Time, 5:08AM
"Umaga na naman."
Bumangon na ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw mula sa bintana.
Isang pangkaraniwang araw.
Ako si Sally. Isang ordinaryong babae sa mata ng ibang tao.
Pero, hindi.
Hindi ako isang ordinaryong babae. May mali sakin. May kakaiba. May mga bagay na nangyayare sakin na ako lang ang nakakaalam.
I can time travel.
Hindi ito madaling paniwalaan kaya nagpasya akong huwag na sabihin kina mama't papa.
Nagsimula ito nung ika-12 birthday ko. Every 12o'clock ng wednesday nagsisimulang magbago ang oras sa paligid ko.
Nung una natakot ako. Kasi ang bilis ng mga nangyayare. Nakakahilo para kang nasa rollercoster. After nun, maninibago kana lang kasi iba na ang setup ng paligid mo.
Weird siya sa umpisa pero nasanay nalang ako. Natutunan ko nalang din controlin ang date at kung hanggang anong oras lang ako dapat mag stay. May bad effect din kasi once na sumobra ka sa time limit. It's either sasakit ulo mo, mahihilo o mawawalan ka nalang ng malay.
Iniisip siguro ng iba cool ang magkaroon ng ganitong ability. Siguro sa simula oo pero habang tumatagal hindi na e.
In my case kasi, parang hindi na normal ang takbo ng buhay ko. Nakakalimutan ko na minsan ang real world.
Gusto ko nalang maging normal. Yung tipong dimo inaalala tuwing darating ang wednesday. Yung tipong tuloy lang ang daloy ng buhay mo. Yung hindi mauudlot kasi walang time travel.
Sana andito si Jack, ang tanging nakakaalaam ng time travel ability ko.
BINABASA MO ANG
12o'clock
FantasyMeet Sally. Isang ordinaryong babae sa paningin ng iba subalit may kakaiba sakanya. May kakayahan siya na siya lamang ang nakakaalam.