Nang dahil sa DNP <3 // ONE-SHOT

636 32 10
                                    

Wala pa nga kasi akong libro! Ano berr! Huhu.

Antagal naman magkaroon dito. T___T

***

"Miss may Diary ng Panget kayo?" tanong ko kaagad sa costumer service pagkadating ko sa bookstore.

"Diary ng--?" tanong niya naman.

"DNP po, diary ng panget."

"Ano yun?" 

"Diary po ng Panget. Kay Have You Seen This Girl po."

"Kay Bob Ong ba 'yun?" tanong ng isang lalaki na nasa costumer service din.

Ay ang kulit! Sinabi nang kay HYSTG yun eh. Tss.

"Hindi po, kay ate Denny yun. Have You Seen This Girl po yung author. Meron? Nung isang araw lang po nilabas yun."

"Ay nung isang araw lang? Wala pa kami nun."

"Ganun po ba?" Haaay. Sayang naman. Lumuwas pa ako eh. Kasi naman! Di ko nabasa yun sa net. Huhu. Pina-process na kasi para maging book yung DNP nung babasahin ko na sana. Kaya ayun, sa libro ako aasa. Kaso wala pa nga.

"Oo. Mag-iwan ka nalang ng contact number mo para sabihan ka nalang namin kung meron na." sabi nung isang babae, kung kaya't sinulat ko naman.

Habang nagsusulat ako ay may lalaking tumabi saakin. Nasa gilid ko lang pala, echosera ako. Kinakausap niya rin yung nasa costumer service.

"Miss may Diary ng Pangit kayo?" tanong niya, kaya naman napatingin ako.

Ay ang pogi! Kinikilig ako. Ang haba ng mga pilik mata niya. Mukhang mayaman!

"Ay sir, wala pa ho. Iwan nyo nalang po contact number niyo. Sulat nalang po kayo after ni ma'am."

"Okay." maikling sagot nung lalaki.

Na-tense naman ako, nararamdaman ko kasing nakatingin siya saakin. Teka, ba't ba ang bagal kong magsulat? Naki-chismis pa kasi ako eh!

"Eto na miss." inabot ko yung notebook dun sa saleslady para kunwari ay hindi ko alam na may susunod pang magsusulat.

"Ay ma'am, paki-bigay nalang po kay sir."

"Sino? Saan?" tanong ko, kunwari ay di ko pa napapansin ang lalaking nasa tabi ko.

Sasagot na sana yung babae nang biglang may kumuhit saakin sabay sabi ng, "Ako." Tapos ay ngumiti! Shems! Jackpot! Ngiting pang Sensodyne! Ayoko ng close up, mas mahal Sensodyne eh. Hihi.

"Ah, eto." sabi ko nalang tapos ay inabot ang notebook.

Tinitigan niya lang yung naka-open na notebook sabay labas ng cellphone niya.

"Di mo ba kukunin?" tanong ko, nangangawit na kaya ako. Heller?!

"Hmm. No need!" Sagot niya habang may tinatype sa cellphone niya.

Baliw ba 'to? No need daw eh di pa nga siya nagsusulat. Nagkakatol ata 'to eh. Sayang! Pogi pa naman, tapos adik lang. Haaay. 

"Ah okay." sabi ko sakanya sabay lapag nung notebook sa may desk.

"Miss eto na po, salamat!" sabi ko dun sa saleslady bago umalis.

Ano nang gagawin ko? Hmm..

Alright! Starbucks!

Papunta na ako sa may Starbucks nung tumunog sa cellphone ko.

May nag-text, unknown number.

=======

Nang dahil sa DNP &lt;3 // ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon