xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"CRIMINAL"
written by: KLPASCUA
(When You Fell Inlove to a Villain of Devil's Law)
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Chapter 1:
1 hour left. Sooner, he'll be gone from me. Ang sakit isipin na ang taong kasama mong kinalaban ang buong mundo para lang isalba ang inyong pagmamahalan ay sa bandang huli, mawawala din sayo ng tuluyan. Sa mga sandaling ito, wala na akong luhang mailalabas pa. Tuyong-tuyo na ang damdamin ko sa hirap ng aking dinanas kasama ang taong pinakamamahal ko. Ang ipagpanalangin na lamang siya, ang tangi kong magagawa, dahil bibitayin na siya. Kung may magagawa lang ako, kung pwede ko lang bawasan ang buhay ko para i-alay sa kanya, ginawa ko na. Pero wala, ang mag-hintay sa kung anong bukas ang mangyayari sa akin pag nawala na siya, at ang tumayo muli ng mag-isa ng hindi ko na siya makakasama, ay ang tanging magagawa ko lang. Hindi ko alam kung may umaga pang naghihintay sa akin, na sa kabila ng lahat ng sakit, ay may kinabukasan pa akong matatahak. Paano na ako pag nawala na siya?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Cindy! Ano ba? Asan ka na ba talaga??!" pang-apat na tawag sa akin ng bestfriend kong si Kaye sa phone.
"Saglit na saglit lang, malapit na talaga ako, promise."
Pupunta kasi kami ngayon sa isang concert. Tong babaeng to talaga, wala ng ginawa kundi atupagin ang panonood niya sa mga pinagpapantasiyahan niyang Boy Band group, ang WEST KANYE. Paano naman kasi, crush na crush niya ang lead vocalist ng banda na si James Enriquez. Oh well, James is our high school classmate. Ewan ko ba bakit patay na patay ang bestfriend ko sa lalakeng yan. To the fact na napaka playboy niya. Halos lahat ng babaeng nagdadaan sa buhay niya eh pinapaiyak niya lang.
"Where are you exactly at?"
Pang limang tawag na niya yan ha. Isa pa, hindi ko na talaga sasagutin. Bahala siyang mapudpud ang daliri niya kakapindut. Can't she just wait? Bakit? Makakarating ba ako dun kaagad kapag kinulit-kulit niya ako sa pagd-dial niya ng phone niya? Wadapak lang.
Red light. Parang ang tagal naman ng standby ng stop light na ito? Gumagana pa ba?
"Kuya asang banda na tayo?"
I asked the driver. Nakataxi kasi ako papunta sa event center. Ayoko kasing todo huggard ako pagdating ko. Mainit kasi eh, pag sa jeep naman, lusaw na agad ang pintura ko sa muka. Siksikan, mainit. May time pa na makakatabi ka ng mga manyakis. Boset yung ganun noh! Yung tipong, para silang mga kiti-kiting hindi mapakali. Argh. Ang sarap i-murder yung mga ganyan.
"Quezon ave. po ma-am." sagot sa akin ni manong driver.
Actually, malapit na lang din talaga ako, this time, hindi ako nagsinungaling kay Kaye. Usually kasi pag tinatanong niya kung asan na ako, I always answer na malapit na, pero yung totoo is 1 kilometer advance ang sinasabi ko kung asan na ako, ehe. Wait, ang ganda naman nun. Napansin ko kasi ang isang billboard. Bagong labas na Louis Vuitton bag. Kailan kaya ako makakabili ng ganyan? Eh sa poorita Avila lang ang estado ng buhay ko eh, ni hindi ko nga magawang palitan ang cellphone kong panahon pa ng kopong-kopong.
"Ma'am, andito na po tayo."
Argh. Dito na ba yun? Ah oo nga, look who's there. Ang epal na si James Enriquez. Well, siya lang naman ang may pinakamalinaw na kuha sa billboard na nakakabit sa harapan ng event center.