para kay Jose

21 0 0
                                    

isang sulatin sa Rizal (kurso) ang nakita ko habang naglilinis ng mga inaalikabok na papel.

Bunsoy,

Ipagpaumanhin mo kung sakaling ngayon ko lang nagawa ang liham. Mangyari ay naging abala ako sa mga gawain ng samahan. Alam kong nag-aalala na kayo sa akin at ang isang linggong pagkaantala ng aking sulat ay nagdulot sa inyo ng matinding pangamba. ipaabot mo na lang ang aking paumanhin kay na itay at inay. Nagkataon lang talaga na nawalan ako ng panahon. Magkagayunpaman palagi ko naman kayong naiisip.

Napakaraming nangyari nitong mga nakaraang linggo. Sa pagbubuwag ng piket line naming manggagawa, marami ang nasaktan. Lubha kong ikanalungkot ang pagkasawi ng malapit na kaibigan. Batid namin ang posibilidad ng ng pangyayayring iyon pero iba pala kung ikaw mismo ang maksaksi ng ganoong klase ng karahasan. Mahirap makipagtunggali sa mga higantang nagpapalakad ng sistema. Kadalsan, hindi sila nakikinig sa mga maliliit na tulad natin. Alam kong nauunawaan mo na ang layunin namin ay para lang sa ikabubuti ng mga abang mamamayan. Hinihingi lang naman namin ang pantay na karapatan at tamang katumbas ng aming paggawa.Subalit ang mga bagay na iyon ay ipinagkakait. BAtid kong bukas angisip mo sa uri ng sistema at pamamalakad dito sa atin. Kaya nauunawaan mo ang galit na nararamdaman ko sa mga nananamantala. Sinabi mo nooon na bulok na sistema. Kailangan ng palitan. Pero sinabi ko noon na ang mga taong nagpapagalaw sa sistema ang patay na. Pinagagalaw na lang sila ng kapangyarihan at hangaring magpayaman. Nawalan na sila ng kaluluwa, tinakasan na sila ng dignidsd at nilamon na sila ng pagnanasang mahigitan ang sarili. Nagulat ako ng bigla mong sinabi na kinaaawaan mo sila. "Ano? Bakit mo kakaawaan ang isang taong nag-aalipusta ng iba? ANg tingin e nila sa atin ay basura. Sa kanila ay para tayong mga daga na peste sa kanilang pamamahay. Paano mo kakaawaan ang isang taong walang pakialam sa buhay ng iba?Hindi sila nakakaunawa ng pakikipagkapwatao. Gumising ka nga!" Iyon ang winika ko sa iyo pero tinawanan mo lang ako. Lalo tuloy akong nainis sa iyo. Tapos sinabi mo nakatulad na tin nila ako. Nilalamon  ng sistema.

"Huwag mong isisi sa kanila ang lahat ng bagay. Maaring buiktima rin sila. kung ikaw ay kabilang sa lupon nila, malamang nakalimutan mo na rin ang iyong paniniwala at inabandon a ang iyong mga hangaring nakaugnay sa mabuting asal. Sa klase ng kalakaran na meron sila, malamang gagawin mo ang anumang bagay para lang mabuhay. Mahirap sumagwan na taliwas sa alon, maaari mo iyong ikamatay. Pero kung susunod ka sa agos, may magagaw ka pa.Hindi ko naman sinasabi na talikuran mo ang iyong mga ipinaglalaban. Sinasabi ko lang unawaain mo rin ang kanilang kalagayan. HUwag mong ibunton sa kanila ang lahat ng sisi. Namana rin nila ang ganoong klase ng sistema. Mahirap iyong baguhin. Bakit sa halip na kalabanin ay tulungan mo sila. Magkasama ninyong lunasan ang sakit ng lipunan."

Kapatid, ang mga sinabi mong ito ay lubhang ideyal.  HIndi ka pa bukas sa totoong kalakaran ng buhay. Totoong walang mang-aapi kung walang nagpapaapi pero paano mo kakalabanin ang isang bagay na mas malaki pa kaysa sa iyo? HIndi mo iyon magagawa. Maaring hangal kami dahil patuloy pa rin kaming nakikibaka. Binabangga namin ang pader. Ika nga, kami lang ang nahihirapan. Pero gaano man katatag ang pader, maari mo itong mayanig. At iyo ang ginagawa namin, ang yanigin ito ng paulit-ulit hanggang sa ito'y mabuwag. Gusto kong maunawaang mo na ang ginagawa namin ay hindi lamang para sa kabatiran ng kanilang mga pagkukulang at kamalian, para rin ito sa mga ibang hindi nakakaunawa ng tunay na kalagayan ng lipunan. Marami sa atin ang tagapanood lang, tagabigay ng komentaryo, pero kakaunti lang ang kumikilos. kailangan nilang maunawaan na bahagi rin sila ng sistema, na nararapat rin silang makiisa. Hindi lang sila nakikisawsaw sa mga usapin, bahagi sila ng pag-aayos ng mga usapin.

Marami ka pang kailangan na malaman sa uri ng t ng sistema na meron tayo. Bagaman ako'y nakahihigit ng edad sa iyo, marami pa rin akong bagay na dapat tuklasin lalo na ang mga solusyon sa mga suliranin. May mga bagay pa rin akong hindi naiintindihan. Kung bakit sa kabila ng mga rebolusyon na napagtagumpayan, tila hindi pa rin natutuo ang mga tao sa mga kamaliang nagawa ng ating mga ninuno.Tila ba nawalan ng katuturan ang kasaysayan. umuulit pa rin ang tao sa parehong kamalian. Marami pa rin ang lugmok at kung bakit paulit-ulit  pa rin ang pagbabagong hinahanap. Nagpapalit lang ang panahon sublait ang uri ng tao at suliranin ay naroon pa rin.

Kapatid, tuklasin mo ang mga bagay na kinakailangan mong malaman, higit pa man ang nga bagay na maglalayon ng kabutihan ng lahat. ikumusta mo na lang ako kay na itay at inay. Mag-iingat kayo.

Nagmamahal,

Kuya Andres

para kay JoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon