Short story

21 0 0
                                    

Throwback to when I was still in college. Freshman year, 1st sem yun. May madalas akong makasabay sa jeep schoolmate ko lang din. Minsan kasabay ko siya pumasok sa school, minsan naman pauwi. Ewan ko, pero same kami ng pasok, lalo na kapag TF! 9am classes nmin tapos uwian ko 4:30 and siya din ata kasi nikikita ko siya sa sakayan around 5pm. Ilang beses kaming nagkakasabay until one day, biglang umulan ng malakas nung nasa bandang roxas na kami. Katabi ko siya at nakita kung umiiling-iling siya, sabi ko, "kuya late ka na?" Nagulat siya then sumagot "ah hindi,,,, wala kasi akong payong" and syempre meron akong payong, so hindi ako nag hesitate na isabay siya since same school nman kami. Hinatid ko siya sa building nila, hindi kami nagkausap kasi nagmadali akong umalis late na ako eh, pero nalaman ko yung name niya and course kasi nakita ko sa ID. Itago natin sa pangalang Sebastian at engineering siya nun.

Few weeks have passed, nakasabay ko ulit siya. Nagulat ako nun kasi matagal tagal din nung huli ko siyang nakita. Finally, he asked for my name, and nag papasalamat siya sa pagsasabay ko sa kanya nung umulan. Di ako nag expect ng kahit na ano pero niyaya niya ako sa jollibee! Dun sa tapat ng school kami kumain. Treat niya. Then I learned things about him. To make this short (kahit ang haba na!)

Walang spark. I mean, we became really good friends. Nag kakatext na kami, lumalabas minsan, pero ganun lang. Hanggang sa unti unti akong nagkakagusto sa kanya and hiniling ko nun na sana hindi mag grow into something deeper kasi alam ko na friends lng ang turing niya sa akin. Ilang buwan din kaming nag kakasama, almost every day. Hinihintay na niya ako sa sakayan tapos sabay na kaming papasok sa school. May kopya pa ako ng COR niya.

Pero, not all good things last. I had to stop due to financial issues. Di ko na siya nakausap kasi nahihiya ako ikwento sa kanya yung problema ng family ko sa pera. Kahit alam kong maiintindihan niya, diko ginawa. Nahihiya talaga ako.
We lost communication until for 2 semesters, nakabalik ako sa school. Nag kita ulit kami. Nalaman niya yung nangyari from one of our common friends. Di na niya ako tinanong pa about sa nangyari so tinuloy lang namin yung tulad ng dati.

But on his birthday, sinama niya ako sa bahay nila. Sabi niya ipapakilala niya ako sa family niya dahil kinukwento niya daw ako sa kanila, yung pagiging matapang ko at mabait, yung ugali ki na sobrang gusto niya. Medyo nag assume ako na yun na yung time na aaminin na niya na gusto niya rin ako.

Dumating kami sa bahay nila, simple lang yung bahay niya. Typical Filipino family sila. Nasa iisang bahay yung grandparents niya, even yung mga tita niya. Then pinakilala niya ako. Tapos nagulat ako kasi sabi ng lola niya sa kanya "Apo, pinakilala mo naba siya kay Monique?"
Napaisip ako, pangalan ng babae parang may sumaksak sa puso ko. Sabi ko, ay alam ko na to. So tinanong ko siya "May girlfriend ka na?''

Di siya nagsalita. Tapos may lumabas na babae sa isang kwarto, maliit na babae may hawak na baby. Hinalikan niya si Sebastian sa cheeks, sabay tingin sakin at sabi "oh, ikaw ba si Maddison?" Tumango ako tapos nag smile siya. Then biglang nagsalita yung lola ni Sebastian.

"Maddison si Monique nga pala, tapos ito si Gabby anak nila ni Sebastian."
At doon gumoho ang mundo ko. Hindi ako naka galaw at nakapag salita. Nakatingin si Sebastian sakin at nafifeel ko na nahihiya siya. Ewan ko, dahil ba sa maaga siyang nag asawa, o alam na niya noon pa na gusto ko siya at diko sinabi.. At pilit kaming ipinaglayo ng tadhana, diko na nalaman kung alam niya ba. Pagkatapos nun umalis ako dun na hindi pinahalata sa kanila na sobrang nadurog ang puso ko.

After nun, nag focus na ako sa pag-aaral kasi nagti-thesis na kami. Habang si Seb nag-aaral sa umaga nag tatrabaho sa gabi. Di na kami nag kakausap, biglang nawala yung communication.

Siguro alam niya at naisip niya na yun ang tama para sa amin. Pero siguro baka wala nalang siyang nagawa.. Ewan ko.

Ngayon may boyfriend na ako at nag tatrabaho narin. Si Sebastian? Hindi ko alam kong nasaan na siya. But I hope that he's happy, sana magkita kami ulit. Sana rin makita ko yung baby niya na kamukhang kamukha niya.

"Hi Seb! Sorry kung hindi ko nasabi sayo yung feelings ko noon. Sorry din kong di ako tumupad sa pangako ko bilang kaibigan, na kahit anong mangyari walang iwanan."

-Maddison.

=Wakas=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon