DayDreaming

52 1 0
                                    

Sa bawat pag gising, pag kain, pag ligo, pag tulog, pag gising ulit. pag kain ulit tapos pag tulog nanaman. nangangarap ako. na pinayagan mo kong ligawan kita. kaya nga nangangarap . lahat happy ending. syempre dun sa kwento buo ng utak ko. ang ending sinagot mo ko. so alam mo na kung gaano ako ka assuming. yun naman talaga gusto ko mangyari. real talk. kaya nga di mabura sa isipan ko ung pangako ko sayo na pag nagkatrabaho na ko. hahanapin kita. real talk ulit. oo hahanapin kita. syempre pag nakita na kita. syempre bibili ako flowers. pero hindi na ata uso flowers. kasi hindi naman nakakain un. chocolate nalang siguro para mas masarap. syempre magpapa kilala muna ako sayo bago ko ibigay ung chocolate kasi siguro sa panahon na un. nakalimutan mo na ako. pero ang masaklap siguro pag pupunta na ko sa kinaroroonan mo may kasama kang iba. yun lang. lagi kong iniisip un. pero laging tumatatak sa isipan ko. "WALANG FOREVER". think positive lang. pasensya na gumawa ulit ako bagong chapter. kung mabasa mo man.. antok lang siguro to. pero real talk to. wala e. hanggang tingin lang naman ako sa mga pictures mo sa fb e. sa tuwing nakikita kong may kasama kang lalaki sa pictures mo. hindi ko maiwasan mag selos. kahit hindi karapat dapat. nag aassume nanaman ako. takte. 11:31 pm na. tutuloy ko pa pag dadrama ko.


11:45 pm. wala na akong maisip. hindi ko na kaya gutom nako kain muna ko. bukas nalang ulit. good night.


Dear Dream Girl (K-B-Q)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon