~~~Coryn's POV~~~
"A-ahh,oo. Pasensya na".
0___0 Hala?! A-anong sinabi ko?
"Sabi naman sa'yo Elle,eh. Ha-ha mahal na mahal ka kaya ni Topher. Diba,pre?" Nakaakbay sa akin yung lalaki.
"A-ah? Oo naman. He-he".
"Aaaw,I'm sorry talaga babes". Hinalikan muli niya yung lalaki sa pisngi at humarap siya sa akin. "Hi, nice to meet you! I'm Elle Buenaventura, ang girlfriend ni Topher" Inabot ng babaeng maganda, makinis at super puti yung kamay niya sa akin.
"H-hi.Ako naman si Coryn" Nakipagkamay ako.
"UUWAAAAHH~ UUUWAAAAHHHH~" Biglang umiyak si baby.
"Sige guys, uuwi na kami at umiiyak na 'tong si baby eh. Let's go,hun?" Napatingin ako sa kanya na nakalahad ang kamay.
"Ah,sige tara". Isinakay namin sa stroller si baby at lumabas kami. Dinala niya ako sa pinakatagong lugar ng parking lot,kung saan nakaparada ang kotse niya
"Hoy! Excuse me,pero bakit mo sinabi yun?". Humarap siya sa akin mula sa pag-aayos ng gamit sa loob ng kotse
"Shut your mouth up. Hindi mo alam kung gaano kalaking problema ang napasok natin na dalawa". Seryoso niyang sabi. Ano ba ibig niya sabihin? Bakit naman naging problema yun? Grabe na 'tong lalaki na 'to ah.
"Huh! Ikaw pa nagagalit ngayon? Hindi mo ba alam na nakaka-insulto yung sinabi mo kanina? Bigla bigla ka na lang nagsasalita ng kung anu-ano tap--".
"SHUT THE F.CK UP!" Nabato ako sa kinatatayuan ko at napatigil. Nakita ko kung paanong nagyukom ang mga kamao niya at ang bigat ng paghinga niya. Bakit siya nagagalit? Napayuko na lang ako. Hindi ko alam pero naiyak ako,siguro natakot ako sa reaksyon niya.
Napansin niya na nagpunas ako ng mukha at umiiyak kaya napahilamos siya sa mukha niya.
Sumakay siya sa loob ng kotse at pina-andar iyon ng napaka bilis. Wala na, umalis na siya. Dun ko lang na-alala na naiwan ko yung mga gamit ko sa loob ng mall.
Naglalakad na ako pabalik sa mall ng biglang may humintong kotse sa tabi ko kaya nilingon ko iyon. Bumukas ang bintana at nakita ko si kuya na naka-hood at naka shades. Bakit siya nandito?
"Saan ka? Ihahatid na kita". Sabi niya sabay bukas ng pintuan sa tabi niyang upuan.
"Uuhh, wala kasi akong tinutuluyan". Sagot ko at napansin ko naman na parang may malalim siyang iniisip
"Sakay" Ako ba inuutusan niya?
"Ha? Saan tayo pup-"
"Basta sumakay ka na lang" Nakita ko naman na medyo naiinis siya
"Sandali yung gamit ko kasi naiwan ko sa loob ng mall". Hindi siya sumagot at nakatingin pa rin sa akin. Natakot akong masigawan muli kaya sumakay na ako.Pinatakbo niya ang kotse ng sobrang bilis. Sa sobrang bilis gusto ko nang maiyak.
Pagdatinh namin sa parking lot ay pinasunod niya ako sa isang bahay. Pagdating doon ay inayos ko ng higa ang tulog na si baby.
"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa lalaki.
Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako ng napa-atras.
>///< Ano ba ang problema niya?
Atras lang ako ng atras hanggang sa naramdaman ko na napasandal ako sa pader. Kinulong niya ako sa pagitan niya at napaka lapit ng mga mukha namin.
*Dug.dug.dug*
"Simula ngayon, ikaw na ang mag-aalaga sa baby na yan. Ikaw na ang bahala sa bahay tuwing wala ako. Ikaw ang kakausap sa lahat ng bisita ko. Gusto ko din kapag umuwi ako, may pagkain na at sabay tayong kakain. Kailangan mo din ituring na parang tunay na anak ang bata. Magpapanggap ka na ikaw ang ina niya. Ikaw na ang bahala sa lahat". Huh? Ano daw yun?
"G-gusto mo akong maging katulong ng... anak mo?" Nakita ko siyang ngumiti ng nakaloko at tinanggal niya ang kanina pa niyang suot na shades.
*dug.dug.dug*
0__0
0///0
S-SI FINN JOSHUA DE VEGA?
SI FINN JOSHUA DE VEGA ANG KAHARAP KO?!
"Hindi, gusto kong maging ina ka ng batang iyan-"
Huh?!
"at maging asawa ko".
~~~
Guys please leave a comment. Tatanggapin ko kahit ano, gusto ko lang malaman kung pangit siya. xDD
PLEASE.VOTE.COMMENT
~BeastSenyorita
BINABASA MO ANG
Adopting WHAT? A BABY?
Teen FictionThe very popular of all times Finn Joshua De Vega was issued to adopt a baby by an unknown fan. How will he handle the preassure that showbiz life and a father life will give him?