"Alam mo, Irish, hindi dapat basta-basta sinasabi ng isang tao ang -hik- mga salitang -hik- I love you."
Mukhang langong-lango na nga siya sa alak, naligaw pa nga sa pag-uwi eh. Hayst, at dito pa napadpad sa bahay ko. Palibhasa, napakadalas na dito dumadalaw para kumaen, kahit na lutang ang utak, sanay pa ring pumunta rito.
Inayos ko ang pagkakaunat ng paa nya sa sofa tapos ay umupo sa stool na malapit dito. Napangiti na ako ng konti nang makita ko ang mga mata nya, namumungay, napakadalas ng pagpikit. Ha. Akala ko ba hindi ka tinatamaan ng alak?
"Haha," napatawa ako habang inaalis ang strand ng buhok nya na nakaharang sa mata nya.
Parang naalimpungatan sya at napa-"hngh." Tapos ay biglang napaupo. Hayst, parang sira-ulo lang eh. Kanina antok na antok at nakatulog sa harap ng bahay ko matapos kabugin ang gate. Geez, buti na lang may tiwala ang nanay ko sa kanya at baka kung hindi ay nabambo na ng tambo itong lalaking ito.
"Hoy, 'wag mo kong baby-hin. Irish ah, -hik- mas matanda ako sa iyo no," sabi ni Lyndon, mapula ang mukha at winawagayway ang kamay nya sa harap ng mukha nya.
"Hmm, oo na. Hindi na," sabi ko, napapangisi. "Ano ba yung sinasabi mo tungkol sa love kanina?"
Palusot ko lang yung tanong na 'yun para mapagmasdan syang mabuti. Ngayon ko lang kasi nakita ang best friend ko na hopeless na hopeless. Ahaha, parang walang alam sa mundo, kung anu-ano lang ang lumalabas sa bibig.
Gulong-gulo ang kulot nyang buhok (no difference, since tamad talagang magsuklay ang mokong na ito), tapos as I stated before, pulang-pula ang mukha nya. Amusing nga eh, pati ang ilong nyang matangos, pula. Haha, Rudolph the Red Nose Reindeer in the middle of May. Amoy suka at alak sya, in short, hindi kaaya-aya ang amoy, pero that didn't stop me from coming close to him.
"Ahhh. Yun ba? 'Wag kang -hik- mag-a I love you -hik- sa kung kani-kanino lang ah?" sabi nya, pumipikit pikit na naman ang mga mata at medyo gumegewang na sa pagkakaupo.
Napatigil ako sa sinabi nya at naramdamang uminit ang pisngi ko. Ha, bakit naman sakin nya sinasabi ito? Ala lang, share? Siguro nga lutang ang isip nito.
"Bakit mo naman nasabi 'yun?" tanong ko, hindi makatingin sa mata nya. Tumingin na lang ako sa relo sa pader. Geez, pasado alas dose na. Pero parang wala lang sa kanya.
Sabagay, pupunta ba sya sa inuman kung hindi sya prepared na umuwi ng late? Ketanga-tanga kasi eh, inimbita lang ng crush na makiparty sa kanila, bumigay agad. Masyadong in love, ang sarap gisingin sa katotohanan.
"AHAHAHA. 'Wag mo -hik- akong gagayahin. Kasi -hik- sinabi ko 'yun kay -hik- Leila kanina. Alam mo ba -hik- kung ano ang sinagot sakin? HAHAHA daw tapos ampanget ko daw kaya," sabi nya, bumabalik na sa pagkakahiga nya dun sa sofa. Nagluluksa siguro.
Matagal na rin kasi 'yung pagkacrush nya kay Leila, magtu-two years na. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga kay Leila? Maganda, tuwid ang buhok, matangos rin ang ilong at sobrang puti, parang Koreana! Sya yung beauty na in na in ngayon.
Eh ako? Ha. Waley. Ako yung beauty na kupas na. Morena, tapos hindi singkit at bilugan ang mata. Siguro kung pinanganak ako noong panahon ng mga caveman, baka maganda na ang tingin sakin.
"'Wag kang mag-alala, Lyndon. Malay mo naman, lasing na rin yung tao kaya walang matinong maisagot sayo," sabi ko na lang, pampalubag loob ba. Tinapik ko sya sa braso, unsure kung paano sya iko-comfort.
BINABASA MO ANG
Suppose (One Shot)
Teen FictionOnce upon a time, merong isang lasing na lalaking napadpad sa harap ng bahay namin. Ang pangalan nya ay Lyndon, at sya ang makulit kong best friend. Pero nung ang unang lumabas sa bibig nya ay: "Alam mo, Irish, hindi dapat basta-basta sinasabi ng is...