Last Part -(Goodbye)

26 4 1
                                    

Her's

Days

Weeks

Months passed..

6months nang nanliligaw si jake sa akin.

And this day.

Is the day na balak ko syang sagutin.

Magkikita kami ngayon dahil may surprise daw sya para sa akin.

Gayak na gayak ako para sa special na araw na ito. Nakasuot ako ng white dress at nag-ayos.

Itetext daw nya sa akin kung saan yung lugar kung nasaan ang surprise nya para sa akin.

Hindi nya ako masusundo dahil mag-aayos pa raw sya

Natawa ako dahil dun.

At Nagtext na sya sa akin kung saan.

From: Jake

Same place kung saan una kitang inaya.

Eto na yung signal nya para pumunta dun.

Nagdrive na ako at syempre mawawala ba ang traffic sa edsa.

Mag-iisang oras na akong nastock dito dahil sa sobrang traffic.

Pero ang pinagtataka ko ay hindi nagtetext si jake kung nasaan na ako.

Tinatawagan ko sya pero walang sumasagot.

Hanggang sa nalaman kong kaya pala traffic masyado ay may naaccidente daw.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa hindi ko malamang dahilan.

At pagtapat ko dun pinangyarihan ng accident ay ay parang nawala ako sa sarili ko sa nakita ko.

Kamuka ng kotse ni jake yung naaccidente.

Kinabahan ako ng sobra. Pakiramdam ko nakalutang ako at hindi makagalaw.

Ayaw tumulo ng luha ko. Pakiramdam ko ang bigat ng dibib ko.

Nabalik lang ako sa katotohanan ng may sunod sunod na busina pero hindi ko pinansin.

Nilakasan ko ang loob ko at bumaba para tignan kung sino ang naaccidente.

"Ahm excuse me pwede ko bang tignan?" tanong ko dun sa nurse na may buhat sa stetcher.

"Sige po"

"Anong nangyari?" tanong ko

"Nabangga po yung kotse sa truck dead on the spot po yung sakay ng kotse dahil napailalim po sa truck"

Kahit hinang hina ako ay pinilit kong tignan kung sino ang sakay ng kotse.

At ng makita ko....

Halos mapaluhod ako sa nakita ko.

"Hindi, hindi sya yan angel hindi!"

Si jake..

Si jake ang sakay ng kotseng bumangga.

Pero dahil ayaw tanggapin ng sistema ko na sya nga yun.

Nagdrive ako at pumunta pa rin sa restaurant na pagkikitaan naming dalawa.

Pagdating doon ay naabutan kong umiiyak ang pamilya nya habang may kausap ang daddy nya sa phone

Naipakilala na nya ako sa family nya kaya kilala ko sila.

Pakiramdam ko manhid ang buong katawan ko.

Hanggang nilapitan ako ng mommy nya

"Iha.......wala na ang anak ko"
Tapos umiyak na sya ng umiyak at yumakap sa akin.

A Short Sad Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon