Chapter 3 -Bully-

11 0 0
                                    

Yung Nasa taas ayan po si Jesslie 😉
-----
MAINE's POV

"Good Morning anak!" Hindi ko siya napansin, yung tatay ko pala.. Hindi ko siya laging pinapansin. Bakit ko ba siya papansinin? Pinansin niya ba ako nung dating inaapi ako? Yung dating binubugbog ako? Hindi! Kasi andun siya sa kabit niya. Yung anak lang nung kabit niya yung palagi niyang pinakikinggan.

*FLASHBACK*

"AAAAAHHHHHHHH! Tama na pls! Ano ba nagawa ko sainyo?" -Maine
"Anong nagawa? Wala! Gustong gusto ko lang na pinaglalaruan ka! HAHAHAHA!" -Unknown

-Pagka-uwi sa bahay-

"Dad! [Umiiyak] Dad!"-Maine

"Alis muna ko, si yaya nalang kulitin mo.. Busy ako!"-Maine's Dad

*End of the Flashback*

Ang sama nila! Hindi ko kakalimutan yung mga mukha nila! Mga mukha na bumago sa buong pagkatao ko! Yung mga mukha na nagpahirap saakin, yung mga gumawa ng pasa at sugat ko!

JESSLIE's POV
"Bye Ma!" masaya akong nagpaalam sa nanay ko.. sinuklian niya naman ako ng matamis niyang ngiti. Sumakay naman kaagad ako sa kotse namin upang pumasok sa skwela.

"Kuya, pakibilisan naman oh! Malelate ako niyan eh!" sinabi ko sa driver, pano kasi ang bagal bagal!

Malapit na kami sa school ng makita ko si Patrice.. "Kuya dito nalang ako!" hininto naman kaagad ng driver namin ang kotse at bumaba nako.. hinabol ko kagad si Patrice..

"Patrice!" sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. "Pat, may napapansin ka ba saten?" tanong ko.. "Saten?" sabi niya... "Oo saten nga.. hindi ba dati ay apat tayo, ngayon kulang na ng isa! Si Kayla yun. Inaagaw siya satin ni Maine! Kinukuha siya saten! Ano ba naman 'yan!" sabi ko sakanya, nakakainis talaga 'yong si patrice kahit kelan! Psh >_<

"Hay nako! Ewan ko sayo! Tara na nga.. may review pa tayo para sa exam bukas" sabi naman sakin ni patrice. Habang papalakad kami sa hallway nakita na namin si Khayzel. "Khayzeelll!" sigaw ni patrice. "Huy ano ka ba! Ang ingay mo naman >_<!" sabi ko sakanya.. nakaka irita siya! Hmppp!

Lumapit naman saamin si Khayzel at sinabing "Nasaan na si Kayla? Kahapon pa natin siya hindi kasama ah!" hmpp! Ayan nanaman!

"Kasi andun siya sa BAGO niyang best friend!" sabi ko.. diniinan ko talaga yung pagkakasabi sa word na BAGO. Nakakainis kasi eh.. Badtrip! "Bagong Best friend? Sino?" sabi ni Khayzel... "Ano bayan! Ako palang ba ang nakakahalata sainyong dalawa? Sino pa ba edi si Maine >_<" sabi ko naman..

"Pasok na nga tayo!"
Sabi ni patrice..

MAINE's POV

*Flashback*
Pagkasakay ko ng kotse ay nakita ko si Kayla na naglalakad. Bumaba ako agad para tawagin siya.. "Kaayyllaa!" sigaw ko, napalingon naman siya at nakita ako. "Maine? [Lumapit siya sa akin] Ang yaman niyo pala sobra!" sabi niya, "Hahaha! Hindi naman! Sabay ka na sakin ha! " natatawa kong sabi sakanya..

*End of the Flashback*

Papunta na kami sa classroom pero biglang tumigil sa paglalakad si Kayla. "Teka lang Maine! May kukuwanin ako sa locker" sabi niya. Hinintay ko siya ng mga 2 minutes. Pagkatapos ay nakita ko na may hawak siyang papel, bond paper pala! Short yung bond paper.. nagtaka naman ako.. "A-Ano yang hawak mo na papel?" tanong ko.

"Ah! Eto Ba?" pinakita niya yung papel "Eto kasi yung schedule ng exam natin bukas.. pati na rin ung reviewer ko sa Math, English at Hekasi.. Medyo nahihirapan lang kasi ako sa tatlo pero kaya naman" sabi niya saakin.

Kakaiba talaga siya saakin, kahit ako ay hirap sa mga subjects na iyon. Alam kong top 3 siya dati at ako naman ay top 1.. "Ahmm.. Sino yung top 1 niyo dati Kayla?" tanong ko sakanya. "Top 1? Si jesslie, bakit? Wala pang nakaka-beat sakanya sa pagiging Una sa Rank" sagot niya.

Napaisip ako... Paano kung maging top 2 nalang ako?

Eto na! Malapit na kami sa room. Napatingin ako sa taas ng pinto.. 'Room B-250' ayan ang nakasulat sa taas ng pinto ng room namin..

Pagkasok ko.. Narinig ko na sabi ni Jesslie "Ayan na siya!" sabi niya.. Ako? Ako ba yung sinasabi niya? Di ko siya pinansin at dumeretso ako sa likod king nasaan ang upuan ko. Pagkalapag ko ng gamit ko ay tinawag ako ni Jesslie.

"Maine! Halika dito!" sabi niya. Nakita kong lumabas si Kayla, mag cr yata siya.

"Bakit mo ba inaagaw ang kaibigan ko? Ha! Mangaagaw ka eh! Kaibigan ko si Kayla.. Wag ka namang ganyan!" sabi niya saakin ng pataas na boses. Nakita kong lahat ay nakatingin sakin, ay! Samin pala..

Nagulat ako sa sinabi niya ! Nagiba siya.. Hindi pala! Baka yun na siya at hindi nag-iba.. Baka yun na siya dati pa! "Hindi ko siya inaagaw sayo! Kaibigan ko lang din siya! Bitawan mo ako! Nasasaktan ako..." nakahawak pala siya sa braso ko.. bigla niya akong binitawan!

"Kayla!" sigaw ng isa kong kaklase.. Si hannah, tumingin naman samin si Kayla. "Anong nangyayari?" tanong niya.

"Ahhh...--" bigalang naputol ang dapat sana na sasabihin ko..
"Nagtatanong lang naman ako kung meron ba siya na copy ng schedule para sa exam bukas.. Wala daw siya ehh! Ikaw ba meron? Pakopya naman!" sabi niya kay Kayla, ang kaibigan ko

"Sige kukunin ko!" sagot niya..

Tama ang hinala ko! Nakamaskara sila, in short PLASTIK. Bakit nila kailangan gawin sakin ito? May mga Bully nanaman ba dito? Ayan ang iniisip ko habang papunta ako sa aking upuan.

KAYLA's POV

Bakit kailangan niyang lumapit sa akin para humingi ng schedule para sa exam bukas..? Hindi ba ay siya ang class President? Dapat ay meron siya a nanggaling sa Librarian.. Bakit gento? Nag-iba ang tibok ng puso ko..
.
.
.
Bumlis yata!
.
.
May hinala ako na may ginawa siya kay Maine!

Kilala ko na siya dati pa..

*Throwback [A/N Throwback kasi matagal na]
NARRATOR

"Naiinis ako diyan sa babaeng yan! Natapunan niya ng juice yung uniform ko!" sabi ni Jesslie

"Jesslie huminahon ka!" sabi ni Kayla

"Huminahon? Teka kinakampihan mo ba siya? Ha?" sabi ni Jesslie

"Hindi Jesslie!" sabi ni Kayla

Maya maya pagkatingin ni Kayla sa room nila.. Binubugbog nila ang babaeng nakatapon sa kanya ng juice. Kaya lumipat ng school ang babae.

*End of Throwback*

KAYLA's POV

Natatakot ako! Puwedeng puwede niya ulit gawin yun kay Maine.. Kailangan protektahan ko siya!

BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon