tsug, tsug, tsug...
Papaalis noon ang tren nang mayroong isang babaeng mukhang lasing na lasing na nagpupumilit na buksan ang pintuan ng tren. Hindi natiis ko natiis kung kayat ako ay bumaba na rin lang sa tren upang tulungan ang babae.
Meggy: miss, ok lang kayo?
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tiningnan lang ako ng babae mula ulo hanggang paa. Matapos ang limang minuto, sumagot rin siya sa tanong ko.
Kassey: Sa lagay ko bang ito mukha ba akong ok? Bulol!!!
Meggy: Ako pala si Meggy.
Kassey: Tinanong ba kita? Ako naman si Kassey.
Napangiti ako, dahil nang ako ay tiningnan niya sa aking mga mata, doon ko nalamang maganda pala siya. Hindi nagtagal ay dumating rin ang susunod na biyahe ng tren.
Meggy: Hali ka na sa loob?
Pumasok kami sa loob ng tren, sa kasamaang palad ay punong puno ang tren na naging dahilan ng aming pagtayo. Mayroong isang magandang lalaki na nakaupo, komportableng komportable na kapag siya ay umupo lamang ng maayos, tatlong tao pa sana ang makakaupo. Sa isang gilid naman, nakatayo ang kaawa-awang mga matatandang babae.
Kassey: Hoy lalaki!
Hindi pinansin ng lalaki si Kassey at nagpatuloy sa pagbabasa ng diyaryo. Ako naman ay nagulat sa ginawa niya.
Kassey: Hoy! Naririnig mo ba ako? May mga matatanda doon sa sulok na nakatayo! Hindi mo man lang ba ibibigay ang puwesto mo sa kanila?!
Tiningnan lamang siya ng lalaki.
- W A P A K K K K K K K K K K K !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! -
Ayon, tumama ang kamao ni Kassey sa magandang mukha ng lalaki, at ito'y natumba at nawalan ng malay. Pinaupo ni Kassey ang mga matatanda.
Meggy: Siguro kapag asawa ko ang babaeng ito, under niya ako. [ naisip-isip ko lamang]
Sampung minuto na kaming nakatayo ni Kassey, ang lalaki ay hindi pa rin nagising. Tumigil ang tren sa estasyon, nagising ang lalaki.
Kassey: Bwaaaaaaaaaaaaaaahhh!!! [nagsuka sa ulo ng lalaki]
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeewwwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Bumaba na kami ni Kassey sa tren, iiwan ko na sana siya ngunit hindi kinaya ng konsensya ko. Ayaw ko namang dalhin siya sa bahay dahil sigurado akong papagilitan ako ni Mama. Alam kong mali ang ginawa kong mahulog sa bitag ng babaeng ito dahil isang buwan na lamang ay ihahanda na ako sa kasal sa babaeng hindi ko naman kilala. Dinala ko si Kassey sa isang hotel. Nakahubad ako noon nang pumasok ang grupo ng mga pulis. May nagsumbong umano sa kanilang hinold-up ko si Kassey at nirape. Ako ay nakulong.
Makalipas ang mahabang gabi, nakalabas at napa-walang sala ako.
Pulis: May naghahanap na babae sa iyo sa labas.
Meggy: hmmm, sigurado akong si Mama yun.
Nagulat ako nang biglang may mga lumipanang mga bato't mga halaman.
Kassey: Anong ginawa mo sa'kin kagabi?!
Meggy: Ano bang pinagsasabi mo? Tinulungan nga kita kagabi e! Tapos ngayon ay babatuhin mo ako?
Kassey: Wala akong pakialam at wala akong balak magpasalamat. Hindi pa sapat 'yan sa panggagahasang ginawa mo sa'kin!
==========================================================================================================================================================
Dalawang linggo na lang at mae-engage na ako sa di ko kilalang babae kung kaya't inilipat ako ni Mama ng paaralan. Sa kasamaang palad, kaklase ko pala si Kassey. Siya ang pinaka huling pumasok sa aming silid aralan. Ang lahat ng mga lalaki kong kaklase ay napalaway sa suot nitong mini skirt. Dahil may bakanteng upuan sa aking tabi, doon siya umupo at ako'y hinalikan sa labi. Doon ko nalamang nahulog na rin pala siya sa akin.
Magkatulad kami ng sitwasyon, inilipat rin siya ng ama niya sa paaralang iyon dahil ihahanda rin siya sa kasal sa lalaking hindi rin niya kilala. Para gawing maikli ang mahabang salita, sa dalawang linggong iyon ay maraming nangyari, naging nobya ko si Kassey kahit alam kong sa huli ay masasaktan rin lamang kaming dalawa.
Kami ay nagkalabuan na ni Kassey at nawalan ng komunikasyon.
Ngayon na ang araw ng aking engagement date. Papasok ako noon sa train station, ngunit hindi ako pumasok sa treng nasa harapan ko, dahil umaasa akong magkikita kaming muli sa lugar na una kaming nagkita ni Kassey. Hindi ako nagkamali, siya'y aking nakita, ngunit so loob na ng tren si Kassey. Pilit kong hinabol ang tren, katok ako ng katok, pero pabilis rin ng pabilis ang takbo nito.
Pumasok tuloy sa aking isip na siguro'y hindi kami ang itinadhana para sa isa't isa.
Nakarating na ako sa restaurant, parang naiiyak.
Mama: Ayan na pala siya iha.
Hindi man lang ako tiningnan ng babae.
Mama: Iha, bakit ka umiiyak?
Kassey: May iba po akong mahal pero pinutol ko na ang aming relasyon dahil ako ay ikakasal na sa anak niyo.
Umupo ako sa tabi ng babae, tiningnan niya ako, abot langit ang ngiti ko nang nalaman kong ang babae pa lang ipapakasal sa akin ay si Kassey. Siya ay napangiti rin. Nagulat si Mama.
Mama: Magkakilala ba kayo?
Kassey: Para pong nakita ko na ang aking kinabukasan. Siya po ang tinutukoy kong minahal kong lalaki.
Meggy: Hindi niyo man lang po sinabing siya po ang babaeng ikakasal sa akin.
Hindi na pinatagal pa ang kasal. Pagkalipas ng dalawang taon ay nagkaanak kami ng isang batang babae. At kami'y namuhay ng masaya at nagpapasalamat sa maykapal.
- [ W A K A S ] -