Prologue II

4 0 0
                                    

His POV

"Jas." tawag nya.

"ANO BANG NAGAWA KO SA INYO?!"

"BAKIT... BAKIT KAMI PA?! BAKIT?!"

"TANGINA NYO! MAGBABAYAD KAYO MGA HAYOP KAYO!"

Nagising ako at agad bumaba sa kusina para makakuya ng maiinom.

Shit. Yung panaginip na yun.

Pawis na pawis yung noo ko dahil dun.

Gabi gabi na lang. Hanggang ngayon ba naman?

Bumalik na ko sa kwarto at nahiga sa kama. Nakatunganga ako habang iniisip yung nga napanaginipan ko.

"ANO BANG NAGAWA KO SA INYO?!"

Ano nga ba?

"BAKIT... BAKIT KAMI PA?! BAKIT?!"

Bakit nga ba?

"TANGINA NYO! MAGBABAYAD KAYO MGA HAYOP KAYO!"

Hays. Shit talaga.

Pwede bang mamatay na lang ako? Ngayon na? As in ngayon na talaga? Bullshit.

Napatigil ako sa pagiisip ng magring yung phone ko.

Aba. Tumingin ako sa orasan. Alas onse na ah?

Tiningnan ko kung sino yung tumawag.

Ryle calling ....

"Hello?"

[Dude! San ka?]

"Sa bahay. Bakit?" Anong kailangan nito?

[Si Claire tol! Nakipag away sa may bar malapit lang sa inyo!]

"Anak ng- Kanina pa?! Bat ngayon mo lang sinabi?!"

[Ngayon ko lang--] I hung up. Di ko na sya pinatapos at mabilisang nag ayos.

Shit Claire! Ano na namang gulo ginawa mo?!

Tinakbo ko na hanggang 635 Bar sa may pangalawang kanto samin.

At pagdating ko dun nakita kong nasa ilalim si Claire habang sinasabunutan sya ng babaeng nasa ibabaw nya.

Nalintikan na.

Her POV

"WHOOOO! ENJOY GUYS! DRINKS ON ME!" sigaw nung sa kabilang table kung saan ako nakaupo.

"WHOOO!" sigaw ng halos lahat ng nasa bar.

Wow. Ang saya nila. Katuwa naman.

Tinitigan ko yung wine ko at pinaikot ikot yung hintuturo ko sa bunganga nito.

Haay. Dapat pala di na ko bumalik dito.

Ang tanga ko talaga.

Napapikit ako ng mariin at hinilot yung sentido ko.

"Nandito ka lang para sa shoot. Sa shoot lang. Wala ng iba. Ok?" bulong ko sa sarili ko.

Napadilat ako at may nakitang isang pamilyar na babae.

Napakunot yung noo ko. Kilala ko to eh. Ugh.

Maya maya may lumapit sa kanyang isang maganda at matangkad na babae. Ngumiti sya ng pilit dun sa babaeng pamilyar.

Woah. Plastik nitong gagitang to ah?

Nagulat ako ng biglang sabuyan ni Ganda si Pamilyar ng wine.

Hehe. Di ko talaga sya maalala eh.

Tapos sinuntok ni Ganda si Pamilyar.

Nagulat ako ng natanggal yung ilong ni Pamilyar.

Aba tangina. Retokada.

Napatayo ako ng magsimula na silang magsabunutan.

Ay tangina. Sabunutan lang? Mas maganda suntukan.

"HOY! ANO HANGGANG SABUNUTAN NA LANG KAYO?! MAGSUNTUKAN KAYO PARA MAS SULIT!" sigaw ako at sinusuntok sa ere yung mga kamao ko.

Napatingin sakin yung ibang lalaki ng may pagtataka.

"Ah. Hehe. Sorry.' dahan dahan kong binaba yung kamao ko at tiningnan na lang yung dalawa.

Napatigil ako ng may sumigaw sa pangalan kay Pamilyar.

"CLAIRE!"

Claire?
...
..
.
Napasinghap ako ng marealize ko kung sino yun.

Napatitig ako dun sa babae at nagsimulang mamuo yung galit sa akin.

Pwede ba ko sumali sa sabunutan na yan?

His POV

"HOY TAMA NA YAN! ANO BA?! HOY MISS TIGILAN MO NA --" hinihigit ko yung sumasabunot kay Claire kaso nasuntok lang ako.

"Aray!" napahawak ako sa ilong ko.

Pinaghiwalay sila nung dalawang bouncer at pinaalis yung babaeng nanabunot.

Napatingin ako kay Claire na umiiyak at dinaluhan sya.

"Claire.. Stop crying.." sabi ko habang tinatahan si Claire.

"I don't... Get her... Ano bang .. Ginawa ko sa kanya?" sabi nya at nagpatuliy sa pag iyak.

Habang pinapatahan ko si Claire, napatingin ako dun sa babaeng masama ang titig samin.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko sya.. ulit.

Nakatitig sya sakin ng masama. Oh shit .

Naglakad sta palabas ng bar at tuluyang nawala sa paningin ko.

After 7 years.. Nakita ko sya ulit.

Gumanda sya lalo. Mukha na syang mayaman. Tumangkad na din sya. Pero.. Hindi na sya yung dating sya na kilala namin.

Naiintindihan ko. Alam ko.. Ako naman talaga may kasalanan eh.

Nagbalik na sya. Di ko alam kung pano to.

Pero isa lang ang sigurado ko.. Handa na ko sa kapalit.

--

Author's Note

Hallooooow. Sana nagustuhan nyo. Ewan ko. Baguhan lang ako eh. Huhu. Nainspire kasi ako.

Sorry na kung may mura. :< Kasi naman. Huehue. K. Kayo na bahalaaa~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When He met SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon