This shop was started last April 7 and closed today, Sept. 18. No requests will ever be entertained in this shop.
First of all, salamat sa mga sumuporta sa shop ko :) 'Di ko akalaing makakaabot ako sa 200 requests dahil nga tamad ako at 'di ako masyadong kilalang editor. Kung isa ka sa mga nagpagawa at sumunod sa mga rules at payments, thank you, salamat talaga! At dun sa mga 'di naman, salamat pa rin, 'di naman ako masyadong naging mahigpit diba? Haha!
Ayoko sanang isarado ito ng may natitira pang 10+ requests (pasensya na sainyo ah?) pero dahil nga ang busy ko na't 2 months ago pa yung mga requests niyo, 'di ko na masyadong maaasikaso at ipininid ko muna ang pintuan ng mga request forms. Natambakan kasi ako ng mga requests noon kaya medyo natagalan. At kailangan ko na talagang mag-focus sa studies.
Sa lahat ng mga nagvote, nagcomment, naka-appreciate sa mga gawa ko through the days, maraming salamat! Di niyo alam kung gaano niyo ako pinupush para magkaroon ako ng gana sa paggawa ng 200 requests :) Inspirasyon ko kayo, guys! :)
Sa totoo lang, mga 20+ lang talaga ang dapat na bilang ng mga forms, 20 lang, 'di 30, 'di 40, 'di kasingdami ng mga lalaki mo! (pastillas girl haha) Pero yun, nung dumagsa na, 'di ko na muna isinarado, sabi ko kasi, opportunity ang bawat request sa shop na ito dahil dito na ako lumaki bilang isang graphic editor. Natuwa naman ako na yung dating 20 ay nadagdagan ng 0 sa dulo at naging 020 dejk, 200. /cries; tears of joy.
So, yun. Salamat! Kung itatanong niyo kung magkakaroon pa ako ng bagong shop, ang sagot ko ay...
WALA NA
I'M LEAVING THE GRAPHIC WORLD
FOREVER
DEJK WALANG FOREVER KAYA YES! MAGKAKAROON AKO NG BAGONG SHOP :) ABANGAN NIYO NALANG GUYS HEHE :) BYE FOR NOW!
BINABASA MO ANG
Dine In Cover Shop | CLOSED
Randomsorry, we're closed // wait 'til it opens again or for a season two.