Mapapansin Kaya? (Part Two)

281 5 3
                                    

2 years.. 2 years na ang nakalipas simula noong nanaginip ako na sobrang ganda, sobrang pangit.

Hindi ko malimutan iyon kahit pilit ko na kinakalimutan.

Sa loob ng 2 years ay nagawa kong mawala ang feelings ko kay Drei. Sa loob ng 2 years ay binaling ko lang ang isip ko sa mga kaibigan ko.

Na-realize ko na, okay na ako kahit walang lovelife basta nanjan ang mga kaibigan ko.

Pero bakit ganun? Ang hirap pala kalimutan ang first crush. Ang hirap pala kalimutan ang taong ginusto mo ng sobrang tagal na taon.

Ang hirap pala..

Sana sa isang iglap ay mawala na ang lahat ng memories about Drei.

Sana.

Pag may mga kasama ko hindi ko siya naiisip, pero pag mag-isa na lang ako. Walang kasama, naiisip ko siya. Mahirap pala pag ako lang ang mag-isa. Kung ano-ano ang naiisip.

Nagiging madrama na ang storya ng buhay ko. Masakit pala pag umibig ka ng sobra no?

Sana hindi ko na lang 'to nararamdaman.

Sana kaparehas ako ng mga babae na sobrang bilis makalimutan ang mga memories nila tungkol sa past nila.

Pero, iba ako sakanila. Ibang-iba. Pero kung magkakaroon ako ng chance na may ma-erase sa buhay ko, iyon ay ang magkagusto sa taong napaka mandhid. Sa taong kahit kailan ay hindi ka magugustuhan.

"Eya!" Napalingon ako sa babaeng tumatakbo pa punta sakin.

Nakita kong madami silang tumatakbo papunta sakin.

"Hi!" Bati ko sakanya. Sobrang na e-excite akong pumasok dahil first day namin ngayon.

Sana maging okay ang lahat.

Kakabalik ko lang sa Pilipinas last week. 8 months kasi ako sa Canada.

Na miss ko ng sobra ang mga kaibigan ko!

"Omy! Na miss kita inday!" Tuwang-tuwang sabi ni Sandra.

"Kamusta buhay sa Canada? Hahahahaha!" Niyakap ako ni Mei.

"Loka-loka!" Yumakap din ako sakanya.

"Chocolates ko!?" Sabi ni Monica.

"Naubos ko na eh!" Tumawa ako.

"Waaaah! Madaya! Madaya!" Sabi niya.

"Joke lang! Syempre di ko uubusin yun hahahaha!" May inabot ako sakanilang mga box ng chocolate.

"Waaaaah! Thankyou sissy!" Sabi ni Monica.

"Salamat dito inday!" Sabi ni Sandra.

"Group hug!" Sabi ni Mei.

Nag group hug kaming 4. Na miss ko talaga sila.

"Kamusta na kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ay nako! Yung isa jan luma-lovelife!" Sabi ni Monica.

Agad na nagtaka ako kung sino iyon. Sigurado ako puro asar matatanggap nun galing samin.

"Sino?" Tanong ko.

"Edi si Sandra! Ayiiiieee!" Inasar ni Mei si Sandra.

Aba! Luma-lovelife na pala ang isang 'to.

"Aba! Hahaha! Sino 'yang ma-swerteng lalaki?" Naka ngiti kong tanong.

"Wala--" Naputol ang sasabihin ni Sadra.

"Si Drei!" Sagot ni Monica.

Agad akong napatulala sa sinabi ni Monica.

Mapapansin Kaya? (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon