzz
LIA'S POV
good morning woooaaahhh!!!! 9 am na yes hahahaha! sabi ni kuya angelo 1pm na daw kami mag puntang SM, excited na ako! ako nga po pala si lia phillips nag aaral sa private school na *eagle montessori christanity* malapit lang rin dito kaso nag je-jeep ako tas yon na hehe. Mahal nga tuition eh! 13,500 kada taon eh grade 6 palang ako tas 13 years old, late na akong nag aral kasi nag iipon pa si kuya noon para sakin
namatay magulang namin dahil sa aksidente, dalawang taon na ang nakakalilipas dahil nakatricycle sila tas nabangga ng truck, wala kaming pera pang opera tas yon binawian din sila ng buhay
naaawa nga ako kay kuya angelo eh, kaya kami nagpuntang manila para dito daw siya magtrabaho, nanonood lang ako ng tv at si kuya angelo naman ay tulog, pagod ung gwapo kong kuya :(
Pumunta na ako sa kusina at nagluto ng umagahan namin ni kuya
hotdog at scramble egg na lang ang niluto ko at nag saing narin
Marunong ako magluto oy, pati gawaing bahay kaya ko kasi tinuruan kami ng magulang namin ni kuya angelo
10:00am na! Tapos na rin ako magwalis at maglinis ng bahay
Umupo na ako sa kusina kasi nakita kong papalabas na si kuya sa kwarto niya
"Good morning Kuya!" Masaya kong bati