Chapter 1

971 8 1
                                    

Its Monday morning at papasok na ako sa first and last subject ko today napuyat kasi ako last night sa paggawa ng handout namin para dun sa report ko today tapos medyo traffic pa sabi ko na nga dapat nagLRT na lang ako pinilit kasi ako ni Dad na dalin 'tong sasakyan eh ito tuloy ipit na ipit na ako sa traffic. Pero pag naaalala ko yung LRT naalala ko yung nabangga kong lalaki nung nakaraang linggo hay nako sobrang nakakahiya yung nangyari sakin.

Busy days pa naman ngayon kasi next week final exams na kaya yung ibang students at mga classmates ko busy na yung iba busy sa pagrereview yung iba naman busy sa pagkocomplete ng requirements.

After ng ilang minuto naarating na ako sa school, dali dali akong tumakbo papunta sa classroom namin 8am kasi yung class namin at 15mins na akong late buti at nakaflatshoes lang ako kung hindi aabutin ako ng siyam siyam. Pag dating ko sa building namin nakita ko agad ang classmate/friend/bessy/ ugh whatever basta classmates ko si Rodgielyn Mia, but don't try to call her sa real name nya kung hindi lagot ka.

"Hoy babaeano na kala ko hindi na aabot yang report natin? Buti na lang wala pa si Sir nako ka talaga Janina ka!!" inis nyang sabi sakin, ayos talaga 'tong babaeng 'to ako na nga yung napuyat pag gawa ng handout namin tas sinisisi pa nya ako nasan ang hustisya.

"Pwede bang papasukin mo muna ako? Tsaka sorry naman Madame ha, baka po kasi napuyat ako sa paggawa nung handout natin kaya ako nalate tsaka hello lunes ngayon traffic. Pero buti na lang wala pa si Sir" mahaba kong litanya sakanya.

Well wala ng bago saming dalawa ni Rodge ganyan talaga kami magtarayan araw araw, sanay na yung mga classmates namin samin magtaka sila pag hindi kami nagusap. After ng ilang minuto dumating na din yung prof namin at sinimulan na din naming magreport.

After reporting at long quiz "Okay class dismissed" sabi nung prof namin kaya naman yung ibang classmates namin ang bibilis nawala kanya kanya na silang alisan 4hours ba naman yung class namin malamang gutom na yung mga yun. Inaayos ko lang yung ibang mga gamit ko ng magyaya si Rodge na kumain.

"Girl tara, kain tayo! Nakakagutom yun ha ibang klase talaga yang si Sir Cruz imagine after nyang magpareport biglang nagpaquiz nakakaloka lang ha" reklamo nya sakin, pero tama nga naman sya kahit ako nabigla dun sa quiz na yun ang masaklap kasi wala sa report namin yung quiz nya. Medyo nagutom din ako dun sa pag iisip at reporting na yun.

"Tara SB tayo, I want coffee" sabi ko lang at nagpunta na kaming dalawa sa starbucks actually tambayan namin yung ng mga friends namin pero kami lang ngayon ni Rodge ang magkasama dahil yung iba may mga class pa. So yun!

Naglakad na lang kami papunta ng SB hassle kasi kung magdadala pa kami ng sasakyan, pag dating namin dun medyo crowded yung area ang daming students may mga nagrereview kuno yung iba naman nakatambay buti nakahanap kami ng table. Si Rodge na yung nagabala na umorder at ako naman nagaantay na lang.

Sa di kalayuan may isang grupo ng mga lalaki na sobra ang kaingayan, akala siguro nila nabili na nila 'tong Starbucks kasi ang ingay nila yung ibang students nga lumalapit sakanila para magpapicture ng tingnan ko kung sino sila nakita ko si Kuya Kevin kasama yung ibang teammate nya sa DLeague kaya naman nilapitan ko sila.

"Hi Kuya" bati ko kay Kuya Kevin.

"Hi Sis!" bati din nya sakin, nakibati naman yung ibang kasama ni Kuya kilala ko naman kasi yung iba sakanila.

"Teka parang ang layo nyo naman ata ha, if I know naghahanap lang kayo ng chiks dito noh! Nako nako mga gawain nyo ha" pangaasar ko sakanila, nagtawanan naman yung iba sakanila napatingin ako dun sa isang lalaki busy sya sa pagkalikot ng phone nya pero mukang familiar.

"Grabe ka naman samin idol" si Baser.

"Sus palusot ka pa, eh obvious naman! Kilala ko kayo" napakamot na lang sya dun sa sinabi ko. Maya maya pa ay lumapit na si Rodge samin bitbit yung order naming dalawa.

Just Love (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon