Chapter 1

6 0 0
                                    

Cassy POV

Kabadtrip ah! Laging ganto na lang! Tsk . Akala mo armalite .! Kundi lang sya dapat irespeto . Nginudngud ko na yung pagmumukha nya.! Kabanas ...

"Hey Cassy ,!! Don't turn back when Im talking to you" gigil na sigaw nung hinayupak dahil tinalikuran at akmang pupunta ako sa kwarto ko..huminto muna ako.

"Pwede ba Aze! Ang aga aga nagiging Armalite ka na naman..!! Kakabanas ka alam mo yun! tch!" sigaw ko sa kanya at tumuloy sa pag akyat sa kwarto ko. Hindi ko na pinakinggan yung sasabihin nya

*blaaaggg*

Pabagsak kong sinara yung pintuan ko!!. Siya si Aze, isa sa mga katiwala sa bahay na toh. Hindi ito ang aking bahay, kundi bahay ito nang hindi ko kilalang tao. Basta na niya lamang kase akong pinapapunta rito. At dahil palaging wala ang taong nagmamayari ng bahay na ito ay si Aze ang namumuno muna rito.Kaya ramdam na ramdam niya ang pagiging boss niya rito.

Nagderetso na lamang ako sa Shower Room ko dito!! Maliligo muna ako ! Kaasar talaga!! -_-

Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha yung prepared uniform ko ,! At isinuot iyon then nag-ayos! Kinuha ko na din yung bag at susi ng kotse ko

Mabilis akong lumabas sa kwarto at nasalubong ko si Aze na papuntang kusina! Walang emosyon syang naglakad at nilampasan ako ! tch.. pakelam ko sa kanya..

Sumakay na ko sa kotse ko at dumeretso na sa school . First day ngayon and Transferee ako kaya kelangan kong pumasok ng maaga para mahanap ko kaagad yung section ko! At Para may time pa akong magikot ikot sa school!

Agad kong pinark yung kotse ko at agad ding lumabas! Pansin ko agad yung mga students na nagkakagulo at may mga tumitili pa! Tch.. Dumeretso ako sa paglalakad at pumunta sa office!

Lumapit ako dun sa SSG President !

"Good morning! Can I know what my section is?? " kalmadong tanong ko sa kanya...

"Ah-ahm! What is your name fi--"

"Cassy De Castro is my name ! " biglang sagot ko sa kanya

"Hmm!! okey just wait!" at in-operate na nya yung computer nya at naghanap...medyo natatagalan na siya kaya naman medyo naiinip na ako

"Can you do it fastly ?" suggest ko sa kanya kaya naman medyo nagulat sya at binilisan na nya ang paghanap kinalaunan!

"4-A ,Miss!" baling nya sa akin.. Tumayo na ako at lumabas na.

Pumunta na ako sa room kung saan sinabe nung SSG Pres.

At sakto namang may teacher na. Walang ano ano'y pumasok ako ng walang katok katok.

⊙_⊙← sila

Hindi na ako nagulat sa reaksiyon ng mga tao sa loob dahil yun na talaga ang inaasahan ko. Ang magulat sila.

Alam kong nakatingin na ng masama sa akin yung lecturer. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang likod. Doon lamang kase ang mayroong bakante.

"Hoy! Balahurang babae! Aba, hindi ka ba marunong kumatok,hah! Hindi mo ba alam ang salitang 'Manner' ha!" asik nung teacher namin. 'tch

"Tch. Isa ka, para ka rin armalite!" kalamadong tugon ko sa kanya nang makaharap ko na siya


Namula agad sya na para bang nagulat sa pagkakita sa akin. Matagal niya akong tinitigan bago iiling iling na iniiwas ang paningin.

"Hah! Grabe, what a nice girl,huh!" sarkastikong sabe niya nanghindi nanakatingin sa akin. Nagbalik na sya sa harapan ng klase ,kinuha nya yung cellphone nya atsaka parang may tinawagan, pagtapos nyang ibaba yung cellphone nya ay muli siyang tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwalang nasa hrapan niya ako ngayon, atsaka nagpatuloy na sa pagkaklase nangmakarekober! hindi ko naman maiwasang mainis dahil sa kakaibang tingin nya.

〒_〒

Bigla bigla ay nanakit ang ulo ko. 'eto na naman sya!' maya maya'y may nakikita akong isang eksena na bigla bigla na lang lilitaw na animo'y isang alaala

Tatlong lalake na naka tuxedong itim na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Malapit na sila at sa palagay ko'y ako ang puntirya nila. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila, natural lang silang naglalakad. Hindi mabilis, hindi rin mabagal! May dala sila posas, at isang hindi ko maaninag na bagay, para itong isang baril!

Kumabog agad ang dibdib ko sa kaba atsaka mabilis na isinukbit ang aking bag sa balikat ko at nagmadaling naglakad papakabas. Alam kong nagulat muli ang lecturer namin sa ginawa ko maging ang mga kaklase ko ay ganun din ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Agad kong pinihit ung doorknob ng room at patakbong umalis sa lugar na yon. Kasalungat na daan ang tinahak ko sa daan na tinatahak ng mga lalaking iyon.

Dumeretso ako sa kotse ko at nagmamadaling sinuksok ang susi. Agad ko itong pinaandar, Nang makalapit na ako sa guardiya ay hinarang ako nito,

"Saan ang iyong patutunguhan, binibi?" ngiting tanong nya, kakaiba ang ngiting ito. Para bang may balak itong masama. 'tch! Napapraning lamang ako'

〒_〒

Sumakit muli ang aking ulo at may isang eksena na naman ang lumitaw.

Papaalis na ang tatalong lalake sa room na pinanggalingan ko kanina, at dadaan sila sa daang dinaanan ko. Ganun pa rin ang kanilang lakad, para bang kampanteng kampante sila. Natural na natural lang ang lakad nila.

Mabilis kong nilingong muli ang guardiya at iba na ang tingin nito. Mukhang kasabwat rin ito sa tatlo. At sapalagay ko'y hindi na ako napapraning.Mabilis akong lumabas ng kotse ko , gumilid naman siya para sa pagbukas ng kotse.

"Kailangan kong lumabas, may emergency lang " pagsisinungling ko. Batid kong hindi sya maniniwala agad sa akin.

"Ngunit nasaan ang iyong sulat para ika'y pagbigyan ko?" mariing tanong niya.

Hindi naman agad ako nakasagot. Mabilis kong iginala ang ang aking mata at nahagip niyon ang pulang buzzer na alam kong iyon ang pipindutin para bumukas ang gate. Umiwas ako sa kanya at agad na lumapit sa buzzer, nang akmang pipindutin ko na ay may biglang kamay ang pumigil sa akin. Napatingin ako rito bago sa mukha ng nagmamay ari ng kamay na iyon. Ang guardiya.

"Ano ang iyong ginagawa?" kunot noong tanong niya habang nakahawak pa rin sa aking braso.

"Ano pa nga ba, edi bubuksan ang gate! tanga ka ba?" hindi ko napigilan ang aking sarili. Alam kong nabastos ko na itong guardiyang ito, ngunit hindi ko din maiwasang mainis at mairita sa kanya. 'Naghahabol ako ng oras, sagabal ka! 'tch!'

〒_〒 'Heto na naman!' Nagpokus lalo ako para makita ko mismo ang mangyayare.

Isang guardya na nakahawak sa akin at akmang hihilain ako nito. Masakit ang pagkakakapit nito sa braso ko. Nang maramdaman kong kakaiba na ang kanya pag hawak ay agad kong inipon ang lakas ko sa braso ko para ipaikot iyon sa kamay ng guardiya na syang dahilan para mawala ang pagkakahawak nito sa braso ko. Atsaka buong pwersa ko syang tinulak gamit ang dalawa kong palad sa kanyang dibdib. Agad naman siyang tumimbawang sa lupa.

Hanggang doon lamang ang eksena. At ang guardiya. Ang guardiyang iyon ay ito mismo. Siya mismo, dahil akma rin niya akong hihilain na katulad ng nangyari sa nakita kong eksena kanina lamang. Gaya nga sa eksenang iyon ay ganoon din ang aking ginawa at iyon din ang nangyare. Ginawa ko kung ano ang nakita ko at iyun na iyun din ang nangyare, tumimbawang siya sa lupa.

Nakahanap ako ng pagkakataon para mapindot ang buzzer. Pagkatapos kong pindutin ay agad akong tumakbo papunta sa aking kotse dahil baka maabutan ako ng guardiya. Nang makapasok ako sa kotse ay ni-lock ko kaagad ang pintuan nito. Nakita kong patayo na ang guardiya na nito lamang nakarekober sa ginawa kong pag tulak sa kanya. Agad kong in-start ang kotse ko at mabilis na pinaharurot ito sa bukana ng gate na unti unti namang nagbubukas.

Nang marating ko ang labasan ay napagdesisyunan kong pumunta sa aking bahay. Habang nagmamaneho ay hindi parin mawala ang nangyare kanina. Madalas na mangyare sa aken ang makakita ng eksena na maya maya'y mangyayare. Eeksena lamang ito kung mapapahamak ba ako o may mga hindi katiwa-tiwalang tao.

'Bakit nila ako sinusundan? Sino ang mga iyon?'

Hindi ko mapigilang magalala at matakot. Hindi ako masyadong sanay sa ganito.

'Ano naman na ang susnod na mangyayare? Ligtas pa rin ba ako sa school na iyon?'

The Assigned MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon