September 29, 2015
I woke up with a sad face, puffy eyes and a broken heart. Ngayon alam ko na ang feeling ng maiwan. It happened last night, at masaklap dahil anniversary namin ngayon.
I tried to save our relationship but I failed, paano pa ako lalaban kung ang ipinaglalaban ko ay sumuko na? Ang hirap di'ba? Ang sakit! So umuwi akong luhaan, pero ngayon hihintayin ko siya. At hindi ko hahayaang umuwi ulit akong nasasaktan, aayusin ko ang dapat ayusin.
Nag-ayos ako. I should look perfect today. Third anniversary na namin ngayon naging alanganin pa. But I won't lose hope. Darating siya, alam kong darating siya kahit tinapos na niya ang lahat sa amin.
Lumabas na ako at nadatnan ko si papa sa sala. Ang lungkot naman niya ngayon.
"Papa pupunta po muna ako sa resto ni tita Trina." lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Happy anniversary sa inyo ni Damon anak."
"Thank you po." I almost cried when he hugged me tighter. Kung alam lang niya na hindi na akin si Damon.
Pinakawalan na niya ako sa yakap at nilipat niya ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Ngumiti ako at nagpigil na tumulo ang luha.
Hinintay kong magsalita siya pero tumitig lang siya sa akin.
"Pa may problema ba? Anong nangyari?" nag-alala na ako nang tumulo ang luha niya sa harapan ko. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak kasi siya 'yung tipong hindi ipapakita sa aming mga anak niya na may problema siya.
Umiling siya at pinunasan ang pisngi niya. He seems so sad, and worried?
"Kung may problema ka wag kang mahihiyang magsabi kay papa ha? Nandito lang ako anak."
Na-touch ako at bigla ko siyang niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Alam ba niyang wala na kami ni Damon? Pero imposible. Hindi ko pa nasabi sa kahit kanino ang tungkol sa break-up namin. Baka na-sense lang niya na may problema ako. Ganun nga siguro ako kadaling mabasa.
Hinaplos niya ang buhok ko, pinunas ko naman agad ang luha ko at nginitian siya.
"I'm okay. Okay na okay ako Papa." pinilit ko ulit ngumiti, mabuti nalang at nakangiti na rin siya. "Sige po aalis na ako. Baka dumating si Damon at umalis agad kapag wala pa ako doon."
Dumeretso na ako sa gate at kumaway nalang kay papa bago lumabas.
"Hi Juls." bati agad ni Tita Trina pagpasok ko.
Nginitian ko siya at kinumusta. Mabuti naman at nandito siya ngayon. Madalas kasi siyang wala dati, at sa halos tatlong taon naming relasyon ni Damon, dalawang beses pa lang sila nagkita at parehong saglitan lang.
Biglang sumeryoso ang mukha niya nang mabanggit ko ang pangalan ni Damon.
"Oo nga pala, happy anniversary Juls. May date ba kayo ni Damon ngayon dito?" tumango lang ako habang pinaglalaruan ang bulaklak sa counter.
Yumuko si tita sandali at nang nag-angat siya ng tingin ay pilit siyang ngumiti. Parang ganito rin si papa kanina ah.
"Pumwesto ka na doon sa spot niyo. Tawagin mo lang ako kapag nagugutom ka at dadalhan na kita ng pagkain."
"Sige po tita." umupo ako sa tabi ng glass wall kung saan kami madalas umupo ni Damon kapag dito kami magdi-date.
Pinaglalaruan ko rin ang bulaklak sa table habang naghihintay. Tinignan ko ang wristwatch ko, saktong 9:00 am.
Isang oras. Tuwing napapalingon ako kay tita Trina nginingitian niya lang ako kaya nginingitian ko rin siya.
Dalawang oras pa lang ang lumipas. Baka lunch na siya pupunta rito at sabay kaming kakain.
Midday na. Napabuntong hininga ako pero ngumiti pa rin. Dumarami na ang customers ni tita, mabuti nalang at maluwang dito at maraming tables.
Lumipas ulit ang isang oras at mas dumami ang mga tao. Halos magkaubusan na ng uupuan. Muntik na rin akong napaalis sa pwesto ko ng isang babae dahil hindi naman daw ako kumakain at parang tumatambay lang naman daw ako. Mabuti na lang at dumating si tita Trina kaya hindi nila ako napaalis, siya pa ang nag-sorry sa akin.
Damon, nasaan ka na ba? Sana naman pumunta ka dito kahit ngayon na lang ulit.
Naramdaman kong malapit na namang tumulo ang luha ko nang may lalaking nagtanong kung pwede maki-share ng table. Napatingin ako sa kanya at tila umurong ang luha ko.
Nagdalawang-isip pa ako kung papayag ako kasi baka biglang dumating si Damon at iba ang maisip niya.
"May kasama po kasi ako eh." tumingin naman siya sa paligid at ganun din ang ginawa ko.
Pero wala nang bakanteng upuan kaya pumayag ako. Siguro naman mabilis lang kumain 'to kasi lalaki naman siya.
"Thanks." nginitian ko lang siya.
Saka ko lang napansin na may hawig pala sila ni Damon. Mukhang mas matanda lang ito dahil sa bigote niya at may scar siya sa noo. Pero parehas na parehas sila ng mata.
"Sorry Miss pero hindi ako makakain nang may nakatitig sa akin." feeling ko namula ako sa hiya.
Lumingon ako agad sa labas at narinig ko pa siyang tumawa. Pati tawa ba naman parehas sila ni Damon? Wala namang nasabi sa akin si Damon na may kuya siya, wala naman siyang kapatid.
Binalewala ko lang ang naisip ko at hinintay na lang si Damon habang kumakain 'tong nasa harap kong lalaki.
Isang oras ulit ang lumipas pero wala pa rin siya. At 'tong nasa harap ko hindi matapos tapos sa pagkain. Nag-order pa kasi ng cake kaya napatagal pa. Napansin kong tumitingin siya sa akin at saka ngingiti. Naiirita ako pero hindi ko siya magawang paalisin. Marami na ring vacant tables pero nandito pa rin siya sa table ko.
"Ah kuya, baka gusto mong lumipat ng table. Marami nang bakante o." tinuro ko 'yung mga bakanteng tables pero nakatingin lang siya sa akin nang nakangiti.
"Patapos na rin naman ako." sinubo niya ang natitirang cake sa plate niya at nagpunas ng dumi sa bibig. "O di'ba tapos na. Anyway, thanks sa pag-share ng table."
Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. Nakangisi kasi siya at ang tingin ko ay isang playboy ang kuyang 'to.
"I'll go ahead." tumango lang ako pero natawa pa siya ng mahina bago umalis. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan ng tingin hanggang sa nasa door na siya kaya kumaway siya sa akin bago lumabas.
"Weird playboy." bulong ko sa sarili.
Linapitan ako ni tita Trina at tinanong kung ano ang gusto kong kainin. Nag-order nalang din ako, nagugutom na rin kasi ako at para may energy ako pagdating ni Damon. O kung darating pa ba siya.
Natapos na akong mag-lunch at nag-merienda pero wala pa rin siya. Alas singko na ng hapon pero wala pa rin. Naghintay ako hanggang alas otso ng gabi pero walang Damon na dumating.
Hihintayin ko pa siya ng isang oras. Alam kong darating pa siya. Nag-break kami pero dahil lang 'yun sa hindi namin pagkakaintindihan. Hihintayin kong puntahan niya ako rito at maayos namin ang relasyon namin.
Nakapatong ang dalawang kamay ko sa table at nakapatong naman ang ulo ko sa braso ko. Hinihintay ko pa rin siya.
"Juls, 9:00 pm na, isang oras nalang magsasara na kami. Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" lumingon ako sa labas at madilim na.
Tinignan ko si tita Trina at tumulo agad ang luha ko. Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. Hinaplos niya ang buhok ko gaya ng ginawa ni papa.
Hindi siya dumating. Hindi na nga siguro niya ako mahal. Pinaasa ko lang ang sarili ko na pupuntahan pa niya ako.
Naiinis ako kay Damon dahil napakadali para sa kanya na itapon ang pinagsamahan namin ng ganun lang. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil ako mismo ang nagpapaasa sa sarili ko.
Inihatid ako ni tita Trina sa bahay at nakita ko agad si papa na nag-aabang sa gate. Niyakap ko siya agad at pinatahan naman niya ako. Dinala niya ako sa kwarto ko at hindi niya ako iniwan.
"Hindi ka iiwan ni papa anak. Nandito lang ako. Iwan ka man ng lahat ng tao, nandito pa rin ako sa tabi mo."
Hinalikan niya ako sa noo habang hawak niya ang kamay ko. Mas lalo akong naiyak at hindi napansing nakatulog na ako.

BINABASA MO ANG
Memories
RomantikWhat could be worse than not remembering everything and not being able to forget one thing? Inspired by: 50 First Dates © March 2016