Midway

29 0 0
                                    

My heart rides at the hand of the clock.
Everytime it ticks, Im moving closer to you.
But when Im one tick closer, the clock stops running.
You know what hurts the most?
Its not the fact that the hand of the clock stops moving.
Its about you who dont effort to reach me.

▲ ☆ ▲ ☆ ▲

Where do broken hearts go? San nga ba sila pumupunta? Umaalis ba sila? Kung umaalis sila, eh bakit masakit pa rin? Im so overwhelmed by the feeling of being broken para pansinin pa ang nasa paligid ko. Tipikal na araw ng isang broken na tao. Gising ng tanghali. Kain. Ligo. Music. Kain. Tulog. Sobrang boring. Nagkataon pang bakasyon kaya wala talagang magawa.

"Ate paload tayo." sabi ng bunso kong kapatid. Nakasilip siya sa pinto ng kwarto. Ulo lang ang kita ko sa kanya. Hawak nanaman siguro nito yung cellphone niyang nakacharge. Nakikihati nanaman siya sa bayad ng load ng wifi. Mautak talaga eh.

"Ayoko wala akong pera." sabay talukbong ko ng kumot. Kahit mainit nagkukumot. Hayaan na. Isipin ko na lang nag-sasauna ako. Sosyal.

"Damot naman neto. Text mo na lang si papa. Sabihin mo paloadan ako ng 50." hindi pa sana ako papayag kung hindi lang ako dinaganan ng baboy na yun. Kaya kahit ayaw ko ay tinext ko si papa. Nagtataka nga ako, bakit ako may load eh wala naman akong katext.Hinihintay mo kasing magtext yung ex mong nakipag-break sayo nung 23. Yeah, right. Kaya nga pala ako broken.

"Papa, asan ka po? May byahe kba? Pa, paloadan niyo daw po yung number ni Janine ng 50. Salamat po. Ingat kayo Pa."

Tinext lang si papa para manghingi ng load. Grabe talaga. Pagkatapos kong matext si papa ay bumangon nako at naisipang pumunta sa pinsan ko para makinuod ng Cartoon Network. May cable sila, kame wala kaya makikinuod na lang ako.

Pagkapasok ko pa lang ng gate ay kita ko na yung dalawa kong kapatid at yung pinsan kong tutok na tutok sa kani-kanilang cellphone.

"Boom!! 3 stars. Sarap ng loots."

"Patingin nga."

"Donate nga kayo sakin ng troops para maka-attack nako."

At may sarili nanaman silang mundo. Ganyan sila araw-araw. Kung ako eh laging nasa kwarto para ipagluksa ang sawi kong puso, sila naman ay hindi na makagawa ng gawaing bahay dahil sa online game na yan.

Binuksan ko na lang ang tv at inilipat sa cartoon network. Ito na lang ang sandalan ko sa malulungkot na araw. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa lamesa. 0 messages and 0 missed calls. Wag ka nang umasa. Masasaktan ka lang. Mag-fb kna lang baka may masagap kang balita doon.

"Janine, pa-connect. Anong password?" binuksan ko na ang wifi sa phone ko. Hinanap ko yung wifi. Jajaganda. Ang kapal talaga ng mukha nitong tabachoy nato. Nung hindi pa rin niya sinasabi sakin yung password, nilingon ko na siya.

"Hoy Ja9, anong password kako." ulit ko sa tanong ko kanina.

"JanineQtqt. Capital letter yung J at Q." sabay balik ng atensyon niya sa phone niya para maglaro ulit. Tinype ko na ang password sa phone ko. Connected. Binuksan ko ang fb ko at nanlumo ako dahil walang new message. Sadla.

"Yung mahal mo parang hidden tesla. Nagpapakita lang kapag malapit ka." sabi ng pinsan ko.

"Ha? Anong connect nun?" tanong ko sa kanya.

"Maglaro ka kase ng COC para malaman mo." sagot naman ni Janine.

"Meron naman ako ah." sabay pakita sa coc app ko sa phone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon