September 30, 2015
"Dude, lunch break na. Sama ka sa amin?"
Liningon niya ang kasamahan niya sa trabaho at umiling.
"May pupuntahan akong resto."
"Naks. Mga ngiting ganyan eh. Babalikan mo 'yung babaeng naka-share mo ng table kahapon?" ngumiti lang siya kaya tumawa ang kaibigan niya bago nagpaalam na aalis na.
Three months pa lang siya sa trabaho pero may mga kaibigan na siya doon. Inayos niya ang mga gamit at pupunta na sana sa resto nang tumawag ang kanyang ama.
"Hello Pa?" naiilang niyang sagot sa tawag.
"Anak nagluto ang mama mo ng adobong manok, baka gusto mong mag-lunch dito sa bahay."
"Hindi na po. May kasama na akong mag-lunch." anim na buwan na ang lumipas pero may ilang pa rin siya sa mga magulang niya.
"O sige, mamayang gabi mo na lang kainin 'tong paborito mong ulam. Ingat ka anak."
"Opo salamat."
Binaba niya ang cellphone niya at pumunta na sa kotse niya. Fifteen minutes na byahe ang layo ng office niya sa restong pupuntahan. Nahanap niya lang iyon kahapon nang inihatid ang kaibigan sa bahay nito.
Um-order na siya at nakita niya naman agad ang babaeng nag-share ng table sa kanya kahapon. Nilapitan niya ito habang seryosong nakatingin sa labas ang babae.
"Hi. Pwede ba ulit maki-share?" nabigla ang babae sa sinabi niya, napansin niya iyon kaya lumaki ang ngisi sa labi niya.
Hindi naman sumagot ang babae ngunit kumunot ng noo nito. Nagtaka siya pero inilapag na lang ang pagkain niya sa table nila.
"Excuse me kuya. May kasama kasi ako." ngumiti lang siya.
Inisip niya na gumagawa na naman ng alibi 'yung babae para mapaalis siya. Inisip na rin niyang naiilang ang babae at malamang na may gusto sa kanya ito.
"That's what you said yesterday. Pero--"
"Excuse me? Yesterday?" putol ng babae sa sinasabi niya.
"Yes. Nakiupo ako dito yesterday. Sabi mo may kasama ka. Two hours akong naki-share sa table mo pero wala namang dumating." kumunot lalo ang noo ng babaeng kausap niya at mukhang galit na ito.
"Are you hitting on me?" nabigla siya nang biglang tumayo ang babae.
"Uhm no. I- I'm just telling you what happened yesterday." kumunot na rin ang noo niya dahil parang hindi man lang siya mamukhaan ng babae.
"Huh! Of course you're hitting on me. FYI mister, I wasn't here yesterday kaya walang katotohanan 'yang sinasabi mo." mas lalong kumunot ang noo niya at bago pa siya magsalita ulit ay nasa harap na niya ang may-ari ng resto at tinulungan na siyang dalhin ang pagkain niya at hinila siya paalis.
Mas lalo siyang nagtaka nang mag-sorry ang humihila sa kanya sa babaeng sumisigaw na kanina.
"I'm sorry Juls." sabi ng babae.
Dinala siya ng babae sa isang table na malayo sa babaeng tinawag na Juls.
"I'm sorry about that Sir. It's just.. It's.." mukhang hindi mahanap ng babae ang tamang salita kaya nagsalita na rin siya.
"She doesn't remember me. Pero totoong naki-share ako ng table sa kanya kahapon Miss. Bakit sinasabi niyang wala siya rito kahapon?" bumuntong hininga ang babaeng kausap niya.
"Mahirap kasing i-explain. But Juls, she's sick." mas lalo siyang nagtaka sa nalaman pero hindi pa rin maintindihan kung bakit hindi makaalala ang babae kung may sakit lang naman ito.

BINABASA MO ANG
Memories
RomanceWhat could be worse than not remembering everything and not being able to forget one thing? Inspired by: 50 First Dates © March 2016