I'M IN LOVE WITH AN UGLY WOMAN
PROLOGUE
Paano kung mainlove ka sa taong kabaligtaran ng pinapangarap mo?
Pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko ang mainlove ako sa isang babae na napakapanget! Isang babae napakaraming pimples sa mukha na tila wala ng paglagyan. Isang babaeng napakatakaw na tila wala ng katapusan kung kumain, isang babaeng walang pakialam sa kanyang paligid at higit sa lahat ang babaeng kabaligtaran ng pinapangarap ko.!
Hi, I'm Ryem, i am 15 years old at a 3rd year student. Kilala bilang nag iisang heartthrob sa aming lugar. Napakaraming babaeng nagkakandarapa sa akin dahil sa aking kagwapohan ngunit sadyang napakapaet sa akin ng tadhana ng isang araw ay mainlove ako kay Yaga. Ang babaeng kinaiinisan ko at ayaw kung makita. Ang babaeng sinalo lahat ang kapangitan.
Subalit, paano ko kokontrolin ang pag pintig ng aking puso kung pangalan niya ang isinisigaw nito?
Chapter 1
RYEM'S POV
*Crrrrrriiiiiinnnnggggg.....
Halos tumalbog ang mga tutuli ko sa tainga ng tumunog ang alarm clock ko.Pasado alas sais ng umaga. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon dahil may long quiz kami sa math. Kung di nga lang terror yong math teacher naming ay di ako papasok. Bukod sa antok pa ako ay ayaw kong Makita ang nag-iisang kinaiinisan ko, si yaga. Ang babaeng saksakan ng pangit! Naiinis ako sa kanya. Ewan ko ba, wala naman siyang ginagawa sa akin pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya. Di dahil sa kakompetensya ko sya sa math. Dahil... ewan ko ba. Di ko alam ang sagot, basta ang alam ko, naiinis ako sa kanya. Inis na inis.
Nagmadali akong naligo at pagkatapos ay nagbihis ng uniform. Hindi na ako kumain ng almusal dahil mahuhuli na ako sa klase.Nasa tapat na ako n gaming gate ng mapansin kong wala pala akong I.D. Shit! Nakalimutan ko ang I.D ko. Paano na ako makakapasok nyan.? Napakalayo ng bahay kung babalik pa ako, mahuhuli ako sa klase.
Sinipat ko ang aking relo, baka sakaling abutin pa ng oras kung babalik ako ngunit limang minuto nalang ang natitira at magsisimula na ang klase.
"Manong guard plss. Nakalimutan ko lang I.D ko. May quiz kami ngayon, mahuhuli ako." Pagmamakaawa ko sabay smile.
"Hay, naku! Mr.Novaez Hindi gagana yang pagpapacute mo sa akin. Lumang style na yan." Grrr-nakakainis itong si manong gurad. Napakahigpit. Pag ako naging Presidente ng School Council, papasibak ko to sa pwesto.
Muli kong sinipat ang aking relo. Shit! 3mins nalang.
"Owh! Mr. Ryem Novaez, bat di ka makapasok? Wala ka na namang I.D?" shit! Kilala ko ang boses na iyon. Ang nag iisang panget na nilalang sa buong mundo Pag-samalas nga naman. Sa dinami rami ng makikita ko sa school na ito itong panget nato' pa? Kaya siguro ako minamalas dahil sa babaeng ito.
"Anong pakialam mo kung hindi ako makapasok?" madiin kong saad sa kanya.
"Oppss. Lalo kang gumagwapo pag galit ka! Hahaha I think you need my help." at nakuha pang tumawa ng mokong na to.
"NO WAY! Pag galing sayo wag nalang uyyy!"
"Sigurado ka?" at tumaas ang isang kilay nito.
"OO!" sagot ko.
"Okey, bibilangan kita ng lima, kung ayaw mo wala akong magagawa.... Isa." Panimula nito.
"Manigas ka!" saad ko. Ayaw ko talagang tinutulungan niya ako. Sa dami ng Estudyante ditto bakit sya pa?
"Dalawa" pagpapatuloy nito. Ngunit nagkunwari akong walang naririnig.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Ugly Woman (On Going)
RomancePaano kung biruin ka ng tadhana, yong taong gusto mo ay kabaliktaran ang ibinigay nito? Tutuloy ka ba dahil ito ang tinitibok ng puso mo o tatalikod ka dahil iba ang isinisigaw ng utak mo? Tunghayan ang kwentong magpapabago ng inyong pananaw tungko...