The Moment I Knew Her
Maniniwala ka ba kung ang isang tamad, bugok at estudyanteng ayaw mag-aral at hindi sineseryoso ang mga nililigawan niya ay magbabago dahil lang sa isang taong minahal niya at minahal siya?
Paano kung may hadlang sa kanilang pagmamahalan? At kailangan nilang iwanan ang isa't isa? Babalik kaya ang taong ito sa dati niyang buhay? O ipagpapatuloy ang magandang pagbabago na ginawa niya sa buhay niya?
__________________________
"GD pre! Tara Comp shop, Dota!" 'Yan palagi ang naririnig ni GD sa mga kaibigan niya, at 'yan palagi ang ginagawa nila. Dahil sa kaadikan nila sa laro na 'yan kahit pagpasok MINSAN sa klase nila ay hindi na nila ginagawa at hindi na din sila minsan kumakain ng lunch. Ganyan nila kamahal ang laro na yan. 'Yan na nga ata ang first love niya eh pero syempre charrooot lang!
Si GD nga pala ay isang 4th year high school student na. Adik sa DOTA, hindi pinagbubutihan ang pag-aaral, medyo bully, at ang tingin sa kanya ng mga tao ay mayabang pero once na naging kaibigan mo na DAW siya mali ang akala mo na mayabang sya, 'yan ang sabi-sabi at madalas pinaglalaruan niya ang puso ng babae. Eh mukang heart throb ata sya eh kasi 1st year high school pa lang sya nagka-girlfriend na siya at take note naging close sila ni girl dahil sa text lang at take note ulit! Si girl ang kumuha ng number nya! Odiba! Bongga si GD! At ayon niligawan nya lang si girl sa text at BOOM! Sa ilang araw lang na lumipas sila na agad! Pero ibang klase talaga si GD eh kasi sa date nila hindi sya ang nanlibre kung hindi si girl. At noong una pala ang manliligaw pa dapat ay si girl but then si GD pa rin ang nanligaw.
But one day. . . . .
Girl: GD! Sino sya?
GD: sinong siya? 😮
Girl: yung babae na palagi mong kasama
GD: kaibigan ko lang, close friend!
Girl: hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama?
GD: . . . . . .
Girl: pagod na ko GD! Ayoko na! TAPUSIN na natin 'to
GD: o sige
Hindi man lang nasaktan ang puso ni GD, siguro dahil hindi niya true love si first girlfriend niya. Pero take note dalawang linggo lang silang naging lovers.
Ganyan ang buhay ni GD noong 1st year high school siya, laro ng DOTA, hindi minsan pumapasok sa klase at naninira ng puso ng babae. Pero isang araw kakatapos tapos lamang ng bagong taon may nakilala siya at ito ay si Cindy naging magkaibigan sila at niligawan niya ito sa loob lamang ng dalawang linggo, ito ang kanyang pangatlong girlfriend, naging masaya sila. Dahil kay Cindy natutong magseryoso sa buhay si GD madalang na nga sya mag-cutting eh, nakikisabay nga ata si GD sa bagong taon eh dahil mukhang nagbabagong buhay na siya. Minahal niya ng totoo si Cindy, sila pa rin nga hanggang 2nd year high school na sila.
Pero nagka-problema sila ni Cindy. . . . . .
"Cindy! May problema ba tayo? Bakit hindi na kita nararamdaman? Bakit parang nawawalan ka na ng oras sa'kin? Sa'tin? Alam mo ba na miss na miss na kita?" sabi ni GD
". . . . . ."
"Bakit ayaw mong magsalita? May dapat ba kong malaman? Cindy!?" natatakot na sabi ni GD
"Kailangan na nating maghiwalay! Tutal nawawalan naman na ko ng oras sayo eh"
" 'yan lang ba ang rason mo? Okay lang sa'kin na hindi tayo madalas magkita o magkausap, kahit isang text mo lang sa isang araw okay na ko doon."
"Hindi na talaga pwede GD! Ayoko ng lokohin pa ang mama ko, ang magulang ko!"
". . . . . . . ."