CHAPTER THREE

1.6K 55 9
                                    

NAPATIGIL ako sa iniisip ko nang marinig ko ang nakakayamot na boses ng isang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPATIGIL ako sa iniisip ko nang marinig ko ang nakakayamot na boses ng isang babae. Kasabay no'n ay ang pagbagsak niya ng libro sa table ko. Huh! Bakit, sa tingin niya tapos na rin ako sa kanya? Nagsisimula pa lang ako.

"The hell I care. Will you just leave me alone?" medyo kalmado ko pang sabi. Pasalamat siya at medyo pagod ako ngayon kaya hindi ko muna siya sasagarin sa inis.

Napatingin naman ako sa paligid, naagaw na naman pala nila ang atensiyon namin dito. Lahat ng tao dito sa canteen ay sa akin lang nakatingin. Oh well, sanay na rin naman akong marami ang tumitingin sa akin.

"Lagot siya kay Arra," sambit nung isang babae hindi kalayuan sa table ko. Ako, matatakot sa kanya? Asa! I am not the same old me na kaya nilang tratuhin na parang basura.

"Not a single person tries to mess up with me. Who do you think you are?"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa kinakain ko.

"Hey, I am talking to you!" napaigtad ako nang bigla na naman niyang dinabog ang mesa ko. Anong problema ng babaeng ito?

"I'm not in the mood to talk to you, so can I just eat in peace?"

Narinig kong nagbubulungan ang ilang estudyante sa paligid ko. Nakita ko namang hindi makapaniwala sa narinig ang dalawang alipores ni Arra, at maging siya. Suminghal siya at saka yumuko para magtama ang mga mata namin. Her face was an inch away from me and I saw her gritted teeth.

"Alam kong nagdadahilan ka lang. You're threathened."

I laughed after hearing those words from her. Ako, natatakot sa kanya? Noon siguro isang malaking 'oo'. But not anymore. Di ko na lang siya pinansin, ang oras ko kasi ay hindi lang para sa kanya kaya bawal magpagod.

Tumayo ako at pumunta ng cashier para umorder ng paborito kong choco moose. One shake a day is not enough for me. Ugh! Ito na naman yung ka-adikan ko sa pagkain. I can't resist.

Habang naglalakad ako ay nakita ko yung mga mata nila na sa akin pa rin nakatingin. Nakakairita! Di pa ba sila naka-recover na may maganda na nag-enroll dito?

"Hoy, babae!"

Urgh! She's really irritating! I clearly told them that I want to eat in peace but here they are, trying to annoy and ruin my mood. "Kahit kailan, wala pang nagpangahas na kumalaban sa akin."

Di ko siya pinansin. Pakialam ko? Nakatalikod lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.

"Hey! I'm talking to you!"

"Girl, wala pang kumakalaban sa kanya, baka di mo siya kilala? Gusto mong maka-isa?" napalingon naman ako doon sa nagsalita. It's Gina, isa sa mga alipores ni Arra. Actually, tatlo sila, isang feeling reyna, isang pakialamera at isang mukhang ewan.

"Wala akong panahon para kilalanin ko pa siya o kahit na sino sa inyo," usal ko. Nanlaki naman yung mga mata nilang tatlo, napanganga at di makapaniwala sa narinig. Mas lalo lang umingay sa paligid. Kahit siguro sila ay hindi aakalaing may sasagot ng ganoon sa kampon ni Arra.

Her Pretty Little Game (Published under Immac Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon