Alvin's pov
Pasukan na naman, wala pa rin akong girlfriend. Lagi na lang ako nabu-busted. Ewan ko ba kung bakit. Sany naman akong masaktan ng paulit-ulit. Pumunta na ako ng maaga sa school until meron akong nakitang babae na naliligaw (suot niya ang uniform ng school). Siguro transferee ito. Lumapit ako sa kanya at nagtanong.
"Miss, naliligaw ka ba?", di siya sumagot nakatingin lang siya sa akin.
"Miss.....", di pa rin siya sumasagot. Nalove struck ata sa akin ha... biglang may lumapit sa aking babae.
"Ako ng bahala sa kanya", lumayo na sila sa akin. Baka kaibigan niya yun.pumasok na ako sa classroom ko pero wala pang tao. Maaga pa la akong pumasok. Nilabas ko ang aking cellphone pati na ang earphones ko. Nilagay ko sa aking tenga at nakinig ng paborito kong kanta. Sumabay ako sa kanta na parang may sariling mundo ako....maya-maya na low bat ang cellphone ko kaya't inalis ko ang earphone sa aking tenga. Tinignan ko kung meron na akong kasama dito sa room. Tumingi ako sa likod at nagulat ako. Nandun ang babaeng naliligaw kanina. Di ko alam na magiging kaklase ko siya. Nagbabasa lamang siya ng libro, di ko alam kung anong title. Lumapit ako sa kanya at tinanong ang pangalna niya.
"Miss, ano pangalan mo?" Di siya sumagot. Di kaya pipi siya?
"Miss, anong binabasa mo?" Di pa rin siya sumasagot. Focus na focus sa libro. Aba pipi na nga, snobber pa... Kinuha ko ang libro niya at nagalit siya.
"Ibalik mo sa akin ang libro ko!"
"Ay! Nagsasalita ka pa la. Akala ko pipi ka"
"Engot! Ibalik mo ang aking libro!"
"Ayoko nga.." ang cute niya pag-nagagalit. Sana ganito na lang palagi. Sa sobrang galit niya tumayo siya at pilit kinukuha ang libro niya.
"Bakit? Anong problema? Di mo maabot no..."
"Manahimik ka!"
"Uminom ka kasi ng cheripher..."
"Naiinis na ako ha.." tumalon siya sa akin at natumba kaming dalawa sa sahig. Kinuha kaagad ang libro at nagmadaling tumayo. Di ko aakalain tatalon siya sa akin. Tumayo ako ngunit sa kasawiang palad, natalisod ako. Natumba ulit kaming dalawa nang may biglang pumasok sa room, ang kaibigan ko na si John at ang gf niya na si Flora. Wrong timing talaga oh....
" What the! anong ginagawa mo sa kanya?" Tumayo kaagad kami.
"Flora, let me explain first.."
Lumapit siya sa akin at piningutan ako.
"Aray! Ang sakit naman."
Lumapit si Flora sa babae at tinanong kung nasaktan siya. Wow, parang ako pa ang may kasalanan. Kampi talaga siya sa babae. Lumapit sa akin si John.
" Bro, ano ba talaga ang nangyari?" Sasagot na sana ako pero sumabat ang babae.
"Natalisod siya, natumba ako." Grabe... siya na sumagot, akala ko mabait, sabatera pa la siya.
"I feel you, bro...gusto mo talagang magkaroon ng gf.." Tumingin sa akin ang dalawang babae.
"Ano! Ayoko nga sa babaeng iyan. Snobber na nga, sabatera pa, pandak pa at demonyo pa"
"Hoy! Di ako demonyo. Sadyang kapre ka lang kasi kaya matangkad ka. Ikaw nga ang nanggugulo diyan eh..."
"Shut up!"
Na-pikon ako sa mga sinabi niya.
"Lorna, wag ka lalapit sa lalaking iyan, maniac iyan."
"Talagang di ako lalapit diyan, stranger siya para sa akin."
"Wag ka ring kakausap sa kanya, nagmumura iyan"
Tumingin sa akin ang babae na naka-evi smile.
"Nagmumura na nga, salbahe pa, maniac pa at kapre pa"
"Ewan ko sa inyo.."
Lumayas ako sa room at pumunta sa park. Hay... di ko talaga maiintindihan ang mga babae. Minsan pagniloloko mo, galit kaagad, pero pagdating sa iba, tuwang-tuwa... Grabe talaga ang mga babae ngayon. Bilang na lang kung sino ang totoo. Habang namamasyal ako, meron akong nakitang kuting. Cute pero parang nagugutom, buti dala ko ang baon ko. Binigyan ko siya ng kaunting pagkain.
"Wow... nagaalaga ka na pala ng pusa"
Tumingin ako sa likod ko. Malas na araw talaga. Nandyan na naman ang kaaway ko. Ano na naman kailangan nito. Di ko siya sinagot at pinakain ko na lang ang pusa.
"People change nga naman. Naging snobber ka na ha.."
"Kung wala kang sasabihin, lumayas ka na. Kundi baka masapak ko yung mukha mo."
"Naiingit ka lang sa akin dahil pogi ako, even mga ibang lalaki nababakla na dahil sa kagwapuhan ko."
Ang feeler naman nito. Akala mo naman kung sino kaya ayoko siyang kausapin. Ang yabang-yabang.
"Eh.. lumayas ka na, dahil iuuwi at aalagaan ko ang pusa." Tumayo na ako bitbit ang pusa ngunit nakaharang naman siya sa daanan, naka-evil smile pa. Anong araw ba ito. Lahat naka-evil smile? Nasasapian na ata sila.
"Lumayas ka na nga. Nakaharang ka diyan sa daanan"
"Eh, ayoko nga, sabihin mo munang nababakla ka sa akin."
"Hoy! Di ako tanga, bakit ko naman sasabihin iyon."
"Di ako aalis hangga't di mo pa nasasabi. Kung sana all boys-school to, mas marami nang nabakla sa akin.."
Ngayon nakatayo ako dito, naghihintay ng milagro, until sumulpot ang babaeng demonyo.Malas na malas na ang araw ko.
"Ah nandito ka pala Mr.Kapre. Ibigay mo sa akin ang pusa ko.."
"Ano! Pusa ko ito. Inaalagaan ko siya, di tulad mo, burara."
"Aba! May gf ka na pala..."
"Hoy! Manahimik ka Mr.Giant Kapre. Wag kang makisabat dito at kahit kailan di ko siya bf."
"Walang hiya kang babae ka! Tinawag mo akong kapre sa pogi kong ito? May pangalan ako!"
"Pake ko! Mas bagay nga sa iyo tawaging Giant Kapre. Para sa akin, di ka naman pogi"
Tumawa ako ng napakalakas. Narinig naman ng dalawa.
"Hahahaha, ako na nagsasabi sa iyo ang panget mo, sino pang magkakagusto sa iyo.."
"Puta! Siya lang ang nagsabi sa akin iyon."
"Hoy! Mr. Kapre, baka nakakalimutan mo na? Ang pusa ko akin na. Iyan ang hinahanap ko kaninang umaga."
"Ayoko!, ako nag-alaga dito."
"Babae, sino ang mas pogi sa amin, ako na napaka-gwapo o ang kapreng iyon."
"Alam mo, parehas kayong kambal tukong kapre!"
"Ano sinabi mo!"
"Di mo ba narinig, bingi ka ata, sabi ko, kayong dalawa ay kambal tukong kapre, TAPOS!"
"Hoy!bawiin mo ang sinabi mo!"
BINABASA MO ANG
You and I, meant to be?
RomanceLaging sawi sa pagmamahal si Alvin. Siya ay laging busted until may nakilala siyang bagong kaklase at ang pangalan niya ay si Lorna subalit,ang kanyang kaaway na si Gray ay may gusto rin kay Lorna... Basahin ang nakakatawang love story XD