BNA #2

95 4 0
                                    

(A/N: please read my other stories entitled For sale: a broken heart and one of the boys. Thank you!)

Kathy's POV
_______________

Ilang araw na simula noong nakilala ko si Devant. Naging close agad kami kasi halos araw-araw magkasama kami..

Sa recess, lunch,uwian sabay kami palagi. Pareho kami ei, mga outsiders...

"Kathy!" napalingon ako sa tumawag.

"Oh Devant! Bakit?" tanong ko, may dala siyang parang gift bag, ano kayang mayroon?

"K-kathy kasi ano.. P-ara sayo! I-ikaw kasi yung only friend ko dito!" sabi niya at inabot ang gift bag sa akin, napangiti ako..

"Salamat ng marami Devant! Na-abala pa kita. Sa susunod ako naman ang magbibigay sa'yo ng regalo.." sabi ko at pinasok ang regalo niya sa bag ko.

Nagkwentuhan kami ni Devant bago tumunog ang bell senyales na time na, sabay kaming naglakad sa hallway at naghiwalay pagdating sa kanya-kanya naming classroom...

Magkaharap lang kasi ang room ng section A-1 & A-2 :)

"Bye Kath! Sabay ulit tayo lunch ha!" sabi ni Devant. Tumango lang ako at nginitian siya..

Kung tutuosin, mabait naman si Devant. Pwede na din siya maging heartthrob ei! Kung di lang sana siya binubully, hayys..

"Ay! Nandito na si Kathy Malandi asawa ni Devant ampon! The mischievous couple!?" Si Zeah at binira buhok ko..

"A-aray Zeah!" kakapasok ko pa nga lang away na agad ang nakita ko!

"Oo nga! B*tch, sabagay bagay naman kayo ni Devant! Isang Slut at isang Coward!" Dugtong ni Ally at tinulak ako dahilan upang mabunggo ang likod ko sa board..

"Urgh..." napaungol ako sa sakit, at ngayon unti-unti ng nakuha ang atensyon ng buong klase..

"Kaya hwag ka ng pumalag sa gagawin namin Kathy! BAGAY NAMAN 'TO SAYO!!" sasampalin sana ako ni Zeah kaso hinawakan ko ang kamay niya bago pa man ito mapunta sa mukha ko.

"T-tama na!" buong tapang kong sabi, pinta sa mukha nina Zeah pati na rin ng mga kaklase ko ang gulat..

"OH ANO NA!? RERESBAK KA NA!?!!?" sigaw ni Zeah at sinampal ako sa kabilang pisnge, malutong sampal!

"T-tama na Zeah.. Pl-please! Maawa ka!!" sabi ko at lumuhod sa harap niya, nakita ko siyang nagsmirk...

"Ang mga katulad mo hindi dapat binibigyan ng AWA! Grabe, b*tch siguro ang mom mo at dun ka nagmana..." biglang nagpanting ang tenga ko nung sinali nila si mama..

"Oo nga Zeah ei! Baka papa niya din ei low-class b*tches ang choices kaya napili mama niya. Hahaha.." pag sang-ayon ni Ally at tumawa kasama ang buong klase...

Napayuko ako....

Kumukulo ang dugo ko!!

"Oh ano? Wala ka ng mabuga!? Dapat kasi marunong kang lumugar!!!!" sabi ni Ally at hinawakan ako sa chin at pinataas ang ulo ko dahilan para mag-eyes to eyes kami..

"Ang landi mo!" sabi ni Zeah at sinampal ako! NAPAKALAKAS NA SAMPAL!

Natumba ako pero ngayun iba na ang naramdaman ko..

Sumsobra na sila!!

Galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon!!!!

tumayo ako at tinulok sila, kita-kita ko ang takot sa mukha nila...

"TAMA NA!!!!!!" ubod ng lakas kong sigaw, kahit nga yung mga taga section A-1 ay pumunta na sa pinto ng classroom namin para makitsismis..

Kitang-kita naman sa mukha nina Zeah ang gulat. Di ako lumalaban ei! Ngayon lang!

"OH ANO NGAYON!? OKAY NAMAN SANA EI KUNG AKO LANG ANG IBUBULLY NIYO!! HWAG NA HWAG NIYO LANG PAKI-ALAMAN PATI ANG PAMILYA KO!! BWISHT KAYO! MATANONG NGA? BAKIT BA KAYO NAPAKAMANGHUSGA! BAKIT PERPEKTO BA KAYO HA!? SANA NAMAN BAGO KAYO MAMBULLY ISIPIN NIYO MUNA ANG TOTOO NINYONG BAHO!" sigaw ko at umalis ng classroom, inalis ko ang mga taong nakaharang sa pinto pati na rin sa hallway..

'sumusobra na talaga sila!' isip ko at pumunta sa mini-garden ng school, umupo ako sa isang cemented bench sa gilid ng isang puting fountain...


Basa...

Basa yung blouse ko! Di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, ang sakit! Ang sakit sakit :'(


Ba't ba sila nambubully? Porket ba mahirap ako gaganyanin nalang nila ako!? Balang araw babalik din yan sa kanila..

"K-kathy...." napatingin ako sa tumawag, si.....Devant??


"o-oh bakit?" tanong ko at pinunasan ang mga luha ko, mukhang badtrip si Devant kasi bakas sa mukha niya ang galit..


"Bakit ganon sila!? Bakit pa kailangan nina Chester ipakita ang mga 'yon!!" galit na bigkas ni Devant at umupo sa gilid ko..


Si Chester At ang tropa niya ang number one bully sa section A-1 gaya nina Cyrus..



"Bakit anong nangyari?" tanong ko sa kanya, mukhang galit na galit kasi siya..



"Si Chester kasi! Kaninang umaga pagpasok ko sa classroom tumambad sa akin ang blackboard na puno ng photo copied papers ng contract ng pag ampon ko! Bakit ba ganon? Bawal ba maging ampon!" sigaw niya at sinuntok yung water fountain sa gilid ng bench at nasugatan ang kaliwa niyang kamay..



"D-devant, huminahon ka. Wala naman tayong magagawa ei.." nakayukong sabi ko, tumutulo naman ang mga luha ko..



Biglang sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko...


"oo, nga wala tayong magagawa.." sabi niya at linagyan ng panyo ang sugat niya.."PERO MAY ISA TAYONG PARAAN.."


Napatingin naman ako sa kanya, "Huh? Ano yun?"



"Ang tawagin si Anna...."




____________________________
END OF CHAPTER



Hi readers! Sorry talaga matagal akong di naka-UD :( Busy kasi ei Hell week kombaga! =____=



Anyway, next chapter na talaga ang summoning ni Anna! Pramis :*


Kaya abang-abang!



Please comment din :) kahit di na kayo magvote! Comment lang, na-iinspire kasi ako sa pagbabasa ng comments ninyo!



That's all :* Jal Jinae *0*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bulong ni AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon