Stolen Pictures

19 0 0
                                    


"Steff pahiram na kasi ng cellphone mo" kainis naman ng mga classmate to oh.

Cellphone ko ba naman ang gustong pagtripan nila. Mga walang magawa sa buhay...psh

"Ang kulet nyo. Di nga pwede"

"Eh bakit nga. Ano ba itinatago mo dyan??"

"wala no, ayaw ko lang" ayaw ko nga pahiram baka makita ang stolen shots ng crush ko... naku baka sabihin nila na stalker ako

nuh-uh...( >_ >) (

ayaw ko nga sabihan ako nyan dahil isa lamang po akong dalagang filipina na nagkakacrush sa isang gwapong nilalang na nagngangalang Versan...hahaha OA na kung OA

"Good morning class" bwahaha salamat talaga kay Miss Santiago at natantanan ako ng mga classmates ko. Ayun baabush na sila sa at bumalik sa mga upuan nila

Natapos ang isang araw na nakakapagod... pinagself study daw ba kami ng Trigonometry sa library. Nalito tuloy ang brain cells ko sa mga pagsolve ng mga solutions na mag-isa... Haiii!!! NAKAKABUANG

--------

"Stephanie kakain na" ohkies kainan na pala...

saya ng hapunan namin lalo na at nakauwi si Papa ng maaga galing sa trabaho. Pumasok ako sa kwarto pagkatapos pero teka o_O

ngayon ko lang napansin

NAWAWALA ANG CELLPHONE KO????!!!!

Hanap dito..hanap doon

ilalim ng kama

sapatos

bag

closet

notebook

basurahan

Yaaaahh HINDI KO MAHANAP!!!

Nasaan na ba yun??!

huhuhu... wala na ang pictures ni Versan huhuhu

patay rin ako pag nakita ang stolen pictures ng labydubs ko huhuhu :'(

Pagkatapos ng matinding paghahanap at masinsinang pag-iimbestiga sa mga kapatid ko... nagpaka Gas Abelgas na ako pero Wala pa rin!!

saan ko ba nalagay yun??

Makatulog na nga lang para sa isang beauty sleep. Pero bukas talaga hahanapin ko talaga iyon

--------------

Morning comes. Eto talaga ang 'greatest hanapan day' sana lang talaga at walang makakita nun.

Nagmadali akong pumasok ng school. Nagtaka nga si Mama na maaga akong pumasok sa gayong late ako palagi. Sensya naman at wala sa vocabulary ko ang pagkamaaga sa school. hahaha

pero ngayon talaga lulunukin ko ang vocabularyong yan.

(diba pride yun?? hahaha)

naghanap talaga ako kung saang kasulok-sulukan ng room namin pero bakit wala pa rin.

"Aba may himala nga" si Danica na kakarating lang din...pangiti-ngiti pa na lumapit sa akin.

"che!! manahimik ka" pagsusungit ko.

"anyare sayo?"

"nakita mo ba phone ko?"

"kaya pala ang aga mo ngayon. Yun ba yung samsung packet mo na white?"

"oo"

"nasa..."

"saan???"

"aie halatang di ka excited no"

Napapout lang ako. Yehey makikita ko na phone ko.

"nasa section A"

Section A

Section A

Section A

=-O

Kyaaahh!! ngayon lang nagsink-in sa mind ko. Yun yung section ni mylabydubs eh...pano napunta yun sa section A??!!

Napadukmo ako sa desk ko. Haaa!!!

ano na gagawin ko?

"Akala ko ba excited ka makita phone mo... kunin mo na dun sa kabilang section"

"Eh teka pano napunta yun sa kabilang section?"

"Naiwan daw sa library ng may-ari"

Halaa!! dun lang pala yun pero segi pupunta ako sa section... for the sake of the stolen pictures ko.

Habang naglalakad ako sa corregidor mas lalong

dug.duG.dUG.DUG

lumalakas ang heartbeat ko. Wahh kinakabahan talaga ako maraming what if's ang nasa isip ko

What if ang nakakuha nun ang etchusera o etchusera??

What if ipakita nila iyon kay Versan ang stolen pics ko??

huhuhu...

Eto na:-X bahala na ang one direction

One direction talaga eto para makuha ang phone ko

tok tok tok

nakita ko na nag-iisa Siya. Alam niyo na kung sino pero bakit??

"excuse me?" napansin niya ako kaagad

"ye-yes" ^_____^

"uhm may nagsabi sa akin..."

"yung phone ba hinahanap mo na maraming pictures ko. Ikaw ba may-ari?" OHEMMGEE NAKITA NIYA??!

NNOOOOOoooo

"Excuse me" aie leche nakatulala na pala ako at di ko namalayan na nasa harap ko na siya.

DUG.DUG.DUG

"Eto" iniabot niya ang isang phone.

"Teka hindi naman to sa akin ah... white ang color ng phone ko"

"pwede buksan mo for me" ano siya handicapp? Nagpout siya...aawww ang cute^u^

|||napasmile ako|||

kinuha ko at binuksan.

picture ko lahat nakalagay mapalocker, wallpaper at pati sa gallery.

AT PURO STOLEN PICTURES

"Si-si no may-ari ng ph-phone nato?"

"ako. Maganda ba ang pagkakuha?"

"bakit?" puzzled talaga ako.

"Matagal na kitang gusto Stephanie Vicente. Simula ng magkasama tayo sa MTAP"

ako?? nganga. Walang lumalabas ni isang word

"Mahal kita"

"Mahal din kita" tae!! kusang nagsasalita ang bunganga ko. TAE TALAGA, LUPA LAMUNIN MO NA AKO AS IN NOW NA!!

"oh eto quits na tayo sa pangunguha ng stolen pictures" binalik niya sa akin ang phone ko habang nakangiti

"Salamat"^____^

"walang thank you kiss?" nakangiting aso na siya ngayon.

"kiskisin mo mukha mo"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Can I court you?"

"probably"

---fin-------

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon