Nasa second floor kami ng kaibigan ko nung mangyari yung araw na yun. Galing kaming canteen nun para bumili ng makakain at nung pabalik na kami dun ko siya nakita.
Paakyat kami ng hagdan nun tapos siya naman ay pababa. Hindi ko maiwasang titigan siya at dun ko lang napagtanto na may gusto na pala ako sakanya.
Hanggang pagbalik namin ng room siya lang yung bukang bibig ko atsaka hindi ko siya maalis sa isip ko. Alam kong ang corny pakinggan pero yun yung totoo.
Ilang araw na ang nakalipas bago ko siya nakita ulit, pangumaga kasi yung pasok niya samantalang kami naman ay panghapon. Tuwing lunes pangumaga kami dahil sa subject naming tve, teachers month nun kaya may program.
Nasa baba lahat ng estyudante kaya naman nakita ko siya. Tinuro ko pa siya sa mga kaibigan ko para lang makita nila kung sino yung tinutukoy ko. Tinulak ako ng isa kong classmate pero mahina lang talaga yun pero sinadya ko talagang banggain siya.
Nung umakyat nga kami kinikilig pa ako eh tapos kinokonsensya ako nung mga kaibigan ko. Hahahaha! Recess time nung hinanap namin yung room niya, napuntahan na namin yung second at third floor pero hindi namin siya nakita, pupunta pa sana kami ng fourth floor kaso baka malate na kami.
Pababa na kami ng hagdan nung makasalubong namin siya. Naglakas loob na akong magtanong sakanya.
‘Kuya anong pangalan mo?’
Kinakabahan pa nga ako nun kasi mahiyahin talaga akong tao pero ewan ko ba baka sinapian ako ng kapal ng mukha!
‘Jefferson’
Ang saya ko nung nalaman ko na yung pangalan niya tapos hiningi niya yung number ko pero hindi ko binigay, pinalagay ko nalang yung number niya sa phone ko.
Naging magka-text kami kaya dun ko nalaman kung anong ugali niya hindi niya sinabi sakin pero napapansin ko lang.
Kaya mas maganda talagang kilalanin muna yung tao para walang masaktan sa huli. Mali yung porket gwapo gusto mo na agad yung iba nga mahal na eh.
-
The end.
BINABASA MO ANG
Stairway
القصة القصيرة(One shot story) Prologue: Crush? Ang sabi nila it's a strong feeling of love that only usually lasts for a short time. Ito yung naramdaman ko nung una ko siyang makita. Siguro nga tama sila na crush at first sight yung naramdaman ko. Aaminin kong n...